Malaking bigwas sa tinipong maliliit na tagumpay
Animnapu't isang sugat sa katawan ng kaaway ang idinulot ng iba't ibang maliliit na operasyon ng BHB sa Timog Katagalugan noong 1999.
Umabot sa 53 ang patay at mahigit 14 ang sugatan, kabilang ang mga sundalo, pulis, paramilitar at masasamang elemento.
Nakasamsam ang BHB ng apat na M16, dalawang M14, anim na .45, sampung .38, limang .22, isang pistolang 9 mm, walong shotgun, 25 iba't ibang magasin at mga bala. Dagdag pa, nakumpiska ng Hukbo mula sa kaaway ang tatlong radyong VHF, isang bangka, isang motorsiklo at iba pang kagamitan. Nakasamsam din ang BHB ng mga dokumento mula sa mga oportunistang taksil.
Sa panig ng Hukbo, isang Pulang mandirigma ang naging martir, at isa pa ang di malubhang nasugatan.
Ang mga operasyon ay kinabilangan ng mga opensibang naitransporma ng Hukbo mula sa depensiba, pagpaparusa sa maliliit na grupo ng mga oportunistang taksil, paggawad ng rebolusyonaryong hustisya sa mga may mabibigat na pagkakasala sa mamamayan at pagbigo sa mga tangka ng berdugong kaaway na wasakin ang rebolusyonaryong pagkakaisang umiiral sa mga baryo.
Halaw sa "Maliliit na taktikal na opensiba ng BHB sa iba't ibang prubinsya ng TK noong 1999", ulat ng Panrehiyong Kumand sa Operasyon ng Timog Katagalugan
![](../../angbayan/images/textend3.gif)
|