![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Nanawagan ng malawakang welga ang Communist Party of Nepal (Maoist) laban sa deklarasyon ng batas militar at pagkudeta ni Gyanendra, hari ng Nepal. Inagaw ni Gyanendra noong Pebrero 1 ang tuwirang kontrol sa estado kasabay ng kaliwa�t kanang pag-aresto sa kanyang mga kalaban, lalo na ang mga pinaghihinalaang tagasuporta ng CPN(M). Ipinataw ni Gyanendra ang batas militar sa harap ng paglawak at paglakas ng armadong rebolusyong pinamumunuan ng CPN(M). Mula nang maputol ang usapang pangkapayapaan noong 2003, lalong umigting ang rebolusyonaryong armadong pakikibaka, kaya napwersang makialam ang monarkiya. Ibinilanggo ni Gyanendra ang mga kalaban ng monarkiya kabilang na ang ![]() Matagumpay at nagpapatuloy ang welga at may pagboblokeyo sa Kathmandu. Sa gitna ng paghihigpit sa midya, napalalaganap pa rin ang panawagan na palayain ang mga inaresto at respetuhin ang mga karapatan ng mamamayan. Matagumpay ding nilusob at pinalaya ng People�s Liberation Army ang may 150 detenido sa isang piitan noong Pebrero 10 sa Dhangadi, malapit sa Kathmandu. Karamihan sa kanila ay mga Maoista. Nagpahayag ng pangamba ang mga organisasyong nagtataguyod ng karapatang-tao sa Nepal at sa buong daigdig sa nangyayaring maramihang pang-aaresto at tortyur, bahay-bahay na paghahalughog at pagsosona sa mga komunidad lalo na yaong hinihinalang moog ng mga Maoista. Nanawagan din sila sa ibang mga bansa, laluna ang US na itigil ang pagbibigay ng ayuda-militar sa reaksyunaryong gubyerno ng Nepal. Samantala, naglabas ng pahayag si Prachanda, lider ng CPN(M), na �magkaisa ang mga partido at grupo upang lumikha ng isang bagyo ng rebelyon sa kanayunan.� Idiniin niya na ang CPN(M) ay nakahandang pumaloob sa isang malawak na nagkakaisang prente kasama ang lahat ng lumalaban sa pyudal na monarkiya. ![]()
| ||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|