Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Pandaigdigang pagtutol sa gera

 Read this article in English

Sa di pa napapantayang mga kilos-protesta, naipakita ang nagkakaisang paninindigan

Noong Pebrero 14-16, dumagundong sa buong mundo ang pagkundena at pagtutol ng milyun-milyong mamamayan sa mapandigma at mapang-aping patakaran ng imperyalismong US. Ito ay panibagong pagsigla at pagrurok ng kilusang anti-imperyalista sa daigdig.

Katangi-tangi ang inaabot na saklaw ng pagkakaisa ng pandaigdigang kilusang masa laban sa mga digmang agresyon ng US sa pangkalahatan at laban sa nakaambang pananalakay nito sa Iraq sa partikular. Tinututulan din nito ang iba pang kasalukuyang digmang agresyon ng US: ang agresyon nito sa Afghanistan, ang pagsisimula sa Pilipinas at ang patuloy na pagbasbas at pagsuporta nito sa agresyon ng Israel laban sa Palestine.

Mahigit 12 milyong mamamayan ang koordinadong dumagsa sa mga pangunahing lansangan at pampublikong lugar sa Europe, America, Asia, Africa at Latin America. (Tingnan ang talaan) Maging sa kaduluhu-duluhan ng mundo�sa Antarctica�nagtipon ang mga syentista at mananaliksik na nakabase roon upang makiisa sa buong daigdig. Gamit ang internet at iba pang paraan, nakoordina at natipon ang napakalawak na pagtutol sa panggegera ng US sa Iraq.

Sa mga susing syudad sa Europe at North America (Canada at US), ang mga demonstrasyon noong Pebrero 14-16 ang pinakamalaki at pinakamasaklaw na sa kanilang kasaysayan. Nahigitan na ng mga ito ang pinakamalalaking rali noong panahon ng gera sa Vietnam.

Sa iba pang bahagi ng daigdig, bumubwelo at lumalakas ang mga kilusang protesta, laluna laban sa mga papet na estadong masugid na sumusuporta sa patakarang agresyon ng US.

Dahil dito, napipigilan ang nakararaming papet na estado na tahasang sumuporta sa agresyon. Sa mga bansa kung saan pinakamalakas ang protesta, mabilis na nahihiwalay sa malawak na mamamayan ang pinakamasusugid na tagasuporta ng digma.

Maging sa hanay ng mga reaksyunaryo, dumarami ang tumututol. Nabiyak ang reaksyunaryong uri ng Turkey nang bumoto ang 251 myembro ng parlamento nito laban sa balak ng US na gawing base ng gera ang kanilang bansa. Sa United Kingdom, maramihang bumoto ang mga kapartido ni Prime Minister Tony Blair laban sa kanyang panukalang bulag na suportahan ang pandidigma ng US.

Sa loob ng US, mahigit 80 lokal na konseho, kabilang ang konseho ng syudad ng Los Angeles, ang naghapag ng resolusyon laban sa planong digma ng gubyernong Bush.

Walang pagod na nangangampanya at naglulunsad ang mamamayan ng iba-ibang porma ng pagkilos. Nagsulat ng mga tulang kontra-gera ang mahigit 5,000 makata bilang ambag sa lumalawak na kilusang masa. Naglabas ng mga patalastas sa radyo at telebisyon ang mga artista, atleta at iba pang kilalang personalidad. Kinutya sa mga dula sa UK ang aroganteng asta ng presidente ng US. Inorganisa ng mahigit 400,000 aktibista ang mga phone, FAX at internet brigade ng mamamayan para bahain ng milyun-milyong protestang mensahe ang White House at iba pang tanggapan ng gubyerno sa US. Sa Malaysia, pumirma ang halos isang milyong katao sa petisyon laban sa gera.

Marami ring mga mapanlikha at di pangkaraniwang porma ng protesta. Dumayo sa Iraq ang ilang grupo upang maging mga �taong-kalasag� (human shields) at gumitna sa mga tatargetin ng mga bomba ng US. Daan-daang kababaihan at kalalakihan ang magkahiwalay na nagprotestang nakahubad sa Australia, US at Chile.

May ilang grupong naglunsad ng citizens weapons inspection sa US at mga kaalyado nitong bansa sa Europe. Patutunayan nilang ang US sa halip na Iraq ang siyang malaking banta sa seguridad ng mundo, dahil ito ang may pinakamaraming armas nukleyar, biolohikal at kemikal�na tinaguriang mga armas para sa maramihang pamiminsala. Mayroon ding nagprotesta sa pamamagitan ng pagharang ng mga tren na nagdadala ng mga gamit pandigma ng US patungo sa Middle East.

Tuluy-tuloy ang protesta. Libu-libong estudyanteng Amerikano ang lumabas sa kanilang mga silid-aralan nitong Marso 5. Sa ilalim ng programang "Books not War" (Libro, hindi gera), pinaabot nila ang kanilang pakikiisa sa mga estudyanteng Iraqi na lubos na maaapektuhan ng digmang agresyon.

Sa Turkey, lumabas sa lansangan ang 100,000 mamamayan upang iparating ang kanilang pagtutol sa mga myembro ng kanilang parlamento habang nagbobotohan sa resolusyon tungkol sa pagpapapasok ng dagdag na tropang Amerikano sa Turkey. Nang bigong ipasa ang panukala, ibayong lumaki ang demonstrasyon upang ipagdiwang ang kanilang tagumpay.

Sa Malaysia nitong Pebrero 24, umabot sa 200,000 ang nagrali sa sentrong syudad. Umabot naman sa 100,000 ang nagprotesta sa Pakistan nitong Marso 4.

Mga tampok na pagkilos noong Pebrero 14-16

  • Italy: Rome, Monza, Turin: 2.5 milyon
  • Spain: Madrid; Barcelona, Seville, Oviedo, Las Palmas, Cadiz, Girona: 3.68 milyon
  • Britain: London: 1.5-2 milyon
  • France: Paris, Montpellier, Lyon: 840,000
  • US: New York City, Los Angeles, Seattle, Minneapolis, San Diego, Philadelphia: 910,000
  • Germany: Berlin, Stuttgart: 55,000
  • Australia: Melbourne, Newcastle, Perth, Canberra: 255,000
  • Greece: Athens, Thessalonika: 240,000
  • Canada: Montreal, Toronto, Vancouver, Edmonton: 270,000
  • Ireland: Dublin, Belfast: 170,000
  • Belgium: Brussels: 100,000
  • Portugal: Lisbon: 100,000
  • The Netherlands: Amsterdam, 80,000
  • Sweden: Stockholm, Gotenborg, Malmo: 80,000
  • Scotland: Glasgow: 100,000
  • Norway: Oslo, Trondheim, Stavenger, Bergen: 84,000
  • Mexico: Mexico City: 50,000
  • Uruguay: Montevideo: 50,000
  • Denmark: Copenhagen: 35-40,000
  • Austria: Vienna: 30,000
  • Japan: Tokyo: 25,000
  • Hungary: Budapest: 20,000
  • Basque Country (Spain): Irunea: 20,000
  • Luxembourg: 15-20,000
  • Brazil: Rio de Janeiro, Buenos Aires, Sao Paolo: 60,000
  • Finland: Helsinki, Turku: 20,000
  • India: Calcutta: 10,000
  • South Africa: Johannesburg, Capetown: 15,000
  • Croatia: Zagreb: 10,000
  • New Zealand: Auckland, Wellington, Christchurch, at iba pa: 21,500
  • Iraq: Baghdad: 100,000
  • Egypt: Cairo: 2,000
  • Korea: Seoul: 10,000
  • Philippines: Manila: 6,000
  • Palestine: Gaza: 15,000
  • Switzerland: Bern: 40,000
  • Syria: Damascus: 200,000
  • Thailand: Bangkok, Pattani: 13,000
  • Turkey: Istanbul: 5,000
  • Peru: Lima: 5,000

 


Previous articleBack to topNext article

07 Marso 2003
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Agresyong US, BIGUIN

Mula sa Komite Sentral
AB, dalawang beses bawat buwan

Usapang pangkapayapaan, ibinasura na ng GRP
Gerilyang digma laban sa AFP, inilunsad ng MILF
Ilang tampok na tagumpay sa paglalahathala ng AB
Lumalaking sagka
Pandaigdigang pagtutol sa gera
100,000, nagrali sa Luneta
Galamay ng US
Matatagumpay na opensiba ng BHB:
Sunud-sunod na mga opensiba, inilunsad ngayong Pebrero

Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.