|
|
Isang napakalaking kasinungalingan. Ito ang reaksyon ni Gregorio "Ka Roger" Rosal sa iniulat ng AFP na 15 Pulang mandirigma ang napatay sa engkwentro nitong Hulyo 4 sa bayan ng Sasmoan, Pampanga at 20 naman sa labanan sa Botolan, Zambales nitong Hulyo 5. Ayon sa ulat ng Josefino Corpus Command (JCC) ng BHB sa Gitnang Luzon, walang namatay sa hanay ng mga gerilya. Ang totoo, ayon pa sa JCC, hindi bababa sa apat na sundalo ang napatay sa kaaway sa Sasmoan at pito naman ang napatay sa Botolan. "Sa utos ng Malakanyang at ng mga upisyal ng AFP, lumikha ang militar ng higanteng kasinungalingan sa desperasyong itaas ang bumababang moral ng kanilang mga tauhan," ayon kay Ka Roger. "Mula nang dumanas ng malalaking pagkatalo sa Samar at Compostela Valley habang walang maipagmalaki ni isang tagumpay, ang mataas na kumand ng AFP at mga tao sa propaganda ay nauwi sa pag-iimbento ng sarisaring kasinungalingan upang pagtakpan ang kanilang mga kabiguan," ani Ka Roger. "Ang paglulubid ng buhangin ay matagal nang gawi ng AFP. Katunayan, ang mga pasista ay lubos-lubos na mga sinungaling," dagdag pa niya.
|
| ||||||||||||||||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|