|
10 punto ng pagkilos ng mga armadong tauhan ng reaksyunaryong estado
- Magbuo ng mga lihim at ligal na grupo sa loob ng AFP at PNP. Magbuklud-buklod batay sa magkakatulad na hinaing laban sa pang-aapi ng matataas na mga heneral ng militar at pulisya.
- Kumilos at ipaglaban ang mga demokratikong karapatan at kagalingan ng mga karaniwang sundalo at pulis kabilang ang karampatang sahod, pensyon, mahusay na serbisyong pangkalusugan, pabahay at iba pa. Ilantad at labanan ang korapsyon.
- Palalimin ang pag-unawa sa kalagayan ng AFP at buong organisasyong militar. Pag-aralan ang kasaysayan ng AFP bilang isang instrumentong inorganisa ng imperyalismong US upang supilin ang paglaban ng mamamayang Pilipino.
- Makipagkaisa sa pakikibaka ng sambayanang Pilipino. Suportahan ang mga pakikibaka ng bayan laban sa korapsyon, militarismo at dayuhang panghihimasok.
- Pag-aralan ang pambansa-demokratikong rebolusyonaryong programa ng National Democratic Front of the Philippines at programa ng Partido Komunista ng Pilipinas.
- Suwayin ang mga iligal at anti-mamamayang utos ng inyong mga nakatataas na upisyal. Mangahas na ilantad at labanan ang mga paglabag sa karapatang-tao.
- Sagkaan ang mga operasyong militar laban sa mamamayan at mga rebolusyonaryong pwersa. Labanan ang bulag na pagpapasugod sa inyo sa digmaan.
- Umalis sa reaksyunaryong militar at mamuhay bilang karaniwang sibilyan.
- Lihim na makipag-ugnayan sa rebolusyonaryong kilusan. Isulong ang Kilusang Lt. Crispin Tagamolila sa loob ng AFP at PNP.
- Umanib sa rebolusyonaryong kilusan. Ang inyong mga suliranin, sa katuus-tuusa'y nakaugnay sa mga suliranin ng sambayanang Pilipino at mapagpasyang malulutas lamang sa pamamagitan ng rebolusyonaryong pagbabago.
![](../../angbayan/images/textend3.gif)
|
|
![](../../angbayan/images/ab_banne-2.gif) 21 Nobyembre 2004 Edisyong Pilipino
|
|
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.
AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.
Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here. |
|