Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Bt corn: nakakalasong mais ng Monsanto

 Read this article in English

�Iboykot ang Bt corn!� mariing panawagan ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) sa nakatakdang pagtatanim at komersyal na pagpapalaganap sa bansa ngayong Mayo ng genetically modified na mais na produkto ng Monsanto, isang higanteng agro-kemikal na kumpanyang multinasyunal. Patuloy na pinaiigting ng mga militanteng magsasaka ang kanilang pagtutol sa pagbibigay ng pahintulot ng Bureau of Plant Industry (BPI) sa Monsanto. Tinutulan nila noon ang mga field testing ng Monsanto sa Bukidnon, Isabela, Camarines Sur at South Cotabato. Tampok sa kanilang pagkilos ang pagbunot sa mga punla ng Bt corn sa iba't ibang lugar noong 2001.

Kaugnay nito, hinihikayat ngayon ng KMP sa Kongreso na ipasa ang tatlong panukalang batas na inihain ng mga representante ng Bayan Muna. Layunin ng isa nito, ang HB No. 3381, na suspindihin ang pagpapasok, pagsasagawa ng field testing at pagpapalaganap ng mga genetically modified organism (GMO) sa bansa habang wala pang lubusang pagtaya sa kaligtasan at pagtalima nito sa mga panuntunan ng kalusugan at pagpangalaga ng kapaligiran.

Bukod sa mga kinatawan ng Bayan Muna, nagpahayag din ng suporta sina dating Sen. Wigberto Ta�ada, mga Katolikong arsobispo ng Iloilo at Bohol, Sen. Bob Bown ng Australia, Andrew Halaram (dating US Peace Corps volunteer), mga artista, akademiko, siyentista at ilang mambabatas sa 30 araw na pagaayuno (hunger strike) ng ilang lider-magsasaka at environmentalist sa harap ng opisina ng Department of Agriculture. Nagsimula ang hunger strike noong Abril 22 at natapos nitong Mayo 21.

Sumuporta rin ang Catholic Bishops Conference of the Philippines, Association of Major Religious Superiors of the Philippines at College Editors Guild of the Philippines. Bilang pakikiisa, nag-aayuno na rin ang 1,000 magsasaka sa Los Ba�os, Laguna at mahigit 500 sa Leyte, Negros at Iloilo. May mga aksyong suporta rin sa Baguio City, Davao del Sur, South Cotabato at Caraga.

Salot sa mamamayan. Ang genetically engineered na mais ng Monsanto, na mas kilala sa tatak na YieldGard, ay may taglay na gene ng mikrobyong Bacillus thuringiensis (Bt). Ang gene ng Bt ay nagbibigay sa mais ng kakayahang lumikha ng lason laban sa pesteng Asiatic corn borer.

Bagamat sa simula ang Bt corn ay makapupuksa nga sa Asiatic corn borer, maaari rin nitong mapatay maging ang mga di nakapipinsalang mga kulisap at iba pang hayop. Kalaunan, mismong ang Asiatic cornborer ay maaaring magkaroon din ng resistensya laban sa Bt corn kaya mas magiging mahirap ang pagpuksa rito. Mas masahol pa, ang mga katutubong klase ng mais sa paligid ay maaaring malahian at masapawan ng Bt corn. Dahil idinisenyo ang Bt corn na hindi na mapagkunan ng binhi, ang mga magsasaka ay obligadong bumili ng binhi sa Monsanto bawat taniman.

Nararamdaman na ngayon ng mga magsasaka ng US at Mexico ang gayong masasamang epekto dahil nauna nang ipinalaganap ang Bt corn sa kanilang mga bansa. Pinag-aaralan ang ilang indikasyon na ang masasamang epekto sa kalusugan ng tao tulad ng kanser sa tiyan at bituka, mga depekto sa panganganak at sakit sa nerbyos ay sanhi ng mga produktong GMO.

Mga pagtutol sa ibang bansa. Dulot ng mga negatibong epekto nito, ang mga bansa sa European Union at sa Asia (maliban sa Pilipinas) ay nagbaba na ng moratoryum laban sa pagpapalaganap nito. Inihinto na nila ang pag-aangkat ng GMO na mais, soya at bulak sa US at Canada mula pa noong 2000. Nagpataw na rin ang Tasmania, isang estado ng Australia, ng limang taong moratoryum laban sa mga produktong GMO.

Mismong sa US ay malakas ngayon ang pagtutol ng mga kasapi ng American Corn Growers Association sa GMO. Hinihiling nito sa US Environmental Protection Agency na pag-isipang mabuti ang pagdedesisyon na payagan muli ang Monsanto na magbenta ng Bt corn.

Sa kabila ng umiigting at lumalawak na protesta, patuloy pa rin ang plano ng rehimeng Arroyo sa komersyal na pagpaparami at pagbenta ng Bt corn at iba pang produktong GMO. AB

 


Previous articleBack to topNext article

21 Mayo 2003
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Suportahan ang pakikibaka ng mamamayang Moro laban sa tumitinding atake ng rehimeng US-Arroyo!

Pambobomba sa Mindanao
Pasiklab ng rehimen sa US

Bt corn: nakakalasong mais ng Monsanto
Gubyerno, walang laban sa SARS
Ka Elvira, mapagkalingang rebolusyonaryo
Sa ibayong dagat:
Tagibang na daan tungong kapayapaan sa Palestine

Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.