Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Ang mga dambuhala, militante at mapayapang aksyong masa na nagpatalsik kay Estrada

 Read this article in English

Noong Enero 16 hanggang 20, iniluwal ng mamamayang Pilipino ang pamatay na dagok sa kinamumuhiang rehimeng Estrada sa pamamagitan ng isang makasaysayang pag-aalsa.

Sa loob ng apat na araw, ang buong kapuluan ay niyanig ng di bababa sa isang milyong mamamayan sa mga rali-protesta na nagpaalingawngaw sa mga sigaw na "Erap resign now!", "Patalsikin si Erap!", "Hatol ng bayan, guilty si Erap!" at "Sigaw ng bayan, arestuhin si Erap!". Nagbuklod sa dambuhala, militante at mapayapang mga aksyong masa ang karamiha�y mga manggagawa, kabataan, magsasaka, kababaihan, maralitang-lunsod, mga propesyunal at kawani ng gubyerno, mga negosyante, taong simbahan, manggagawang pangkultura at iba pang sektor, kabilang ang mga anti-Estradang paksyong militar at reaksyunaryong pulitiko. Mula sa mga pabrika, eskwelahan, upisina at mga maralitang komunidad sa lunsod at kanayunan, dumagsa sila sa mga mayor na kalsada sa iba�t ibang sulok ng kapuluan. Nilikha nila ang di mapasusubaliang unos na nagtulak sa mga sagadsagarang reaksyunaryo sa kampo ni Estrada, maging sa pasistang militar at pulisya, na bumaligtad laban sa kanilang pangulo, hanggang sa tuluyang mapilitan si Estrada na isuko ang poder.

GABI NG ENERO 16. Pumutok ang galit ng publiko sa rehimen nang hadlangan ng senado ang paglalabas ng mga dokumento hinggil sa P3.3 bilyong salapi ni Estrada sa bangko. Nag-walkout ang mga pribadong tagausig at ang mga ordinaryong mamamayang sumasaksi sa paglilitis, at inanunsyo ng mga pampublikong tagausig ang kanilang pagbibitiw kinabukasan. Nagkaroon ng pagkakataon ang nadismayang mamamayang ipahayag ang kanilang masidhing pagtutol sa garapal na pagsupil ng Senado sa katotohanan nang ipanawagan sa madla na magtipon sa EDSA Shrine. Sa loob lamang ng ilang minuto ay bumuhos sa panulukan ng EDSA at Ortigas at sa mga lansangan at liwasan ng mga sentrong bayan sa buong bansa ang ilampung libong demonstrador.

Sa kalaliman ng gabing iyon ay binuhay ng mga noise barrage, mensaheng text at mga raling iglap ang Kamaynilaan, gayundin ang mga lunsod ng Angeles, Cebu, Cagayan de Oro, Bacolod, Davao, Iloilo, Dumaguete at Cotabato. Nagsalimbayan sa mga lansangan ang sigaw ng mamamayan, busina ng mga sasakyan, kalampag ng mga kaldero�t kawali at todolakas na pagpapatugtog ng mga anti-Estradang kanta. Bumaha ng samutsaring mga pahayag at mensaheng naggiit sa kagyatang pagbibitiw ni Estrada at nananawagang lumahok sa mga malawakang protesta sa mga dyaryo, radyo, telebisyon, internet at telepono.

Lalong pinahigpit ng malawak na nagkakaisang prenteng anti-Estrada na kinabibilangan ng BAYAN, Bayan Muna, Kangkong Brigade, Estrada Resign Movement, COPA, Kompil II, United Opposition, UCCP, CBCP, PCCI, MBC at marami pang ibang grupong sektoral at multisektoral sa iba�t ibang sentro ng bansa, ang koordinasyon upang igiit ang pagbibitiw ni Estrada. Sa lunsod ng Davao, sininsin din ng mga pwersang anti-Estrada, sa pangunguna ng Konsensiya sa Katawhan, ang pakikipagkoordina ng mga kilosprotesta sa iba pang grupo sa Mindanao at Maynila.

ENERO 17. Tiniyak ng mamamayang patuloy silang bubuhos sa mga lansangan hangga�t hindi nagbibitiw si Estrada. Inilunsad ang mga welga sa pabrika at transportasyon, boykot sa mga eskwelahan, barikada sa mga komunidad, walkout sa mga upisina at malalaking demonstrasyon para patalsikin si Estrada. Ang mga estudyante, guro, kawani at upisyal ng UP, UST, PUP, FEU, La Salle, Ateneo, Miriam, Poveda, St. Scholastica�s College, St. Joseph�s College, Mindanao State University, Immaculate Conception College ng Ozamis at St. Anthony�s College ng Antique ay ilan lamang sa daan-daang mga paaralan sa buong bansa na lumahok sa mga pagkilos. Nagpabilang din ang mga upisyal at empleyado ng Department of Foreign Affairs, National Food Authority, National Economic Development Authority, Department of Labor and Employment at iba pang ahensya ng gubyerno.

Naghanda nang tumungo sa EDSA ang delegasyon ng mga magsasaka, manggagawa, kababaihan, kabataan at mga katutubo mula sa Gitna at Timog Luzon. Nagpursige silang tumuloy sa Maynila upang makipagsanib-lakas sa mahigit nang 275,000 nagpuprotesta, sa kabila ng pagharang ng mga pulis sa mahigit 50 bus mula sa mga lunsod ng Olongapo, Naga at iba�t ibang lugar sa Timog Katagalugan.

Patuloy na idinaos ng iba�t ibang sektor, na ang bilang ay pinabulwak ng mga mag-aaral ng elementarya, hayskul at kolehiyo at mga estudyante ng medisina at abugasya, ang mga rali, noise barrage at candlelight vigil sa Ozamis; Roxas, Capiz; Cebu; Maasin, Southern Leyte at iba pang mga lunsod at bayan ng Visayas at Mindanao.

ENERO 18. Nag-alab ang galit ng mamamayan sa pagkapit-tuko ng kampo ni Estrada sa kapangyarihan sa kabila ng walang tigil na paglapad ng hanay ng mga mamamayang nagpuprotesta. Nagpasya na rin ang ilang malalapit niyang kaibigang talikuran si Estrada.

Karamiha�y nakaitim bilang simbolo ng pagprotesta laban kay Estrada, mahigit 10,000 manggagawa, empleyado at upisyal ng mga kumpanya, kabilang yaong mga nasa Philippine Stock Exchange, ang nagsilabasan sa kanilang mga upisina sa lunsod ng Makati upang tumangan ng plakard at streamer at buuin ang human chain mula Makati hanggang EDSA Shrine.

Nagmartsa rin sa Session Road ng Baguio, naglunsad ng dasal-rali at nagsindi ng mga kandila ang mga kawani ng gubyerno sa Cordillera. Nag-walkout naman at nagrali sa harap ng mansyon ni Estrada sa Baguio ang mga mag-aaral ng abugasya ng Baguio Colleges Foundation. Lumahok rin sa mga kilos-protesta ang Diocese of Dagupan-Lingayen at Erap Agco La! (Kilusang tama na, Erap!) ng Pangasinan, ang mamamayan ng Bulacan, ang may 500 myembro ng Bayombong-Quirino Diocese at mga taong simbahan ng Lucena.

Lumarga patungo sa Maynila ang may 500 magsasaka, manggagawa at maralitang-lunsod ng Estrada Resign Movement (ERM) ng lalawigan ng Quezon upang sumanib sa daan-daan libong nakaipon sa EDSA. Naglunsad ng torch parade at nagmartsa ang di bababa sa 10,000 magsasaka, kabataan at mga kawani at upisyal ng gubyerno sa mga lunsod ng Iriga at Naga bilang pagsuporta sa "People Power II". Sa Kabisayaan, ibayong nadagdagan ang bilang ng mga nagrali sa San Jose, Antique (2,500) at Roxas City (3,000).

Tuluy-tuloy ang mga rali sa Mindanao na sumisigaw ng "Erap, kanaog na!" at "Tangtangon na (si Erap)!". Nagdaos ng mga kilos-protesta ang mamamayan ng Ozamis City, Pagadian City at mga bayan ng Tukuran at Dumalinao sa Zamboanga del Sur. Mahigit 1,000 mamamayan ang dumalo sa kilos-protesta sa Cotabato. Sa lunsod ng Marawi, may 2,000 myembro ng Bangsamoro Youth Movement ang nanawagan para sa pagbibitiw ni Estrada at sa pagtigil ng mga operasyong militar sa Lanao.

ENERO 19. Ayon sa Kilusang Mayo Uno, mahigit 450 kumpanya na may 70 hanggang 1,200 manggagawa bawat isa ang sumuporta sa pag-aalsa ng mga manggagawa. Idineklara naman ng Catholic Education Association of the Philippines, na may 1,173 myembrong eskwelahan sa buong bansa, bilang "Pambansang Araw ng Protesta" ang ikatlong araw ng Edsa 2. Nag-walkout na rin ang mga kawani ng Commission on Human Rights matapos mabalitaan ang pag-atake ng mga maka- Estradang hakot at pagharang ng pulisya sa mga anti- Estrada, at nagsabing "walang karapatang-tao sa ilalim ng administrasyon ni Estrada."

Ayon sa mga ulat, lumobo ang bilang ng mga estudyante, propesyunal, kawani ng gubyerno, taong simbahan, negosyante at pulitiko na nagmartsa sa iba�t ibang lunsod sa bansa: Baguio (5,000), Dagupan (5,000), Cebu (20,000), Iloilo (12,000), Bacolod (100,000) at Davao (10,000).

Sa Pampanga, naglunsad ng transport strike na sinabayan ng walkout ng mga manggagawa at estudyante sa pangunguna ng Coalition for the Ouster of Erap o CORE.

Nagdaos din ng koordinadong mga aksyong masa sa Kalibo, Aklan at mga bayan ng Molave, Mahayag, Tambulig, Dumingag at Josefina sa Zamboanga del Sur.

Ikinamangha ng marami at isa ring tanda ng malawak na katangian ng prenteng anti-Estrada ang hindi pagkapos ng suplay ng pagkain at inumin para sa mga nagpuprotesta na karamiha�y mula sa hanay ng mga batayang sektor at petiburgesya. Bukod sa tiniyak ito ng malalaking negosyanteng anti-Estrada, hindi malilimutan ang mga walang-pangalang nag-aruga sa mga nagrarali�yaong mga pana-panahong naghuhulog ng mga biskwit mula sa flyover ng Ortigas at iyong simpleng mamang magpapandesal na namigay ng libre at mainit na tinapay sa mga inumaga sa EDSA.

MARTSA PA-MENDIOLA. Pagsapit ng gabi ng Enero 19, umabot na sa 10 myembro ng gabinete at mga upisyal ng gubyerno, kabilang yaong mga nasa ulo ng pasistang makinarya ng rehimeng Estrada na sina Angelo Reyes, Orlando Mercado at Panfilo Lacson, ang bumaligtad.

Gayunpaman, iginiit ng mamamayang nagrarali ang paninindigang ituloy ang laban hanggat hindi nagbibitiw si Estrada. Umulan ng confetti. Tuluy-tuloy na isinigaw ng mamamayan ang "Erap resign now!". Walang isang siko ang pagitan, okupado na ng daan-daang libo ang halos dalawang kilometrong kahabaan ng EDSA mula Shaw hanggang Santolan. Nangibabaw ang kapasyahang ituloy ang martsa sa Malakanyang kinabukasan upang pwersahin si Estradang bumaba sa poder.

Bandang alas-6 ng umaga ng Enero 20, sa kabila ng tagubilin ng simbahang manatili sa EDSA, minartsa ng mahigit 80,000 mamamayan ang kahabaan ng 15- kilometrong ruta mula EDSA Shrine hanggang Mendiola. Di alintana ang pagod, sumuong sila papunta sa makasaysayang tulay upang pwersahin si Estradang magbitiw.

Kasabay ng alon ng mga lobo, streamer at bandila, at kahanay ang pulisya na sa huling minuto�y tumaya laban kay Estrada, mabilis na pinuno ng dagat ng mga nagprotesta ang panulukan ng Recto at Legarda na kalahating kilometro lamang ang layo sa Malakanyang. Mapayapang idinaos ang rali na pinaalab ng mga madamdaming talumpati at pangkulturang pagtatanghal na kinatampukan ng mga klasiko at makabagong awit at sayaw ng protesta. Maya-maya�y naging isang pagdiriwang ito, nang umabot sa mga nagpuprograma ang balitang tuluyan nang tumakas mula sa Malakanyang si Estrada at ang kanyang pamilya gamit ang daan sa likod ng palasyo upang iwasan ang mga nagpuprotesta sa Mendiola.

 


Previous articleBack to topNext article

Enero 2001
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Anihin ang mga tagumpay ng pakikibaka sa pagbabagsak sa rehimeng US-Estrada!
Patuloy na palakasin at paigtingin ang rebolusyonaryong pakikibaka ng mamamayang Pilipino sa ilalim ng rehimeng Macapagal-Arroyo!

Parusahan si Estrada!
Bagong gubyernong Macapagal-Arroyo:
Nanunumbalik ang rehimeng US-Ramos

Paksyon-paksyon sa pulisya at militar
Ang papel ni Eduardo "Danding" Cojuangco sa huling mga buwan ni Estrada sa Malakanyang
Ang mga dambuhala, militante at mapayapang aksyong masa na nagpatalsik kay Estrada
Campaign Plan Balangai:
Patuloy na pasistang pananalakay sa Timog Katagalugan

Mga Pahayag:
Hinggil sa mga bihag ng digmang nasa pangangalaga ng BHB

Mga Pahayag:
Hinggil sa pambobomba sa Metro Manila

Mga Balita ng Pakikibaka
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.