|
|
| Kagyat ang pangangailangan para ibayong bigkisin ang hanay ng mamamayang Pilipino laban sa lumalalang pagyurak sa mga karapatang sibil at nagbabadyang lantarang pasistang paghahari. Mula 2001, aabot na sa 51 lider at kasapi ng progresibong partidong Bayan Muna ang pinatay at 14 ang dinukot at hindi pa natatagpuan. Labingwalong pinuno at myembro ng Anakpawis na ang pinaslang. Kinitil ang buhay ng dalawang kasapi ng Gabriela Women's Party. Walang humpay ang pagpaslang sa mga sibilyan, laluna sa mga magsasakang nagsusulong ng tunay na reporma sa lupa subalit pinararatangang may kaugnayan sa rebolusyonaryong armadong kilusan. Lalong lumalawak ang saklaw ng pasistang panunupil kung ibibilang din ang napakarami nang kaso ng mga bigong pagpatay, pagdukot, iligal na pang-aaresto at pagkulong at iba't ibang anyo ng pananakot. Kaakibat ng serye ng pamamaslang sa mga demokratikong pwersa ang puspusang pagtutulak ng rehimeng US-Arroyo sa mga pasistang panukala tulad ng Anti-Terrorism Bill at ng National ID System. Ang lahat ng ito'y naghahawan ng daan para sa pagpapataw ng paghaharing militar sa buong bansa. |
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|