![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Lumalala ang pagkakahiwalay ng US sa internasyunal na komunidad bunsod ng di makatarungang patakarang panlabas nito laluna kaugnay ng sitwasyon sa Middle East. Sunud-sunod ang mga dagok na dinanas ng gubyernong Bush nitong mga nakaraang linggo sa larangang ligal, pulitikal at diplomatiko kapwa mula sa loob at labas ng bansa.
Ngunit ngayong taon, walang nagawa ang US sa harap ng mas matindi nang pagtutol ng mga myembro ng konseho sa hinihinging panibagong isang taong ekstensyon ng immunity. Sa pulong ng konseho noong Hunyo 24, mariing ipinahayag ni Kofi Annan, Pangkalahatang Kalihim ng UN, na hindi na maaaring payagan ang gayong ekstensyon sa harap ng nabunyag na mga pang-aabuso ng mga tropang Amerikano sa mga bilanggong Iraqi sa Abu Ghraib. Partikular na umani ng pagtutol ang kahilingan ng US na muling pagtibayin taun-taon ang immunity "hangga't kinakailangan.� Kinundena ito ni Annan bilang isang pagtatangkang gawing permanente ang isang pansamantalang hakbanging pangkagipitan. Samantala, sa US mismo, nagkaroon na ng upisyal na pag-amin sa kawalang-batayan ng gera ng US sa Iraq. Sa ulat na inilabas ng US Senate Intelligence Committee nitong Hulyo 10, inihayag nito ang pagiging "depektibo" ng mga datos paniktik na pinagbatayan ng desisyong salakayin ang Iraq. Ayon dito, ang mga naging kongklusyon ng US kaugnay ng weapons of mass destruction (WMD) ng Iraq ay sobra o hindi suportado ng mga ulat paniktik. Isinangkalan ng gubyernong Bush ang umano'y mga WMD ng Iraq para ilunsad ang agresyon. Ayon kay Sen. Jay Rockefeller, isang nakatataas na myembro ng naturang komite, ang tinukoy na mga kamalian ay "kabilang sa pinakamapaminsalang mga kabiguan sa paniktik sa kasaysayan ng US." Ang ulat ng US Senate ay pinatutunayan din ng isang upisyal na imbestigasyon sa United Kingdom. Nitong Hulyo 14, iniulat ng komisyong nagsagawa ng imbestigasyon sa UK ang kongklusyon nito na ang Iraq ay walang mga sandatang kemikal at biological noong lusubin ito ng koalisyong pinamumunuan ng US. Inihayag ng komisyon na ang mga datos paniktik ng UK kaugnay nito ay "depektibo, hindi mapagkakatiwalaan at hindi sapat." ![]()
| |||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. |
|