![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Tiwala tayong maipagtatagumpay natin ang bagong demokratikong rebolusyon sa maagang bahagi ng kasalukuyang siglo. Ito ang ipinahayag ni Kasamang Armando Liwanag, Tagapangulo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Pilipinas, sa kanyang mensahe sa ika-31 anibersaryo ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) nitong Marso 29. Ayon kay Kasamang Liwanag, napakapaborable para sa pagsulong ng rebolusyonaryong kilusan ang lumulubhang krisis ng pandaigdigang sistemang kapitalista at ng lokal na naghaharing sistema. Aniya, nasa pusisyon ang BHB at iba pang rebolusyonaryong pwersa para samantalahin ang gayong kalagayan bunga ng naipon nitong karanasan at lakas at dahil inihanda sila ng Ikalawang Dakilang Kilusang Pagwawasto para sa mas malalaki pang tagumpay sa hinaharap. Mabilis na lumulubha ang kapitalistang krisis ng sobrang produksyon at ang bagong kaguluhan sa daigdig habang pumapasok tayo sa ika-21 siglo, ayon kay Liwanag. Dahil dito, lalong tumitindi ang pagsasamantala at pangaapi ng monopolyong burgesya sa mga manggagawa. Ang ibinubunga nitong walang kaparis na pagwasak sa mga produktibong pwersa at pagkitid ng pandaigdigang pamilihan ay magpapaigting sa lahat ng saligang kontradiksyon sa daigdig. Ani Liwanag, ang pangunahing larangan ng mararahas na mga tunggalian sa pagitan ng rebolusyon at kontra-rebolusyon ay ang malakolonyal at malapyudal na mga bayan sa Asia, Africa at Latin America. Lumalakas ang mga partidong Marxista-Leninista-Maoista na nagbibigay-tanglaw sa landas ng armadong rebolusyon laluna sa South at Southeast Asia. Ayon pa kay Liwanag, mabilis at lahatang-panig na lumulubha rin ang palagiang krisis ng lokal na naghaharing sistema. Nagdudulot ito ng ibayong pagdurusa sa malawak na masa ng sambayanan at nagbubunsod ng panlipunang diskuntento at armadong rebolusyon. Maihahambing na ito, aniya, sa kalagayan noong bisperas ng deklarasyon ng batas militar sa ilalim ng rehimeng Marcos. Ang ekonomya ng Pilipinas ay nakasalig pa rin sa importasyon ng makinarya, panggatong at bahagyang-naprosesong mga sangkap. Ang produksyon ay nakatuon pa rin sa eksport, na ngayon ay lubhang apektado ng pandaigdigang krisis ng sobrang produksyon. Lumolobo taun-taon ang depisito sa kalakalang panlabas. Lumalaki rin ang utang panlabas ng bansa. Pinatitindi ng mga nagsasamantalang uri ang kanilang pagsasamantala sa uring manggagawa at magsasaka. Bunga ng lumulubhang sosyo-ekonomikong krisis, kumikitid ang puwang para sa pagbibigayan ng magkakalabang paksyon sa reaksyunaryong pulitika. Lalong nagiging masidhi at marahas ang kanilang tunggalian habang lalong nagiging garapal ang katiwalian ng pangkating Estrada. Binanggit ni Liwanag na ang pagkakaluklok ng naghaharing pangkating Estrada ay nagpapakita ng walangkaparis na pagsahol ng sistemang pang-ekonomya at pampulitika. Sa napakaikling panahon, aniya, mayroon nang malawakang panawagang patalsikin o sapilitang pagbitiwin si Estrada. Tumitindi rin ang pandarahas ng rehimeng US-Estrada laban sa mamamayan, ani Liwanag. Bilang sagot dito, masiglang sumulong ang hayag na demokratikong kilusang masa ng mga manggagawa, magsasaka, kababaihan, kabataan at iba pang sektor ng lipunan. Naglunsad sila ng mga kilos-protesta kaugnay ng mga isyung sosyoekonomiko at pampulitika. Samantala, lumawak at lumakas ang armadong paglaban ng mamamayan. Sa ganitong kalagayan at sa inilalatag na layuning ipagtagumpay ang armadong rebolusyon sa kasalukuyang siglo, inihanay ni Liwanag ang mga sumusunod:
Inilinaw ni Liwanag na ang pagpupunyagi sa matagalang digmang bayan ay internasyunalistang tungkulin ng Partido. Aniya, ang ating rebolusyonaryong pakikibaka at mga tagumpay ay siyang ambag natin sa pandaigdigang rebolusyong proletaryo at sa malawak na anti-imperyalistang pakikibaka ng mamamayan ng daigdig. Ang pinakalayunin ay gapiin ang imperyalismo sa pandaigdigang saklaw at abutin ang komunismo para sa kapakinabangan ng sangkatauhan, pagtatapos ng pahayag. ________________________________ Ilalabas bilang espesyal na isyu ng AB ang buong pahayag ni Kasamang Armando Liwanag sa ika-31 aniberasyo ng BHB. ![]()
| ||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|