![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Noong Marso 9, 2004, nasawi sa isang labanan sa San Felipe, Zambales si Joselito �Ka Boyet� Talens. Pito pang mga kasama, sina Ka Chris, Ka Raffy, Ka Esie, Ka Deya, Ka Emil, Ka Marco at Ka Archie, ang naging martir ng rebolusyon sa naturang labanan.
Naging kasapi siya ng Partido noong 1985 nang bumalik siya sa kanyang bayan sa Nueva Ecija. Niyakap niya mula noon ang Marxismo-Leninismo-Maoismo, ang rebolusyonaryong teorya ng uring manggagawa. Nagsikap siyang magpanibagong-hubog, talikuran ang uring petiburges at itaguyod ang proletaryong paninindigan, pananaw at pamamaraan. Naging pangalawang kalihim si Ka Boyet ng sangay ng Partido sa isang paaralan sa Cabanatuan City noong 1985. Sa sumunod na taon, naging pangalawang kalihim siya ng istap ng Komiteng Prubinsya na nakatutok sa sektor ng kabataan-estudyante. Hunyo 1987 nang magpasya siyang sumanib sa Bagong Hukbong Bayan. Nasa kasagsagan noon ang implementasyon ng maling linya ng �estratehikong kontra-opensiba� at lusaw ang organisasyon ng Partido sa loob ng yunit ng hukbo na kanyang kinapalooban. Sa kabila ng mga kahirapang kanyang dinanas, nagsikap si Ka Boyet na gampanan ang mga tungkulin niya bilang upisyal pampulitika ng yunit. Nagbigay siya ng mga pag-aaral pampulitika at pampartido sa mga mandirigma, pinangunahan ang mga pagtatasa at pagpuna at pagpuna sa sarili at nagsikap patatagin ang komitment ng mga kasama. Noong 1988, pansamantalang naputol ang ugnay ni Ka Boyet sa Partido at hukbong bayan nang atakehin ang isang pulong ng Partido sa antas rehiyon at madakip doon ang maraming namumunong kadre ng Partido at kumander ng BHB. Nang muling makaugnay at makabalik si Ka Boyet, sumanib siya sa isang yunit ng Hukbo na nagpapatupad ng hibang na kampanyang anti-impiltrador. Lubos itong nakaapekto sa kanya at nagdulot ng pananamlay na humantong sa pamamahinga nang dalawang taon. Ipinaalam niya sa kinauukulan ang lahat ng kanyang aktibidad habang wala sa kilusan. Taong 1991, muling nagpultaym si Ka Boyet. Dahil sa kalakhan ay mahusay ang kanyang rekord sa pulitika at militar, ginawa siyang kagawad ng istap pangmilitar ng rehiyon at napabilang sa isang yunit paniktik nito. Noong 1992, isinulong ng Partido ang Ikalawang Dakilang Kilusang Pagwawasto (IDKP) matapos ang paglalagom ng higit isang dekadang karanasan. Lubos itong naintindihan at niyakap ni Ka Boyet. Sa pamamagitan nito, lubos niyang nailugar ang sariling mga karanasan. Lalong tumibay ang kanyang pasya at mula noo�y tuluy-tuloy na siyang kumilos. Isa si Ka Boyet sa maraming kasama sa rehiyon na nakapag-ambag nang malaki sa pagpapanibagong-lakas ng Partido at rebolusyonaryong kilusan sa gabay ng IDKP. Noong Abril 1994, naging bahagi si Ka Boyet sa paghahanda para maging larangang gerilya ang hilagang silangang bahagi ng Tarlac. Ito ang naging Front 2 ng Tarlac. Kasabay ng pagiging kagawad ng Komiteng Prubinsya ng Partido sa Tarlac, tumayo siyang kalihim ng Komiteng Larangan at kumander ng hukbo rito. Malalaking hamon ang sinuong ni Ka Boyet at ng kanyang mga kasama sa pagtatayo ng larangang gerilya sa bahaging ito ng Tarlac. Ang tereyn nito ay patag na patag, walang bundok o burol na magagamit na likuran,
Batay sa kanyang ipinakitang pamumuno at tatag bilang kadre ng Partido, masikhay na pagtataguyod sa linya ng Partido at kongkretong naiambag sa rebolusyonaryong kilusan mula pa noong 1983, inihalal si Ka Boyet bilang kagawad ng Komiteng Rehiyon sa plenum nito noong Abril 2000. Noong 2001, dumanas ang mga pwersa sa Tarlac ng malaking pinsala dahil sa magkasunod na depensiba at pagkadurog ng dalawang yunit sa kanlurang bahagi ng prubinsya. Nagtuluy-tuloy ang mga operasyong militar ng kaaway sa tangkang tuluyang durugin ang rebolusyonaryong pwersa sa prubinsya. Ngunit binigo ng mga kasama ang ganitong pakana ng kaaway. Hindi lamang nila naipreserba ang sarili, bagkus ay muling napalaki at napalakas ang Partido, hukbong bayan at baseng masa. Isa si Ka Boyet sa mga pangunahing inasahan ng Partido at Hukbo sa kritikal na yugtong ito sa kasaysayan ng Tarlac. Inilipat siya para tumayong bagong kalihim ng Komiteng Larangan at kumander ng pamprubinsyang yunit gerilya kung saan nangyari ang malalaking depensiba. Pinamunuan ni Ka Boyet ang sunud-sunod na matatagumpay na taktikal na opensiba roon na bagamat maliliit ay may malalaking epektong pampulitika. Tumaas ang mapanlabang diwa ng hukbong bayan at ng masa. Matapos ito, idineploy si Ka Boyet upang harapin ang hamon sa pagpapalawak at pagpapatatag ng rebolusyonaryong kilusan sa Zambales at Pangasinan. Nakipamuhay at naggawaing masa ang kanilang yunit sa hanay ng mga Aeta at iba pang maralitang magsasaka roon. Noong siya�y mamatay, si Ka Boyet ay kagawad rin ng Komite sa Zambales-Pangasinan at kalihim ng nakapailalim dito na komite sa edukasyon, kalihim ng sangay ng Partido sa platun at pampulitikang instruktor ng yunit. Halaw sa mensahe ng Komiteng Rehiyon ng PKP at ng Panrehiyong Kumand sa Operasyon ng BHB sa Central Luzon noong Marso 11, 2004. ![]()
| ||||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|