Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Bagong hirang na kalihim ng depensa:
Gen. Angelo Reyes: Pusakal na pasista

 Read this article in English

Sa kabila ng ipinangangalandakang patakarang "todong kapayapaan" ng rehimeng Macapagal- Arroyo, isang pusakal na pasista, si Gen. Angelo Reyes, ang itinalagang kalihim ng Department of National Defense (DND) nitong Marso 19. Hinirang sa bagong pwesto ang heneral sa kabila ng madugong rekord nito, laluna bilang hepe ng AFP sa panahon ng rehimeng Estrada. Walang kakurapkurap ding isinaisantabi ng kasalukuyang rehimen ang walang-kahihiyang pagtatanggol ni Reyes kay Estrada bago ito mapatalsik sa pagkapangulo.

Bago maging hepe ng AFP

Myembro si Reyes ng Class �66 ng Philippine Military Academy. Sa 35 taon niya sa mersenaryong AFP, masugid siyang naglingkod sa reaksyunaryong estado at sa imperyalismong US.

Mahaba ang panahong ginugol ni Reyes sa gawaing paniktik laban sa rebolusyonaryong kilusan at mamamayan. Itinalaga siya noong 1969 sa Intelligence Service of the AFP (ISAFP). Humawak siya ng dalawang matataas na pusisyon sa Intelligence Production Branch ng Offi ce of the Deputy Chief of Staff for Intelligence. May ilan taon niyang pinamunuan ang paniniktik ng AFP bilang Deputy Chief of Staff for Intelligence o J2.

Noong 1990, itinalaga siya bilang commanding officer ng 4th IB. Direkta itong responsable sa mga mapanalantang kontra-rebolusyonaryong kampanyang nagdulot ng malawakang dislokasyon sa mamamayan ng Kanlurang Mindanao noong maagang bahagi ng dekada 1990. Naging kumander din siya ng 602nd Infantry Brigade sa Davao noong 1992 at ng 5th ID noong 1997. Pangunahing yunit ang huli sa pagtugis sa rebolusyonaryong kilusan sa hilagang-silangang bahagi ng Luzon noong 1997. Noong 1998, naging pinuno siya ng Southern Command sa Mindanao. Pawang may mahahabang listahan ng inutang na dugo sa rebolusyonaryong kilusan at mamamayan ang mga yunit na ito.

Mas maaga pa�y naitalaga siya sa Civil Relations Service ng AFP (CRSAFP). Isang yunit ng AFP na nagsasagawa ng mga operasyong psy-war. Naging commanding general siya nito noong 1995. Bago maging Chief of Staff, naging commanding general siya ng Philippine Army.

Maaasahan si Reyes ng imperyalismong US sa pagtataguyod sa interes nito sa bansa. Makailang ulit na pumunta sa US si Reyes upang magsanay sa paniniktik at "kontra-insurhensiya." Ilan sa mga kursong pinag-aralan niya roon ay ang Combined Strategic Intelligence Training Program at International Defense Management Course.

Sukdulang pasista

Buong-lupit na ginamit ni Reyes ang kanyang kamay na bakal nang maging Chief of Staff siya ng AFP. Ipinagpatuloy niya ang Oplan Makabayan laban sa rebolusyonaryong kilusan na inumpisahan ng pinalitan niyang hepe na si Gen. Joselin Nazareno. Pinamunuan din niya ang paglulunsad ng Campaign Plan Balangai at iba pang kampanya ng panunupil.

Ipinatupad ni Reyes ang Oplan Pisces Alpha laban sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) at ang todo-largang digmang anti-Moro ng rehimeng US-Estrada. Tuwiran niyang pinamunuan ang paglusob sa mga kampo ng MILF at sa mga komunidad ng mga Moro na walang-habas nilang pinagbobomba. Pinagsusunog nila ang mga bahay at pinagsisira ang mga pananim sa mga komunidad na ito. Nagresulta ito sa pagkamatay at pagkasugat ng mga sibilyan at malawakang dislokasyon ng umabot sa isang milyong mamamayan.

Tiyak na makararanas ang mamamayan ng ibayong pasistang pananalanta at kalupitan sa pamumuno ni Reyes sa DND. Ang pagkakapwesto niya at ng iba pang mga militar sa burukrasya ay dapat na tapatan ng ibayong paglaban ng rebolusyonaryong kilusan at ng mamamayan.

Sa pamumuno ni Reyes, ginamit ng AFP ang pagtugis sa bandidong Abu Sayaff upang pagibayuhin ang digmang anti-Moro. Kasabwat ang pulisya, nagsagawa ng mga pambobomba ang AFP sa Metro Manila. Pagkatapos ay nangbintang at nanghuli sila ng mga sibilyang Moro na walang kinalaman sa krimen. Ibayong pinaigting ng kanyang pamunuan ang paghahasik ng isteryang anti-Moro at anti-Muslim.

Ang pagpapatindi ni Reyes ng pagtugis sa rebolusyonaryong kilusan at ng militarisasyon ay nagdulot ng malawakang paglabag sa karapatangtao ng mamamayan. Hindi lamang ito sa Mindanao, kundi pati sa iba pang panig ng bansa. Nagtala ng malagim na rekord ang AFP sa ilalim ng kanyang pamumuno. Ayon sa ulat ng KARAPATAN, mula Enero hanggang Nobyembre ng nakaraang taon, may 436 kaso ng paglabag sa karapatang-tao. Sa loob ng 11 buwang ito, may 85 kaso at 269 biktima ng iligal na pag-aresto; 17 kaso at 39 biktima ng pagkawala at pananalbeyds; limang insidente at 45 biktima ng pagmamasaker at tangkang pagmamasaker. Bukod rito, 39,000 indibidwal ang nabiktima ng 321 kaso ng istraping, bigo at tangkang pagpatay, pagdukot, panghahalughog, pagnanakaw, pamimilit, pag-iinteroga, pambobomba, pagmamanman, pang-aabusong sekswal, ebakwasyon, paninira ng ari-arian at pangungubkob at iba pang anyo ng pandarahas.

Pinalawak ng mahigit 30,000 ang bilang ng CAFGU at muling inaarmasan ang mga grupong vigilante at kultista tulad ng Tadtad. Ang mga ito ay pawang may mahahabang rekord ng pananalanta at pang-aabuso sa mamamayan.

Sa ilalim ng pamumuno ni Reyes sa AFP, makailang ulit ding nag-daos ng mga pagsasanay-militar sa iba�t ibang panig ng bansa ang mga tropang Amerikano. Lumahok sa mga pagsasanay na ito ang mga tropa ng AFP. Pinamunuan ni Reyes ang pagtatakip sa mga naganap na pang-aabuso sa mamamayan ng mga dayuhang tropa.

Isa rin si Reyes sa mga pasimuno sa pagbabasura sa Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law o CARHRIHL at iba pang mga hakbanging pananabotahe sa usapang pangkapayapaan. Gumampan siya ng nangungunang papel sa pagtanggi ng Gubyerno ng Republika ng Pilipinas sa ilang ulit na makataong alok ng Bagong Hukbong Bayan para palayain ang mga bihag ng digma. Responsible rin siya sa hungkag na mga suspension of offensive military operations (SOMO), gayundin sa bigong rescue operation kay PCI Abelardo Martin nitong Marso 8.

Tiyak na makararanas ang mamamayan ng ibayong pasistang pananalanta at kalupitan sa pamumuno ni Reyes sa DND. Ang pagkakapwesto niya at ng iba pang mga militar sa burukrasya ay dapat na tapatan ng ibayong paglaban ng rebolusyonaryong kilusan at ng mamamayan.

 


Previous articleBack to topNext article

Marso 2001
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Banta sa usapang pangkapayapaan ang pamamamyagpag ng mga militarista sa loob ng rehimeng Macapagal-Arroyo

Bagong hirang na kalihim ng depensa:
Gen. Angelo Reyes: Pusakal na pasista
Ang militarismong pumatay kay P/CInsp. Abelardo Martin at ang nagpapatuloy na pasismo ng estado
Lumalalang pagsasamantala at pang-aapi sa kababaihang anakpawis
Sumisidhing pang-aapi sa uring manggagawa sa Europe
Mga Balita ng Pakikibaka
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.