![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
"Nakikiisa Kami sa Lahat ng Makabayan at Progresibong Pwersa Laban sa Paniniil ng Terorismong Marcos" "Ang Partido Komunista ng Pilipinas, sa sarili nito at sa ngalan din ng Bagong Hukbong Bayan na pinamumunuan nito, ay nagpapahayag ng pinakamatinding galit sa naganap na masaker sa Plaza Miranda noong Agosto 21, na humantong sa pagkamatay at pagkasugat ng maraming mamamayan kabilang ang pamunuan ng Partido Liberal. "Ang karumal-dumal na aktong ito ay itinuon hindi lamang sa Partido Liberal kundi maging sa lahat ng oposisyon at sa buong sambayanang Pilipino. Ang teroristang katangian at baliw na pagpapakana ng pangkating US-Marcos ay sapat na pinatutunayan hindi lamang ng pinakahuling masaker at iba pang naunang masaker kundi ng walang dahilang pagsuspinde sa kasulatan ng habeas corpus sa buong bayan. Walang dudang ang pasistang papet na pangkating Marcos ay desididong imonopolisa ang kapangyarihang pulitikal sa mga paraang militarista, anti-komunista at anti-demokratiko. "Ang pangkating US-Marcos ay patuloy na tumatahak sa landas ng diktadura-militar laban sa malawak na masa ng sambayanan. Saksi tayo ngayon sa imposisyon ng lantad na paghaharing militarista. Ang rehimeng US-Marcos ay gumagamit ng lahat ng paraang mahahango nito sa itim na libro ni Hitler para lumikha ng anti-komunistang isterya, patahimikin ang anumang klaseng oposisyon at monopolisahin ang kapangyarihang pulitikal sa pamamagitan ng baril.... ![]() ![]() "Walang kaabug-abog na kinukundena ng pangkating US-Marcos ang Marxismo- Leninismo- Kaisipang Mao Zedong sa proklamasyon ng pagsusupinde sa kasulatang habeas corpus. Kaugnay nito, inaanyayahan namin ang lahat na mag-aral ng mga akda nina Marx, Engels, Lenin, Stalin at Mao Zedong para malaman nila mismo kung pinapahintulutan ng dakilang komunistang mga lider na ito ang teroristang pambobomba o hindi. Kaming mga Komunistang Pilipino ay binibigkis ng Marxismo-Leninismo-Kaisipang Mao Zedong at laging sumasalig sa pagpukaw at pagpapakilos ng milyun-milyong mamamayan. ... "Ang Partido Komunista ng Pilipinas, kasama ang Bagong Hukbong Bayan, ay matatag na hindi nagpahatak sa mga probokasyon ng kaaway tulad ng pangingidnap, asasinasyon, pananakot at madugong pagwasak ng mga rally sa mga eryang urban. Ito'y dahil puspusang pinayayabong natin ang kilusang welga at ang bagong demokratikong rebolusyong kultural. Sa kanayunan tayo naglulunsad ng armadong pakikibaka. Lagi nating binibigyan ng walang kaawa-awang dagok ang mga pusakal na kaaway lamang." ![]()
|
| ||||||||||||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|