Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Nagliliyab na mga protesta, sumalubong kay Bush

 Read this article in English

Nagliliyab na mga bandila ng US ang sumalubong sa walong oras na pagdalaw sa Pilipinas ni Pres. George W. Bush ng US. Sinunog ang mga bandila ng imperyalistang US sa siyam na pangunahing lunsod at mga sentrong bayan sa buong bansa simula gabi ng Oktubre 17 hanggang Oktubre 18.

Ang pagsusunog ng mga bandila ng US at mga effigy o imahe nina Bush at Arroyo ay kulminasyon ng halos araw-araw na aksyong protesta sa buong bansa nitong Oktubre. Sa kabuuan, umabot sa 50,000 ang nagprotesta nang dumating ang numero unong terorista.

Pinamunuan ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) ang rali sa Commonwealth Avenue sa Quezon City na dinaluhan ng umabot sa 10,000 demonstrador mula sa mga pambansa-demokratikong organisasyon sa ilalim nito. Kasama sina Rep. Satur Ocampo at Crispin Beltan ng Bayan Muna, nagmartsa sila papuntang Batasang Pambansa Complex ngunit hinarang sila ng 800 pulis na anti-riot dalawang kilometro ang layo sa Batasan. Mahigit 11,000 ang pwersang nagbantay sa paligid ng Batasan at Malakanyang.

Habang inaantabayan si Bush, ipinamudmod ng mga demonstrador ang pahayag ni Jose Ma. Sison, senior poltical consultant ng NDF negotiating panel. Wika niya: "Nakipagtagpo ang imperyalistang amo sa kanyang pinakasunud-sunurang papet sa Southeast Asia para makipagbolahan at ipagdiwang ang nakasusulasok na relasyon.�

"Para sa mamamayan ng Iraq at iba pang biktima ng imperyalismong US," sigaw ng mga demonstrador habang sinusunog nila ang 100 bandila ng US. Pinag-aapakan ng 300 nagpoprotesta ang isang mas malaking bandila ng US (7 metro ang lapad at 14 metro ang haba) na may nakasulat na US imperialist No. 1 terrorist bago nila ito punitin at sunugin.

Sa labas ng Metro Manila, sabay-sabay na inilunsad ang mga kilos-protesta simula sa bisperas ng dalaw ni Bush. Umabot sa 7,000 demonstrador sa pamumuno ng BAYAN-Central Luzon ang naglunsad ng martsa-rali mula Oktubre 17 hanggang 18 sa pasukan ng Clark Zone, dating base militar ng US, sa Angeles City. Kasama nila ang mga delegasyon mula sa mga rehiyon ng Ilocos, Cordillera at Cagayan Valley. Sa kabila naman ng tangka ng mga pulis na harangin ang 2,000 kasapi ng Southern Tagalog Opposed to the Presence of Bush (STOP Bush!), nakarating sila sa Maynila. Sa gabi ng Oktubre 17, nagkaroon ng konsyerto ng protesta sa University of the Philippines, Diliman, Quezon City. Noong Oktubre 13 pa nila sinimulan ang kanilang caravan sa Calamba City, Laguna.

Mahigit 15,000 ang kumilos sa Bicol: 5,000 sa Sorsogon City; 2,000 sa Naga City; 4,500 sa Masbate City; 2,000 sa Legazpi City; at 400 sa Daet, Camarines Norte. Mahigit 2,000 ang kumilos sa Panay: 2,000 sa Iloilo City; 300 sa Roxas City; at 200 sa Kalibo, Aklan. Mahigit 2,000 rin ang nagrali sa Eastern Visayas: 1,500 sa Catbalogan City; at 550 sa mga lunsod ng Tacloban at Ormoc. Sa Cebu City, 1,000 ang nagprotesta habang mahigit 100 ang nagrali sa Bacolod City.

Sa Mindanao, isang raling pangkultura ang idinaos sa Davao City na dinaluhan ng may 3,000 katao. Nagtipon naman sa General Santos City ang 5,000 demonstrador. Nagmula sila sa South Cotabato, Sultan Kudarat at Sarangani. May 1,000 ring nagprotesta sa Cagayan de Oro at Misamis Oriental.

 


Previous articleBack to topNext article

21 Oktubre 2003
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Hepeng imperyalista at terorista, itinakwil ng sambayanang Pilipino

Nagliliyab na mga protesta, sumalubong kay Bush
Bilateral na kasunduan, niluluto nina Bush at GMA
Mga Ulat Koresponsal:
Mga aral at tagumpay sa pakikibakang agraryo sa Isabela

Mga Ulat Koresponsal:
Bigo ang �Orgullo� Brigade sa Bicol

Mga Ulat Koresponsal:
Pagtutol ng mamamayan sa SOT sa Cordillera

Mga Ulat Koresponsal:
Ang kwento sa likod ng reyd sa Oras, Eastern Samar

Usapang pangkapayapaan ng NDF at GRP, muling bubuksan
Dalawang bagong aklat ni Ka Joema, inilunsad
Tangkang ekstorsyon ng Malakanyang, ibinunyag ng Fraport
Matatagumpay na opensiba ng BHB:
Mga Tampok na Opensiba

Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.