![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Ang inihandang badyet ng rehimeng Macapagal-Arroyo para sa 2003 ay nakatuon sa ibayong pagpapalakas ng makinaryang militar sa kapinsalaan ng mga serbisyong panlipunan. Dito'y itinaas ng rehimeng Macapagal-Arroyo ang alokasyon para sa AFP nang mahigit P4 bilyon. Hindi pa kasama rito ang P5 bilyong nakatakda para sa AFP Modernization Plan. Department of National Defense. Tumaas nang P4.7 bilyon. Ang naging kabuuang badyet ay P65.135 bilyon. Philippine Military Academy. Dinagdagan ng P30.2 milyon (samantala, kinaltasan nang P143.9 milyon ang badyet ng state colleges and universities at nang P28.3 milyon ang badyet ng Philippine Science High School at Science Education Institute). Intelligence fund. Dinagdagan nang P14.2 milyon. Nasa P1.2 bilyon ang kabuuang pondong pang-intelligence, kung saan P650 milyon o lampas kalahati ay nakalaan para sa Office of the President. PNP. Tumaas nang P2.3 bilyon, kabilang ang P2.1 bilyong nakalaan para sa pagtaas ng sahod ng mga pulis at P300 milyong para sa pagkuha ng 9,000 bagong pulis, bumbero at jailguard. Sa kabilang panig, binawasan ang alokasyon sa pabahay nang P307.5 milyon, sa agrikultura at reporma sa lupa (P424.1 milyon), sa serbisyong pangkalusugan (P502.2 milyon) at segurong panlipunan, kagalingan at empleyo (P184.7 milyon). ![]()
| ||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|