![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Naging tampok sa pag-uusap nina Macapagal-Arroyo at US State Sec. Colin Powell nitong Agosto 3 ang karagdagang ayuda ng US sa AFP. Inihayag ni Powell na naglaan na ang gubyernong US ng $55 milyon para sa "kontra-teroristang" kampanya ng AFP. Mahigit ito nang $36 milyon sa ayudang militar ng US noong nakaraang taon. Ang $25 milyon dito ay plano sanang ilaan ng AFP sa pagsasanay ng mga Light Reaction Company na ipapakat laban sa BHB. Subalit nitong Agosto 20, kinaltasan ni US Pres. George Bush nang $30 milyon ang pangakong suportang militar. Isandaang milyong dolyar ($100 milyon) naman ang ayudang ipinangako ni Powell para umano sa pagpapabilis ng mga reporma sa pag papatupad ng batas, sa sistema ng hustisya at sa edukasyon. Ang mga karagdagang suportang ito ay bilang pagkilala umano sa papel ng Pilipinas sa "pandaigdigang kampanya laban sa terorismo". Bukod rito, sinabi ni Powell na maaaring tumanggap ang Pilipinas ng pondo mula sa Millennium Challenge Account (MCA) ng US. Ang MCA ay programa ng gubyernong Bush na magdaragdag ng 50% sa pondong pang-ayuda ng US sa loob ng susunod na tatlong taon para sa mga bansang maaari umanong pagmulan ng terorismo. Halagang $1.7 bilyon ang panimulang ilalaan ng MCA sa 2004. ![]()
| ||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|