Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Madugong rekord laban sa masa sa Cagayan at Apayao

 Read this article in English

Noong dekada 1980, nanungkulan bilang upisyal-paniktik si Aguinaldo at kalaunan ay naging project officer ng kontra-rebolusyonaryong programang tinaguriang "Oplan Katatagan sa Cagayan" na plano at nasa mando ng CIA. Direktang kinanlong si Aguinaldo ng kanyang amo na si Juan Ponce Enrile, na noo'y hepe sa depensa ng diktador na si Ferdinand Marcos.

Sa pagpapatupad ng "Oplan Katatagan" noong unang hati ng dekada 1980, di bababa sa 350,000 magsasaka at kanilang mga pamilya mula sa mahigit 300 baryo ng Cagayan at Apayao ang sapilitang pinalikas mula sa kanilang mga tahanan, bukid at lugar ng hanapbuhay. Taumbaryo sila sa mga minisipalidad ng Gattaran, Lasam, Sto. Ni�o, Lallo, Rizal, Buguey, Alcala, Amulung, Baggao, Pe�ablanca at Piat sa Cagayan at sa mga munisipalidad ng Flora, Luna, Conner at Pudtol sa Apayao. Pininid sila sa malahayup na kundisyon sa maraming hamlet (gwardyadong pook konsentrasyon) sa paligid ng mga kampong militar ng AFP, PC at Integrated Civilian Home Defense Forces.

Ulul na ulol sina Enrile at Aguinaldo na puksain ang "insurhensya". Ang pagsalbeyds, pagtortyur, pagmamasaker, maramihang pagpapalikas at psywar ay sadyang isinagawa upang takutin ang mamamayan, wasakin ang mga rebolusyonaryong organisasyon, sawatain ang kanilang militansya at pawiin ang matutunog na tagumpay sa rebolusyong agraryo sa Cagayan. Halos walang baryo sa Cagayan at Apayao ang hindi naapektuhan ng pagiging buhong nina Aguinaldo at ng kanyang mga kasapakat sa militar, pulis at pwersang para militar.

Noong Disyembre 1980, trak-trak ng mga militar sa pamumuno ni Aguinaldo ang dumagsa sa maraming baryo Madugong rekord laban sa masa sa Cagayan at Apayao upang iutos ang maramihang paglikas. Binantaan nilang papatayin ang sinumang sumuway sa kanila. Hinakot ang kalalakihan, kababaihan, mga bata at mga hayup sa bukid. Sapilitan silang pinaglakad nang maraming kilometro sa mapuputik na dasdas sa kabundukan tungo sa malalaking kalsada, sentrong bayan at hamlet na gwardyado ng mga kampo militar. Maraming sanggol at matatanda ang namatay sa gayong pagpapahirap.

Subalit sama-samang lumaban ang mamamayan. Sa mga hamlet sa Lallo, Cagayan, araw-araw na nagrali ang mamamayan sa may national highway at nananawagan ng tulong mula sa mga taga-bayan at mga dumaraan. Pinetisyon nila ang lokal na gubyerno na kagyat at ligtas silang pahintulutang makabalik sa kanilang mga baryo. Matatag silang naggiit ng indemnipikasyon at umani ng suporta mula sa mas maraming mamamayan. Ang alkalde noon na si Aladino Dupaya ay walang nagawa kundi pagbigyan ang makatarungang mga kahilingan ng mamamayan.

Sa Masi, Rizal sa Zinundungan Valley, ang mga hinamlet na katutubong Malaweg ay sumuway sa AFP. Tumakas sila sa binakurang kampo at bumalik sa kanilang mga tahanan at bukid. Libu-libong mga magsasaka at mag-aaral sa Gattaran ang naglunsad ng mga martsa-rali, pasan ang mga kabaong upang iprotesta ang masaker ng mga bata sa Naddungan at iba pang mga baryo.

Sa harap ng patuloy na pagbugso ng militanteng kilusang masa sa rehiyon at ng panawagan para sa isang pambansang boykot laban sa huwad na eleksyong presidensyal ni Marcos noong 1981, nagwala si Aguinaldo at ang kanyang mga tauhan. Walang katulad sa nakaraan ang pagdami ng mga kaso ng panonortyur, pananalbeyds, masaker at iba pang kahayupang isinagawa ng mga pasista laban sa mamamayan ng Cagayan at Apayao. Mas marami at mas malawak na mga lugar ang idinek larang "no man's land" (bawal sa tao). Pinagsusunog ang mga bahay, pinagwawasak ang mga bukid at pananim. Hinaras, inaresto, ibinimbin, tinortyur at hinalay ang mga pinagsususpetsahang myembro ng mga rebolusyonaryong organisasyong masa.

Batay sa kanyang utos, ang mga tropa ng 17th IB-PA at ng 51st PC Ranger Battalion ay pumatay ng puu-puong sibilyang pinaghihinala ang sumusuporta sa rebolusyonaryong kilusan. Sa bayan pa lamang ng Lasam, 47 katao ang pinaslang.

Nagtanghal si Aguinaldo ng isang "maramihang pagsuko" ng 150 sibilyan at kamag-anak ng mga mandirigma ng BHB sa Gattaran noong 1983. Upang mapilitan silang "sumuko", una'y iniutos niya ang pagdukot sa mga anak ng mga kilalang mandirigma ng BHB. Ang mga sibilyan ay pinilit na magprisinta ng sarili bilang mga "surenderi" at pagkatapos ay inilista bilang kasapi ng CHDF o civilian informer, kapalit ng buhay at pansamantalang kalayaan.

Pilit na pinadalo ang taumbaryo sa mga miting na ipinatawag ni Aguinaldo. Pinapila at isa-isang ininterogeyt. Pilit silang pinag bibigay ng pangalan ng mga kamag-anak nila sa BHB. Walang pagod na hinaras ni Aguinaldo at kanyang mga tauhan ang mga natukoy nilang pamilya o malapit na kamaganak ng mga mandirigma ng BHB. Pinipilit na ipagkanulo o pasukuin ang kanilang mga kamag-anak sa BHB.

Walang katulad sa nakaraan ang pagdami ng mga kaso ng panonortyur, pananalbeyds, masaker at ibang pang kahayupang isinagawa ng mga pasista laban sa mamamayan ng Cagayan at Apayao. Pinagsusunog ang mga bahay, pinagwawasak ang mga bukid at pananim. Hinaras, inaresto, ibinimbin, tinortyur at binastos ang mga pinagsususpetsahang myembro ng mga rebolusyonaryong organisasyong masa.

Ang mga tumanggi sa ganito ay paulit-ulit na hinahataw ng dos por dos. Hindi ligtas sa ganito maging ang kababaihan at mga bata. Ang mga anak ng mga mandirigma ng BHB ay dinukot at dinala sa mga kampo militar at ang kababaihan ay ginahasa o pinakikialaman ni Aguinaldo upang makapaghasik ng intriga sa kanilang mga asawa at kamaganak. Marami ang nagtaglay ng malalang sikolohikal na troma dahil sa gayong mga dinanas sa kamay ni Aguinaldo.

May ilang surenderi na binuo bilang pribadong hukbo ni Aguinaldo, ang tinaguriang "Cagayan 100". Ginamit niya ang grupong paramilitar na ito bilang pwersang kontra-rebolusyonaryo, personal na badigard at goons para sa maruming pamumulitika at eleksyon.

Nang bumagsak ang diktadu rang Marcos noong 1986, agad na itinalaga si Col. Rodolfo Aguinaldo bilang provincial commander ng Philippine Constabulary sa Cagayan at bilang hepe sa paniktik ng PC Recom 2. "Gantimpala" ito sa paglahok niya sa EDSA 1.

Pagkatapos nito'y kaagad rin siyang lumahok sa mga tangkang kudeta laban sa rehimeng Aquino noong 1987 at 1989. Noong 1990, sa tulong ng kanyang "Cagayan 100," naglunsad si Aguinaldo ng sariling kunwang kudeta sa Tuguegarao, na humantong sa pagpatay sa noo'y tagapagsalita ng AFP na si Col. Oscar Florendo. Tumalilis si Aguinaldo, inabandona ang kanyang "Cagayan 100" at "nagtago" hanggang sa inabswelto siya ni Fidel Ramos. Ang kaso laban kay Aguinaldo hinggil sa pagpatay kay Colonel Florendo ay hindi umusad sa mga reaksyunaryong korte.

Notoryus na tortyurer ng 5th CSU

Pagkatapos na pagkatapos niyang makapagtapos sa Philippine Military Academy (PMA) noong 1972, ang second lieutenant pa lamang noon na si Aguinaldo ay itinalaga sa 5th Constabulary Security Unit o 5th CSU. Responsable ang 5th CSU sa pagkaaresto, pagtortyur at pagpatay sa maraming kadre ng Partido at aktibista sa panahon ng pasistang diktadurang Marcos. Halos isang dekada siya sa pusakal na yunit na iyon. Sa panahong naroroon siya, si Aguinaldo ang naging isa sa pangunahing tagatoryur ng mga bilanggong pulitikal na napapasakamay ng 5th CSU (kahit na ibang yunit ang nakaaresto at nagkukulong). Ilan sa kanila ay sina:

  • Jose Ma. Sison (inaresto at tinortyur noong 1977);
  • Jose "Pete" Lacaba at Bonifacio Ilagan (1974);
  • Johann Baroso, Nenita Evangelista-Luneta at ang kanyang tatlong-taong-gulang na anak na si Ning ning (dinukot at pinatay noong 1977);
  • Magkapatid na Franco, Ernesto at Domingo Luneta (inaresto at tinortyur noong 1974);
  • Purificacion Pedro (nasugatan sa engkwentro at dinala sa ospital, kung saan siya ginahasa at natagpuang nakabigti; pinalabas na nagpakamatay siya);
  • Edgar Jopson (inaresto at tinortyur noong 1978);
  • Dr. Juan Escandor (dinukot noong 1983; natagpuan ang bangkay na nakasuksok ang kanyang brief sa loob ng bungo; ang dinukot ding kasama niyang si Yolanda Gordula ay hindi na natagpuan);
  • Marco Palo (inaresto noong 1982; itinakbo sa V. Luna Memorial Hospital na halos patay na matapos matinding tinortyur ni Aguinaldo); at
  • Venerando Villacillo (dinukot noong 1985, pinatay, sinunog ang bangkay at itinapon sa bangin).

 


Previous articleBack to topNext article

04 Hulyo 2001
Edisyong Pilipino


Ipinagdiriwang ng ang pagpaparusa kay Colonel Aguinaldo
Madugong rekord laban sa masa sa Cagayan at Apayao
Pasistang naging pulitikong warlord
Operasyong pagparusa kay Aguinaldo:
Walang muog ang mga reaksyunaryo na di mabubuwag ng rebolusyon

Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.