![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Ibayong tumitindi ang demoralisasyon sa hanay ng mga sundalong Amerikano sa Iraq sa harap ng tuluy-tuloy at organisadong paglaban ng mamamayang Iraqi. Pinakamalaking salik sa demoralisasyon ng mayorya ng mga sundalong Amerikano ang kawalang-pananalig sa sinasabi ng kanilang gubyerno na batayan ng pananalakay at pananatili nila sa Iraq. Batid nilang ipinambabala lamang sila sa kanyon sa isang gerang walang katuturan, walang pinatutunguhan at tila wala nang katapusan.
Hindi kataka-taka na impyerno ang turing ng 130,000 sundalo sa kanilang pinalawig na deployment sa Iraq. Dagdag sa papatinding panganib, dumaranas sila ng matinding kasalatan at kahirapan. Madali silang salakayin ng mga gerilyang palaging nagsusubaybay sa kanila, lalo't kulang ang kanilang proteksyon. Salat ang suplay ng mga bullet-proof vest para sa mga sundalong nagpapatrulya. Dahil dito, mismong mga pamilya na ng mga sundalo ang bumibili at nagpapadala ng naturang mga vest. Kulang na kulang ang kanilang suplay ng maiinom na tubig. Madalas ding maapektuhan ang kanilang suplay sa pagkain.
Mula Mayo 1, umaabot na sa 17 sundalo ang kumpirmadong nagpatiwakal. Puu-puo pang mga kaso ng posibleng pagpapatiwakal ang iniimbestigahan ngayon. Mahigit 500 nang sundalo ang pinauwi sa US dulot ng troma sa gera at matitinding problemang sikolohikal. Maliit na bilang lamang ito kumpara sa iniulat na 8,093 pasyenteng natatanggap ng isang ospital-militar sa Germany kung saan karamihan ng mga sundalong Amerikanong nakadestino sa Iraq ay ipinapasok dahil sa depresyon at iba pang mga karamdamang sikolohikal. May mga ulat na hindi sadyang nagpatiwakal ang ilang mga sundalo. Ayon na rin sa sariling imbestigasyon ng US Army, binalak ng iba na sugatan lamang ang sarili sa desperasyong makatakas sa kanilang pagkadestino sa Iraq. Ito ay matapos ipatupad ng US ang "stop-loss order." Ang utos na ito ay nagpalawig sa serbisyo ng lahat ng mga sundalong Amerikano sa Iraq, kahit yaong mga nakatakda nang bumalik sa US at yaong mga magreretiro. Bukod pa sa mga nagpapatiwakal, dumaraming sundalo ang basta na lamang umaalis sa kani-kanilang mga pwesto o hindi na bumabalik sa destino mula sa pagbakasyon. Nitong Disyembre, aabot na sa 1,700 mga sundalong Amerikano ang tumangging bumalik sa kanilang mga pwesto sa Iraq at nagtatago na lamang sa batas matapos sila pahintulutang panandaliang bumisita sa US. ![]()
| ||||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|