BalitaPakikidigmang Gerilya, Patuloy na Umaabante sa TK
Dramatiko ang naging dalas at sinsin ng mga taktikal na opensiba sa Timog Katagalugan nitong 1997.
Ayon sa mga ulat koresponsal, nakapaglunsad ang Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa rehiyon ng 11 laking platung opensiba at 47 maliliit na operasyon sa taong iyon. Umabot sa 45 ang napatay na tropa ng kaaway. Labindalawa ang sugatang sundalo at tatlo ang naging bihag ng digma. Dalawang mandirigmang hindi lubhang nasugatan ang tanging naging kaswalti ng Hukbo. Bunga ng naturang mga opensiba, 52 matataas na kalibreng baril at 51 maiikling sandata ang nadagdag sa arsenal ng BHB, bukod pa sa mga masinggan at mortar na nakumpiska. Halos 40% ang inilaki ng bilang ng mga Pulang mandirigma mula 1996.
Ang ganitong mga pagsulong ay nakabatay sa papalawak at papalalim na baseng masa. Ayon pa rin sa mga ulat, halos 40% ang inilaki ng baseng masa na nakalatag ngayon sa siyam na lalawigan ng Timog Katagalugan. Saklaw nito ang ilandaang bayan at ilang libong baryo. Lumaki rin nang 35% ang kasapian ng Partido sa rehiyon.
Armadong Pakikibaka Sumusulong sa Hilagang Mindanao
Animnapu't tatlong matatagumpay na taktikal na opensiba ang inilunsad sa Hilagang Mindanao noong 1997.
Ayon sa Kalihukan, ang pahayagang masa sa rehiyon, kabilang dito ang 37 ambus at reyd at 26 na operasyong isparo at aksyong pagpaparusa sa mga kaaway ng mamamayan. Apatnapu't dalawang iba't ibang kalibreng armas ang nakumpiska bunga ng naturang mga opensiba.
Nitong Marso 17, 1998, nireyd din ng mga Pulang mandirigma ang Special Civilian Active Auxilliary sa Provident Tree Farm Inc. (PTFI) sa Talacogon, Agusan del Sur. Pinarusahan din noong Marso 12, 1998 si Ruel Tapayan, isang pusakal na kriminal na maraming kasalanan sa mamamayan ng Agusan del Sur. Lubos na ikinagalak ng masa sa lokalidad ang naturang mga aksyon dahil sa malaon nang pang-aabuso sa kanila ng mga target.
Ayon pa rin sa Kalihukan, ibayong lumawak ang kinikilusang erya at maraming mga dating naiwang lugar ang nabawi bunga ng aktibong paglahok ng BHB sa gawaing masa. Ilandaang mga baryo at komunidad ang epektibo na muling nakikilusan at ilandaang libo ang nadagdag sa bilang ng baseng masa.
Mga Taktikal na Opensiba Inilunsad sa Silangang Kabisayaan
Apat na tropa ng kaaway ang napatay at isang despotikong panginoong maylupa ang pinarusahan sa serye ng mga taktikal na opensibang inilunsad ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa Silangang Kabisayaan sa unang hati ng Mayo. Bunga nito, 10 armas na iba't ibang kalibre ang nasamsam ng BHB.
Ayon sa mga ulat koresponsal, tatlong sundalo ang napatay nang tambangan sila ng mga Pulang mandirigma sa Barangay Layo, Pinabacdao, Western Samar. Nakumpiska sa ambus ang isang M203 at isang M14. Isa ring reyd ang inilunsad sa detatsment ng kaaway sa Barangay Giparayan, Pambujan, Northern Samar. Nakontrol ang kampo at nakakumpiska ang BHB ng anim na riple at mga bala. Ayon sa mga ulat, nilansi ng BHB ang kaaway kaya't ang naturang reyd ay naisagawa nang walang putok.
Samantala, pinarusahan ng kamatayan ang panginoong maylupa na si Carlos Larrazabal ng Ormoc City, Leyte. Isa pang ginawaran ng rebolusyonaryong hustisya ay si Capt. Solima ng 801 Bde, ang pusakal na berdugo ng Northern Samar. Kapwa sila nakumpiskahan ng .45 pistola.
Munisipyo Nireyd ng BHB sa Bohol Nireyd ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) ang istasyon ng Philippine National Police (PNP) sa munisipyo ng Jatuan, Bohol noong umaga ng Hunyo 27.
Naisagawa ang matagumpay na reyd nang walang putok. Ayon sa mga ulat, hindi na lumaban ang mga pulis dahil sinorpresa sila ng mga Pulang mandirigma. Kinumpiska ng BHB ang lahat ng armas sa arsenal ng PNP.
![](../../angbayan/images/textend3.gif)
|