Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Mga Pahayag

ni Kasamang Luis Jalandoni
Kasapi, Pambansang Komiteng
Tagapagpaganap ng NDFP
Tagapangulo,
NDFP Negotiating Panel

SA PAGBUBUKAS NG PRESS CONFERENCE NG PANEL SA NEGOSASYON NG NDFP
30 Mayo 1999

Inilabas ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Pilipinas at ng Pambasang Konseho ng National Democratic Front of the Philippines (Pambansang Demokratikong Prente ng Pilipinas o NDFP) ang desisyon na pormal na kilalanin ang katotohanang winakasan na ng gubyernong Estrada ang negosasyong pangkapayapaan ng GRP-NDFP.

Tahasang nilabag ng gubyernong Estrada ang Pinagsamang Deklarasyon ng The Hague ng Setyembre 1, 1992. Ipinagkanulo at pinagtaksilan nito ang pambansang kasarinlan sa pagpapatibay nito sa Visiting Forces Agreement (VFA).

Isang kabalintunaan na habang ipinagdiriwang natin ang sentenaryo ng rebolusyonaryong paglaban ng mamamayang Pilipino sa digmang pananalakay ng US mula 1899, ang gubyernong Estrada ay nagpakatuta nang husto upang pahigpitin ang pangmilitar at pampulitikang kontrol ng US sa Pilipinas.

Ang VFA ay nagbibigay-laya sa mga pwersang militar ng US na sakupin ang buo o anumang bahagi ng bansa gaano man katagal, buong-lupit na magsagawa ng mga krimen laban sa mamamayan at magpasok ng mga sandatang nukleyar at panghenosidyo. Naggagawad ang VFA ng mga pribilehiyong ekstra-teritoryal sa mga pwersang militar ng US upang buong laya itong makapanghimasok sa mga usaping panloob ng bansa at salakayin ang mamamayang Pilipino at iba pang mamamayan.

Ang pagpapatibay ng VFA ay isang hinding-hindi na maaatim na pagpapalala ng lahat ng naunang paglabag ng gubyernong Estrada sa mga kasunduang bilateral ng GRP-NDFP. Ito'y isang tahasang paglabag sa prinsipyo ng pambansang kasarinlan, na siyang nangungunang prinsipyong gumagabay sa negosasyong pangkapayapaan ng GRP-NDFP tulad ng taimtim na isinasaad sa Pinagsamang Deklarasyon ng The Hague.

Gayundin, tahasang nilabag ng gubyernong Estrada ang Pinagsamang Kasunduan sa mga Garantiya sa Kaligtasan at Imunidad ng 1995, ang Pinagsamang Kasunduan sa Pagbubuo, Pagkakasunud-sunod at Pagpapatakbo ng mga Tumbasang Komiteng Gumagawa at ang Suplemental na Kasunduan nito noong 1997.

Tinutukoy ng desisyon ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Pilipinas at ng Pambansang Konseho ng NDFP ang malulubhang paglabag ng gubyernong Estrada sa mga kasunduang bilateral.

Ang NDFP ay hindi maglulunsad ng negosasyong pangkapayapaan sa gubyernong Estrada maliban na lamang kung gumalang at tumalima ang gubyernong ito sa mga umiiral na kasunduang bilateral at magwasto ito sa mga paglabag nito rito.


NDFP, TINANGGAP ANG PABATID NG PAGWAWAKAS MULA SA GRP
Hunyo 2, 1999

Sa pamamagitan ng negotiating panel nito, tinanggap ng National Democratic Front of the Philippines (Pambansang Demokratikong Prente ng Pilipinas o NDFP) ang fax transmission kahapon, Hunyo 1, 1999, mula sa Gubyerno ng Republika ng Pilipinas (GRP) sa pamamagitan ni Exec. Sec. Ronaldo Zamora, ang pormal na pabatid ng pagwawakas, tulad ng isinasaad sa Talata 5, Bahagi III ng Pinagsamang Kasunduan sa mga Garantiya sa Kaligtasan at Imunidad (o JASIG).

Matapos ang 30 araw mula kahapon, tinatapos ng pabatid ng pagwawakas na ito ang buong negosasyong pangkapayapaan ng GRP-NDFP kasabay ng mga garantiyang pangkaligtasan at imunidad ng mga personahe sa negosasyon kapwa ng GRP at NDFP. Angkop lamang na may ganitong pabatid ng pagwawakas dahil, sa katunayan, tinapos na ng GRP ang negosasyong pangkapayapaan mula pa noong Oktubre 1998.

Naging mas matapat sana ang GRP kung ipinadala nito sa amin itong pabatid ng pagwawakas noong Oktubre 1998 nang magpunta sa The Netherlands ang pangkat ni Sen. Franklin Drilon upang igiit ang pagsuko ng NDFP bilang paunang kundisyon sa pagtutuloy ng negosasyong pangkapayapaan ng GRP-NDFP, bagay na tahasang lumalabag sa Pinagsamang Deklarasyon ng The Hague.

Nais naming tukuyin na isinasaad sa Talata 1, Bahagi II ng JASIG na: "Lahat ng imunidad na natamo sa pamamagitan ng Pinagsamang Kasunduang ito (JASIG) ay mananatili nang buo at may bisa kahit pagkatapos ng wakas ng Pinagsamang Kasunduang ito." Binibigyan namin ng makatwirang babala ang mga personahe ng GRP sa negosasyon na mawawala rin ang kanilang mga garantiyang pangkaligtasan tulad ng sa mga personahe ng NDFP sa negosasyon at dapat silang umiwas sa pagsasagawa ng anumang krimen na maaaring maging dahilan para iharap sila sa hukumang bayan. Binabatikos namin ang pakana ng GRP na panatilihin ang panel pangnegosasyon ng GRP bilang instrumento ng digmang sikolohikal upang magsagawa ng mga huwad na negosasyon sa mga taksil na nagseserbisyo na sa GRP at mga walang-saysay na paglapit sa mga lokal at panrehiyong lider ng rebolusyonaryong kilusan.

Inaasahan ng rebolusyonaryong kilusan na paiigtingin ng GRP ang mga kampanyang panunupil ng militar at pulis laban sa mamamayan at mga rebolusyonaryong pwersa sa paraang mas mabilis kaysa sa anumang panahon sa nakaraan. Kung gayon, makatarungan at kinakailangang agawin ng Bagong Hukbong Bayan ang inisyatiba sa pagtatanggol ng mamamayan at paglulunsad ng mga taktikal na opensiba.

Alinsunod sa mga direktiba ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Pilipinas, mapaiigting ng hukbong bayan ang digmang bayan sa pamamagitan ng paglulunsad ng mga taktikal na opensiba sa 81 mga larangang gerilya upang ipagtanggol ang mamamayan, sumamsam ng mga armas at bigwasan ang kaaway. Napakainam ng kundisyon para sa pagsusulong ng digmang bayan dahil sa lumalalang krisis sa ekonomya at pulitika ng lokal na naghaharing sistema at ng krisis ng pandaigdigang sistemang kapitalista na naglulublob sa daigdig sa malawakang kaguluhang panlipunan at digmaan.

Malaon nang natamo ng mga rebolusyonaryong pwersa ang katayuan ng isang pwersang nakikidigma (status of belligerency) sa pamamagitan ng pagsusulong ng digmang bayan at hindi dahil sa negosasyong pangkapayapaan. Ipagpapatuloy ng NDFP ang gawaing diplomatiko nito upang mas lumawak pa ang internasyunal na pagkilala sa status of belligerency na ito, at nang walang pangangailangang isagawa ang negosasyong pangkapayapaan sa GRP.

 


Previous articleBack to topNext article

00 Mayo 1999
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Pagkaisahin ang mamamayan, labanan at gapiin ang pasistang kampanya ng rehimeng Estrada!

Desisyon na pormal na kilanlin ang de facto nang terminasyon ng gubyernong Estrada sa negosasyong pangkapayapaan sa pagitan ng GRP at NDFP
Taktikal na opensiba ng BHB laban sa panrehiyong kampo ng pulisya sa Bohol:
84 na armas, nasamsam ng BHB

Mga Pahayag
Patraydor na pag-aresto kay Vicente Ladlad, kinundena ng PKP
Isa pang taong krisis at paghihirap...
Paghuhubad sa lumalagong estadistika ng gubyerno

Isa pang taong krisis at paghihirap...
Pagsusuri sa ekonomya: lagpas sa usapin ng estadistika

Isa pang taong krisis at paghihirap...
Ipaglaban ang kagalingang pang-ekonomya ng mamamayan!

Bangayang Lastimoso-Lacson:
Away ng mga sindikatong kriminal sa PNP

Ang maralitang-lunsod:
Lugmok sa kahirapan

Laban ng maralitang-lunsod, laban ng uring manggagawa
Kalayaan ng mamamayang Timores:
Patuloy ang laban sa East Timor

Sumusulong:
Sa Cagayan-Apayao

Sumusulong:
Sa Silangang Kabisayaan

Ubos kayang labanan ang VFA!
Pahayag hinggil sa Visiting Forces Agreement
Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.