Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Pasismo ng Estado

 Read this article in English

Mayroon nang naitalang 1,545 kaso ng paglabag sa karapatang-tao mula nang maging presidente si Macapagal-Arroyo noong Enero 2001 hanggang Nobyembre 29, 2002, ayon sa KARAPATAN. Pitumpung porsyento (70%) ng mga ito ay kagagawan ng AFP, 13% ng PNP at ang iba pa, ng goons, mga vigilante at iba pang grupo.

Sa gayon, mayroong di bababa sa 19 kaso ng paglabag sa karapatang-tao bawat linggo sa ilalim ng rehimeng Macapagal-Arroyo. Mayroong abereyds na dalawang "pinaghihinalaang terorista" o "simpatisador ng mga komunista" na pinapatay bawat linggo. Isandaan animnapu�t pitong (167) aktibista, lider masa at pinaghihinalaang simpatisador ng rebolusyonaryong kilusan na ang pinatay sa panahong ito. Tatlumpo (30) sa mga pinaslang ay lider o myembro ng Bayan Muna. Dalawampu�t dalawa ang mga babae at pito ang bata. Tatlumpu�t apat (34) ang nakaligtas sa mga tangkang pagpatay. Labing-anim ang desaparecido.

Umaabot sa 314 ang bilang ng mga bilanggong pulitikal. Dalawandaan at siyam (209) o mahigit 66% ang ibinilanggo sa ilalim ng gubyerno ni Macapagal-Arroyo. May 17,000 pamilya na ang napalayas bunga ng patakarang "all-out war" ng rehimen.

Umani na ng mariing batikos ang malagim na rekord ng rehimeng Macapagal-Arroyo. Ani Gregorio "Ka Roger" Rosal, tagapagsalita ng Partido, hindi lamang nagiging kamukha ni Marcos si Macapagal-Arroyo sa usapin ng terorismo at paglabag sa karapatang-tao. Sa Timog Katagalugan, aniya, di hamak na mas malala ang mga pang-aabuso ngayon kumpara sa panahon ng diktadurang Marcos. "Ang pinapatay nila ay mga sibilyan," ani Ka Roger. "At hindi sila simpleng pinapatay. Ang iba ay pinupugutan ng ulo at ikinakalat sa iba�t ibang lugar ang iba�t ibang bahagi ng kanilang katawan."

Ang pinakahuling kaso ay naganap noong Nobyembre 23-24 sa Puerto Galera, Oriental Mindoro. Doon, apat na sibilyan ang dinukot at pinatay, kabilang si Anthony Martinez, isang lider masa. Natagpuan ang pugot na ulo ni Martinez at ang kanyang katawan sa magkaibang barangay. Siyam na Mangyan din ang dinukot sa panahong iyon.

Duguan ang mga kamay ni Macapagal-Arroyo. Inendorso niya mismo ang mabangis na kontra-mamamayan at kontra-rebolusyonaryong kampanya sa isla nang dumalaw siya sa Mindoro noong kalagitnaan ng 2001 at iniutos ang pagdaragdag ng limang kumpanya ng mga sundalo rito.

Ang iba�t ibang anyo ng paglabag sa karapatang-tao ay binatikos sa demonstrasyon sa Maynila noong Disyembre 10. Tinuligsa nito ang "malakas at matatag na republika" ni Macapagal-Arroyo. Walang ibang kahulugan ito kundi ang ibayong panggigipit sa mga karapatang sibil at demokratiko ng mamamayan sa ngalan umano ng "anti-terorismo."

Walang puknat ang terorismo ng estado at mga paglabag sa karapatang-tao sa Pilipinas, mula sa diktadurang Marcos hanggang sa kasalukuyan. Ayon sa Amnesty International (AI), "May padron ng pangaaresto, detensyon at tortyur na iniuulat ang malawak na bilang ng mga pulitikal at kriminal na suspek, kapwa noon at ngayon." Anito, "kabilang sa padrong ito ang pambubugbog sa mga suspek habang sila�y inaaresto, kadalasan nang walang mandamyento; pagkait sa kanila ng karapatang magkaabugado at madalaw ng doktor at pamilya sa loob ng mahabang panahon ng detensyong incommunicado; at paggamit ng pwersa, kabilang ang mga paraang walang naiiwang mga bakas, pangunahin para gipitin ang mga suspek o para pangalanan nila ang mga pinagsususpetsahang kasabwat."

Kasalukuyang ikinakampanya ng AI ang tampok na kaso ng "Abadilla 5" � limang inosenteng lalaking pinagbintangang pumatay kay Col. Rolando Abadilla, isang pusakal na tortyurer at mamamatay-tao sa ilalim ng diktadurang Marcos. Pinatay si Abadilla noong Hunyo 1996 ng mga oportunistang taksil sa pamumuno ni Sergio Romero na walang pahintulot na gumagamit sa ngalang Alex Boncayao Brigade.

Sa kabila ng makailang-ulit na pag-amin nina Romero at pagkakaroon pa ng mga ebidensyang nagpapatunay na kagagawan nila ang pagpatay, kinasuhan pa rin ng PNP ang "Abadilla 5" para mailusot ang pangkat ni Romero at makapagpalitaw ng iba pang "maysala." Hindi kilala ng lima si Abadilla, wala silang anumang kaugnayan sa kanya hanggang sa panahong kinasuhan sila at walang napalitaw na anumang motibo o sinumang pasimuno sa pagpatay ang mga imbestigador. Para paaminin, ang "Abadilla 5" ay ipinailalim sa napakatinding tortyur. Hinatulan na sila ng kamatayan ng korteng bumalewala sa ebidensya na sila ay pinahirapan.

Sa isang interbyu sa pahayagang Philippine Daily Inquirer, buong pagmamayabang na kinumpirma ng isang buhong na upisyal ng PNP ang malawakang paggamit ng estado sa tortyur. Ayon pa sa kanya, kapani-paniwalang inosente at ginawa lamang mga "fall guy" (o mga taong walang sala na pinaaako ng isang krimen) ang "Abadilla 5."

Kahit ang Commission on Human Rights (CHR) ng rehimen ay umaamin na "bagsak ang grado" ng gubyerno ng Pilipinas sa usapin ng pagpapatupad ng United Nations Convention Against Torture. Bigo ang gubyerno at ang CHR na protektahan ang karapatang-tao ng mamamayan, ani Purificacion Quisumbing, tagapangulo ng komisyon.

Kung tutuusin, hindi lamang bigo ang gubyernong Macapagal-Arroyo. Ito pa mismo ang pasimuno ng pagtortyur, pagpatay, panunupil at iba pang lansakang paglabag sa karapatang-tao.

 


Previous articleBack to topNext article

Enero 2003
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Lahatang-panig na isulong ang rebolusyon!

Rebolusyonaryong pagbubuwis:
Isang lehitimong gawain sa paggugubyerno

Matatagumpay na opensiba ng BHB
(ero)Planong 747:
Bagong bansag sa lumang gimik

(ero)Planong 747:
Bagong bansag sa lumang gimik

Mga pantastikong laman ng Plan 747

Krisis pang-ekonomiya:
Ilang estadistika ng krisis

Krisis pang-ekonomiya:
Salbabida

Krisis pang-ekonomiya:
Mahirap ang buhay ng mga DH sa Hongkong

Mga maniobra ni Macapagal-Arroyo hanggang 2004 at lampas pa rito
Karanasan sa Maynilad:
Kabulukan ng patakarang pribatisasyon

Karanasan sa Maynilad:
Mga pangakong napako

Pasismo ng Estado
Pasismo ng Estado:
"Huwarang berdugo"

Pasismo ng Estado:
Pagkamatay ng mga peryodista, pinaiimbestigahan ng Amnesty International

Pasismo ng Estado:
UN Rapporteur, nagulantang sa laganap na paglabag sa mga karapatan ng mga pambansang minorya

Lumalaganap ang mga kritikal na dokumentaryong video
Mga Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.