Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Hudyat sa ibayong pagsulong ng antipyudal na pakikibaka sa Timog Katagalugan
Panimulang tagumpay sa pagpawi ng resikada

 Read this article in English

Sa Hilagang Quezon, ang resikada ay porsyento sa timbang ng kopra na ibinabawas ng malalaking komersyanteng bumibili nito dahil sa nawawalang tubig (moisture content) sa proseso umano ng pagkakaimbak bago dalhin sa pamilihan. Isa ito sa mga pangunahing pinagkukunan ng napakalaking tubo ng mga lokal na komersyante.

Pinairal ng mga lokal na komersyante ang resikada sapul pa noong kalagitnaan ng dekada �70. Noon din sinimulang ipataw ang kontramagbubukid na coco levy na pakana ng diktadurang Marcos. Hanggang 1999, may 15% ang ibinabawas ng mga komersyante sa timbang. Sa isang buong taon, nangangahulugan ito ng halos P9,000 hanggang P13,000 na nawawala sa bawat magniniyog.

Tatlo sa walong bayan ng Hilagang Quezon (Panukulan, Infanta at Real) ang mayor na pinagkukunan ng kopra ng mga lokal na komersyante.

Mahahalawan ng mahahalagang aral sa hakbang-hakbang na pagsusulong ng rebolusyong agraryo ang panimulang tagumpay na nakamit ng mga magsasaka sa pagpawi ng resikada sa ilang bayan sa Hilagang Quezon.

Niyanig ng pwersa ng daan-daang nagkakaisang magsasaka ang apat na malalaking mamimili ng kopra, kabilang si Jolito Abellaneda Gucilatar o �Jag�, ang pinakadespotikong lokal na komersyante sa Hilagang Quezon. Dahil dito, napilitan ang mga komersyante na pumirma sa pagpawi ng 15% resikadang kinakaltas sa timbang ng koprang binibili mula sa mga magniniyog. Isa muli itong tagumpay na nagpapatampok sa di matatawarang lakas ng pagkakaisa ng mga magsasaka.

Gayunpaman, ang pagtalikod ni Gucilatar sa kanyang pinirmahan, ang pagmamatigas ng ilan pang mga lokal na komersyante sa harap ng makatarungang iginigiit ng mga magsasaka at ang samu�t saring pagmamaniobra ng mga komersyante at usurero sa patuloy na panlalamang sa mga magsasaka ay tanda ng pangangailangan para sa ibayong pagpupursige sa landas ng rebolusyong agraryo.

Ang kampanya sa pagpawi ng resikada ay laban ng mga magsasaka�mula sa pinakabatayang saray hanggang sa mga panggitna at mayamang magsasakang nagbebenta ng kopra sa iilang mayamang komersyante. Sa balangkas ng minimum na programa ng rebolusyong agraryo, hakbang ito tungo sa pagpapataas ng presyo ng produktong niyog, bagay na tinatanaw na dapat pangunahing pakinabangan ng maliliit na magsasaka na nagtatrabaho at umaaruga sa mga niyugan.

Nag-umpisang kumilos sa Hilagang Quezon noong 1984 ang Bagong Hukbong Bayan sa gitna ng patuloy na paglala ng pambansang krisis sa ekonomya at sa kabuhayan ng mga magbubukid rito. Subalit bunga ng mga disoryentasyong nagsimula ring lumaganap noong panahon na ito, hindi kagyat na naharap ng Hukbo at masang magbubukid ang usapin ng resikada.

Taong 1990-91 nang unang harapin ng mga organisadong magbubukid ang isyu ng resikada. Tanda ng malalim na galit sa sistema ng resikada, halos 400 magsasaka ang nagrali upang kumprontahin ang mga lokal na komersyante at igiit ang pagpawi ng di makatarungang mga kaltas sa kopra. Gayunpaman, naghalo ang mga tama�t maling linya sa pagsusulong ng pakikibakang ito.

Lagpas sa kakayahang sustenidong ipaglaban ng mga magbubukid ang iginiit na absolutong pagpawi sa 15% resikada kapwa sa malalaki at maliliit na komersyante. Nang hindi pumayag ang mga komersyante, hindi na naipagpatuloy ang kolektibong pagkilos at puspusang pakikibaka. Kinalaunan, bunga ng kawalan ng malakas na organisasyon, hiwahiwalay na humarap at nakipagkompromiso ang mga magsasaka sa mga komersyante.

May mga pagkakataong matagumpay na naigiit sa mas maliliit na komersyante ang pagpapababa ng resikada sa 7%. Subalit kinalaunan, nagresulta lamang ito sa pagkasira ng maliit na komersyante na walang-kakayahang bilhin ang biglang-daming koprang dinala sa kanya sapul nang naging mas maliit ang kinakaltas niyang resikada kumpara sa ibang namimili ng kopra.

Ang iba pang mga magsasaka ay nahumaling sa pagpasok sa pakikipagsosyo sa mga ahensyang nagpopondo at mga maykayang magsasaka at sa pakikipagkalakalan, imbes na sumalig sa pagkakaisa ng mga maralita para sa kolektibong pakikipaglaban para sa kabuhayan.

Tuluy-tuloy na humupa ang kilusang masa. Nang inilunsad ang Ikalawang Dakilang Kilusang Pagwawasto, naibalik ang mahigpit na tulungan ng masang magsasaka at Hukbo at sa gabay ng Partido, binigyang-diin ang pagmumulat, pagoorganisa at pagpapakilos sa hanay ng masang magsasaka para sa rebolusyong agraryo na nakabalangkas sa demokratikong rebolusyong bayan.

Kayat sa gitna ng papalalang krisis sa kabuhayan, muling bumwelo sa Hilagang Quezon ang pagsusulong ng minimum na programa sa rebolusyong agraryo at umunlad ang iba�t ibang anyo at paraan ng pakikibaka ng masang magbubukid. Ito�y sa harap ng paglaganap ng ispekulasyon sa, at pangangamkam ng, mga lupaing pampubliko sa kamay ng iilang mayaman, gaya ng unti-unting pagkokomersyalisa ng mga lugar sa baybayin ng Real, Infanta at Nakar, na ibayong nagkakait ng lupa at lalong nagpapahirap sa mga maralitang magsasaka.

Sa kontekstong ito muling tumampok ang usapin ng resikada. Noong Mayo 3, 1998, muling kinumpronta ng nagkaisang magsasaka ang mga mangangalakal na nagsasabwatan sa panlalamang sa mga magbubukid. Sa pamamagitan ng militante at sama-samang pagkilos ng may 800 magbubukid, matagumpay na napapayag ang limang lokal na komersyante sa kasunduang nagtatakda ng pagbawas nang 5% sa resikada.

Hindi nga lamang naging pantay ang pagsasakatuparan ng mga ganid na komersyante sa ipinagwagi ng mga magbubukid. Gayunpaman, inudyok nitong patuloy na magpalakas ng hanay ang mga magsasaka. Patuloy na ipaglalaban ng mga magsasaka ang ganap na pagpawi ng resikada bilang hakbang sa pangkalahatang pagsusulong ng rebolusyong agraryo.

Noong Hulyo 1999, matagumpay na napapirma ng may 200 magsasaka � na karamiha�y mga manggagawang bukid sa niyugan�ang malalaking komersyante kabilang sina Glo, Capili, Relativo at Gucilatar �sa lubos na pagpawi ng resikada. Unang nakipagnegosasyon ang may 10 lider magbubukid sa mga komersyante. Sa umpisa�y si Glo lamang ang pumayag na magbawas ng kinakaltas (6%), samantalang ang iba pa�y nagmatigas sa dahilang mababa ang kalidad ng kopra at patakaran umano ng Philippine Coconut Authority (PCA) ang pagpapairal ng resikada.

Pinag-aralan ng mga magbubukid ang mga posibleng imaniobra ng mga komersyante bago kumprontahin ang mga ito sa kampong bayan na idinaos sa bahay ng bawat isa sa mga naturang komersyante noong Hulyo 24. Nagkaisa ang

NAPATUNAYAN NG MGA MAGBUBUKID SA HILAGANG QUEZON NA NAPAPAATRAS ANG MGA NAGHAHARI-HARIAN SA HARAP NG LAKAS NG PAGKAKAISA NG MALILIIT NA MAMAMAYAN KATULAD NG MGA MAGKAKAWIT, MAGTATAPAS, MAGKOKOPRA AT PANGGITNA HANGGANG MATAAS NA SARAY NG MGA MAGSASAKA.
mga magsasaka na gawing 10% ang atrasan sa pakikipagnegosasyon sa bawat komersyante.

Nagmartsa ang mga magbubukid sa bayan ng Infanta upang itambol ang pagtutol sa resikada at iba pang patakaran at palakad na umaapi sa mga magsasaka. Dito, napilitan ang PCA na kumpirmahing walang isinasaad sa batas na anuman kaugnay ng resikada.

Wala nang maikatwiran ang mga komersyante. Bagamat nagtagal sa pakikipagnegosasyon partikular kina Capili at sa despotikong si Gucilatar, napapayag din ang malalaking negosyante na alisin ang 15% resikada.

Dagdag muli itong tagumpay sa pagsusulong ng mahabang pakikibaka laban sa pagsasamantala ng mga asendero, komersyante at usurero sa mga magbubukid. Napatunayan ng mga magbubukid sa Hilagang Quezon na napapaatras ang mga naghahari-harian sa harap ng lakas ng pagkakaisa ng maliliit na mamamayan katulad ng mga magkakawit, magtatapas, magkokopra at panggitna hanggang mataas na saray ng mga magsasaka.

Ipinaaalala lamang ng patuloy na pagmamatigas ng mga komersyante sa pagpawi ng resikada�at ng katusuhan nina Gucilatar sa kagyat na pagpapababa ng presyo ng kopra kasabay nito�ang makauring katusuhan ng malalaking komersyante, ang patuloy na pag-iral ng sistemang pinaghaharian ng mapagsamantalang uri at ang pangangailangan sa ibayong pagpapalawak, pagpapalalim at pagpapatatag ng hanay ng rebolusyonaryong mamamayan upang pabagsakin ang naghaharing sistema.

 


Previous articleBack to topNext article

00 Setyembre 1999
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Lumalawak at lumalakas ang militanteng pakikibaka ng mga manggagawa

Ang Bayan, sa internet
Mga rali at welga sa Nobyembre 16:
Patuloy na pag-igting ng pakikibaka para sa P125 dagdag sa sahod

Deregulasyon sa industriya ng langis
Sabwatan ng mga imperyalista, mga kartel ng langis at ng reaksyunaryong gubyerno

Liham mula sa Rehiyong Ilokos-Kordilyera
Ang usapin ng sesesyon at karapatan sa pagpapasya-sa-sarili ng mamamayang Moro
Ika-50 taong anibersaryo ng tagumpay ng demokratikong rebolusyon sa Tsina
Sa ika-50 taong anibersaryo ng tagumpay ng demokratikong rebolusyon sa Tsina
Ang busabos na kalagayan ng mga manggagawa sa Tsina

Sa ika-50 taong anibersaryo ng tagumpay ng demokratikong rebolusyon sa Tsina
Ang sosyalistang transpormasyon ng kanayunan at pagbabaligtad nito

Binabati ng mamamayang Pilipino ang mamamayan ng East Timor at tinutuligsa ang mga atake laban sa kanila ng mga pasistang Indones
Hudyat sa ibayong pagsulong ng antipyudal na pakikibaka sa Timog Katagalugan
Panimulang tagumpay sa pagpawi ng resikada
Patuloy na paglulunsad ng mga taktikal na opensiba ng BHB-Bikol
Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.