|
Doble-karang pakana
Isang mapanlinlang na gimik ang idineklarang unilateral na tigil-putukan ng rehimeng Arroyo. Wala itong intensyong itigil ang tuluy-tuloy na opensibang militar laban sa mga yunit ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa iba�t ibang larangang gerilya sa bansa. Ikinukubli lamang ng AFP at PNP ang kanilang kontra-rebolusyonaryong mga operasyong militar sa mga �operasyong pampulisya�.
Katunayan, nitong Disyembre 20 ay sinalakay ng Charlie Coy ng 11th IB ang isang yunit ng BHB sa Hacienda Emma, Barangay Camang-Camang, Isabela, Negros Occidental. Dalawang Pulang mandirigma ang nasawi. Sa panig ng militar, isa ang napatay at anim ang nasugatan.
Noong araw ding iyon, nag-operasyon ang 17th IB sa apat na baryo ng Baggao, Cagayan. Noong Disyembre 16 naman, nagkaroon ng engkwentro ang mga elemento ng 5th Scout Rangers Regiment at mga gerilya ng BHB. Kasalukuyang may operasyong militar din ang 16th IB sa Sta. Cruz, Mindoro Occidental at Agusan del Sur.
Ang mga ito ay ilan lamang sa mga operasyong militar na kasalukuyang inilulunsad ng AFP sa iba�t ibang bahagi ng bansa. Mula Disyembre 16 hanggang Enero 5 ng susunod na taon ang idineklarang tigil-putukan ng rehimeng Arroyo.
![](../../angbayan/images/textend3.gif)
|
|
![](../../angbayan/images/ab_banne-2.gif) 21 Disyembre 2004 Edisyong Pilipino
|
|
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.
AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.
Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here. |
|