3,000 dagdag na sweldo, iginigiit ng mga manggagawang pangkalusugan
![](../../angbayan/images/040921/health.gif)
Lumalawak ang suporta para sa dagdag na P3,000 across-the-board na sweldo para sa mga kawani ng gubyerno. Nitong Setyembre 13, pinangunahan ng 30 nars sa Philippine General Hospital (PGH) ang mga manggagawang pangkalusugan sa pagpapakalbo noong Setyembre 13 bilang protesta sa mababang sahod na tinatanggap nila. Nakasulat sa kalbo nilang mga ulo ang hiling na umento. Naglunsad rin ng noise barrage ang mga manggagawang pangkalusugan upang igiit ang hinaing ng 3,900 empleyado ng PGH.
Ang PGH ay pangunahing ospital ng gubyerno sa bansa ngunit tumatanggap ang isang kawani ng utility staff nito ng P5,082 kabuuang sweldo kada buwan. Mas mababa ito sa itinakdang minimum na sweldo na P8,000 sa Metro Manila habang ang mga nars ay `9,000 ang kabuuang kita. Lumiliit pa ito dahil sa buwanang pagkakaltas ng income tax, hulog sa Government Service Insurance System (GSIS), kontribusyon sa Philhealth at iba pa.
Mababa rin ang sahod ng mga doktor. Kumikita lamang ng P15,841 kada buwan ang isang resident doctor, ayon sa isang upisyal ng PGH Physicians� Association. Hirap na rin sila dahil noong Nobyembre 2003 pa lamang, ang kailangan nang kitain para sa isang anim-kataong pamilya sa Metro Manila ay P16,739.70 bawat buwan o P557.99 kada araw.
Nakatakda ring maglunsad ng mga kilos protesta ang mga manggagawang pangkalusugan sa Jose Reyes Memorial Medical Center, Tondo Medical Center, Philippine Children�s Medical Center at Philippine Heart Center.
Samantala, inihapag ni Kong. Rafael Mariano ng partidong Anakpawis ang House Bill No. 1064 para sa `3,000 across-the-board na dagdag na sweldo para sa mga empleyado ng gubyerno.
![](../../angbayan/images/textend3.gif)
|