Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Pambobomba sa Mindanao
Pasiklab ng rehimen sa US

 Read this article in English

Agad ipinatupad ng AFP ang iniutos ni Gloria Macapagal-Arroyo na pambobomba sa mga lugar na pinagkukutaan diumano ng MILF sa Mindanao. Ito�y para makapagpasiklab siya sa kanyang imperyalistang amo na kanyang binibisita ngayon, sa pag-asang makakuha ng malaki-laking ayuda. Nitong Mayo 18, sinimulan ng AFP ang halos maghapong pambobomba at paglusob sa North Cotabato, Lanao del Norte, Maguindanao at Zamboanga peninsula. Sa unang dalawang araw pa lamang, umabot na sa mahigit 30,000 libra (o mahigit 13,500 kilo) ng mga bomba ang inihulog ng mga eroplanong OV-10 Bronco sa Lanao del Norte at Zamboanga. Tatlong libong dagdag na tropa rin ang hinugot sa Luzon at Visayas para ipadala sa Mindanao. Umaabot na sa 318,000 mamamayan sa Zamboanga del Norte at 30,000 sa Lanao del Norte ang napilitang lumikas dahil sa pinaigting na kampanyang militar.

Agad ring sinabi ni Presidente George W. Bush ng US na daragdagan ang mga tropang Amerikano na lalahok sa Balikatan sa Mindanao. Nangako rin siyang daragdagan ang ayuda sa AFP para sa mga operasyon nito laban sa MILF. Samantala, inianunsyo ng White House na ang susunod na target pagkatapos ng MILF ay ang BHB.

Umani ng mga batikos ang mga operasyong militar. Ayon kay Gregorio "Ka Roger" Rosal, tagapagsalita ng Partido Komunista ng Pilipinas, ito ay direktang pag-atake sa mga komunidad ng Moro. Aniya, iniutos ito ng militarista at tutang si Arroyo na nais sumipsip at mag-alay ng pasalubong sa binibisita niyang amo.

Walong senador kabilang ang ilang mga kapartido ni Arroyo ang kumukontra ngayon sa nagpapatuloy na kampanyang militar sa Mindanao. Ayon kay Sen. Aquilino Pimentel, ang pambobomba ay walang iba kundi "terorismong itinataguyod ng estado.�

Pinuna rin ni Fr. Angel Calvo ng Coalition of Mindanao Peace Advocates si Maj. Gen. Kyamko, hepe ng Southern Command sa pahayag nitong walang nagaganap na gera sa Mindanao kundi "paghuhulog lamang ng mga bomba at panganganyon..."

 


Previous articleBack to topNext article

21 Mayo 2003
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Suportahan ang pakikibaka ng mamamayang Moro laban sa tumitinding atake ng rehimeng US-Arroyo!

Pambobomba sa Mindanao
Pasiklab ng rehimen sa US
Bt corn: nakakalasong mais ng Monsanto
Gubyerno, walang laban sa SARS
Ka Elvira, mapagkalingang rebolusyonaryo
Sa ibayong dagat:
Tagibang na daan tungong kapayapaan sa Palestine

Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.