![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Mariing tinuligsa ng Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid ng Pilipinas-Cagayan Valley ang Hybrid Commercialization Program (HCP), ang bagong pakana ng Department of Agriculture (DA), bilang isang sukdulang panggagantso sa mga magsasaka. Itinutulak ng DA ang programang ito upang mapalaganap sa mga magsasaka ang mga binhing hybrid (mestiso). Pangunahin dito ang mga binhing "suicide" o "terminator" na genetically modified (niretoke ang genes) na hindi na mapagkukunan ng binhi para sa susunod na taniman Layunin ng mga imperyalistang kumpanyang nagtutulak ng programang ito na lubusan nang maglaho ang mga tradisyunal na binhi at palitan ang mga ito ng mga binhing �terminator� na nangangailangang gamitan ng mga mamahaling abono at pestisidyong pawang gawa ng naturang mga kumpanya. Sinagpang ng DA ang pananalanta ng sunud-sunod na mga bagyo sa mga tanim ng mga magsasaka kamakailan upang paspasan ang pagtutulak ng mga binhing hybrid. Ipinalalaganap ng DA na murang-murang makukuha ang ganitong mga binhi mula sa pitong hybrid na mais na produkto ng Monsanto, Syngenta at iba pang internasyunal na kumpanya sa agribisnes. Lulan ng imperyalistang patakarang "globalisasyon," pinapaspasan ng mga dambuhalang internasyunal na kumpanya sa agribisnes ang paglulubos ng kontrol nila
Upang mapangalagaan ang monopolyo sa biotechonology (teknolohiya ng mga binhi at iba pang may buhay) ng mga imperyalistang kumpanya sa agribisnes, tinitiyak nila at ng papet na gubyerno ang pagkakaroon ng nauukol na mga batas sa bansa. Kabilang sa mga ito ang RA 9168 (Plant Variety Protection Act), na nagbibigay sa mga dayuhang korporasyon sa agribisnes ng eksklusibong karapatan sa mga binhi at iba pang produktong ayon sa kanila ay sila ang tumuklas. Nalalagay sa disbentahe ang mga magsasaka, katutubo, lokal na mga siyentista at imbentor na nangangalaga, nagpapayaman at nagpapaunlad ng lokal na mga binhing hiyang sa mga kundisyon sa bansa. Sa pamamagitan ng ganitong mga maka-imperyalistang batas at programa sa agrikultura ng rehimeng Arroyo, lalong ginagawang palaasa ang mga magsasaka sa mga binhi at produkto ng mga imperyalistang kumpanya. Ipagkakait din ang karapatan ng mga magsasakang magpunla uli at magbenta ng mga binhing pinayaman at pinaunlad nila. Ayon sa PKMP-CV, ang pagpapasok ngayon ng mga bagong binhi ay katulad ng naging karanasan ng Masagana 99 at Maisagana noong panahon ng diktadurang Marcos. Binitag ng mga programang ito ang mga magsasaka na gumamit ng mga imported na binhing high yielding variety at ng maraming kaakibat na mga sangkap sa produksyon. Sa dami at kamahalan ng kinakailangang bilhing bagong binhi, abono, pestisidyo at iba pang sangkap, walang katulad sa nakaraan ang pagkakabaon sa utang ng mga magsasaka. Winasak din ng mga nakaraang programang ito ang mga katutubong binhi na may higit na resistensya laban sa sakit at peste at mas hiyang sa kalupaan at klima sa bansa. Pero kung tutuusin, mas masahol pa ang ginagawa ngayon ng HCP. Ibinahagi rin ng PKMP-CV ang katulad na karanasan ng Mexico. Sa pagpapaloob ng Mexico sa North Atlantic Free Trade Alliance (NAFTA) noong 1994, pinwersa ng US na tambakan ang bayang ito ng bagong hybrid na mais. Pinapirma rin ang Mexico sa isang kasunduan sa Plant Variety Protection. Mais ang pangunahing produkto ng Mexico, pero ngayon sangkatlo ng kinokonsumong mais sa Mexico ay imported na mula sa US. Bumagsak ang presyo ng lokal na mais nang 70%, pero hindi pa rin makakumpitensya ang mga Mexicano sa mababang presyo ng mais mula US. Lubhang lumiit ang kita ng 15 milyong Mexicano na nabubuhay sa produksyon ng mais. Ang mga papet na rehimen na nagtaguyod ng imperyalistang "globalisasyon," mula kay Ramos hanggang kay Arroyo, ay nagtali lamang sa Pilipinas sa panggigipit ng GATT, WTO at iba pang maka-imperyalistang kasunduan sa kalakalan at agrikultura. Sa halip na itaguyod ang interes ng mga magsasaka sa bansa, lubusang ibinukas nila ang lokal na pamilihan, kalakalan at agrikultura sa bansa sa walang habas na panghihimasok at dominasyon ng mga imperyalistang kumpanya sa agribisnes. Binaha ang mga pamilihan ng bansa ng mga imported na sangkap at produktong agrikultural. Ipinaubaya sa kanila pati ang kontrol sa teknolohiya sa agrikultura. Humahantong ito ngayon sa walang habas na pagkawasak ng seguridad, pag-asa-sa-sarili at pag-unlad ng bansa sa agrikultura at pagkain. Sa katunayan, hindi na lamang mga magsasaka ang nabibiktima ng Hybrid Commercialization Program. Binibiktima nito ang buong sambayanan. Labanan natin ang imperyalistang panghihimasok sa agrikultura ng bansa at ang pakikipagkutsabahan sa kanila ng papet na gubyerno. Itaguyod natin ang isang agrikulturang siyentipikong nagtataguyod at nagpapaunlad sa naaangkop na lokal na mga kaalaman at teknolohiya, nagtitiyak sa seguridad at pagtatayo-sa-sarili ng bansa sa agrikultura, pagkain at kabuuan ng ekonomya, at nagtataguyod hindi sa interes ng mga imperyalista at mga alipures nila kundi sa interes ng mamamayan at ng ating bansa. ![]()
| |||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|