|
Pagbuwag sa rali, binatikos
Mariing binatikos ni Kasamang Luis Jalandoni, pinuno ng negotiating panel ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP), ang marahas na pagbuwag noong Hulyo 13 sa rali na naggigiit na agarang pauwiin sa bansa ang mga sundalong Pilipino sa Iraq. Ayon kay Jalandoni, kaduda-duda ang integridad at katapatan ng gubyernong Arroyo na ipagpatuloy ang usapang pangkapayapaan dahil sa tahasang paglabag ng mga anti-riot police sa Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL). Ani Jalandoni, nilabag ng mga pulis ang Art. 2, Blg. 12 ng CARHRIHL na gumagarantiya sa malayang pamamahayag, pagsapi at pagtitipon.
Binatikos din ni Jalandoni ang rehimeng Arroyo sa pagsasapanganib ng buhay ng milyun-milyong OCW sa asal-tutang pagsuporta nito sa iligal na okupasyon ng US sa Iraq at pagpapadala roon ng mga sundalo at manggagawang Pilipino.
Pinagbabatuta at dinakip ng mga kasapi ng Western Police District ang ilang upisyal at kasapi ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) at iba pang progresibong organisasyon sa marahas na dispersal sa Plaza Miranda. Nagtamo rito ng malaking sugat sa ulo si Dr. Carol Pagaduan Araullo, ikalawang tagapangulo ng BAYAN at tagapangulo ng Plunder Watch. Kasama sa limang hinuli at ikinulong si Renato Reyes, tagapagsalita ng BAYAN.
![](../../angbayan/images/textend3.gif)
|
|
![](../../angbayan/images/ab_banne-2.gif) 21 Hulyo 2004 Edisyong Pilipino
|
|
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.
AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.
Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here. |
|