![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Hayagang nangampanya ang militar at ang bandidong Revolutionary Proletarian Army (RPA) sa Panay at Negros laban sa Bayan Muna at iba pang progresibong partido at gayundin, laban sa mga katunggali ng mga kandidato ng rehimeng Arroyo para sa kongreso at lokal na pamahalaan. Ilang araw bago ang eleksyon, maramihang ipinakat ang mga tropa ng 47th IB sa mga lugar na tinataya nilang malakas ang suporta ng mga progresibong partido, laluna sa Iloilo. Hayagang nangampanya sa mga lugar na ito sina Maj. Oscar Lasangue, hepe ng AFP Civil Relations Group at Capt. Leon Marquez ng 47th IB laban sa mga progresibo. Bago ito, iniulat na aktibong nangangampanya ang RPA laban sa Bayan Muna at para sa Alab Katipunan na tumatakbo rin sa eleksyong party-list bilang isang prenteng organisasyon ng RPA. Noon namang Marso, kasa-kasama ng militar ang mga kasapi ng anti-komunistang Alliance for Nationalism and Democracy (ANAD) sa pagpapaskil ng mga poster at pamamahagi ng mga polyeto laban sa Bayan Muna at iba pang progresibong partido. Mula Mayo 7 hanggang 11, naglunsad ng malawakang operasyong militar ang 11th IB, 12th IB at 61st IB katulong ang RPA at dalawang prubinsyal na kumand ng PNP. Pangunahin nilang kinonsentrahan ang ikalimang distrito ng Negros Occidental para pigilin ang pagboto ng mamamayan sa mga progresibong partido at pilitin silang bumoto kay Ignacio �Iggy� Arroyo, bayaw ni Gloria Arroyo. ![]()
| ||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|