Pinulot sa basurahan
Ang garapalang panunuyo ng rehimeng Macapagal-Arroyo sa mga lab� ng mga nakaraang rehimen, laluna ng naitakwil na mga rehimeng Marcos at Estrada, ay muling nagpapatunay na bulok-sa-kaibuturan ang reaksyunaryong pulitika at ang mga partidong nagtataguyod nito.
Kamakailan lamang, pormal nang tumawid tungo sa partido ni Macapagal-Arroyo si Sen. Blas Ople. Matapos ang mahabang pagpapakipot, sinunggaban nito ang binakanteng pusisyon ni Bise Pres. Teofisto Guingona bilang kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA). Bago ito, sinuyo rin ni Macapagal-Arroyo at pinangakuan ng mga pusisyon sina Jaime Policarpio at ang magkapatid na Ronaldo at Ricardo Puno � pawang mga alipures ni Estrada at nagsilbi rin sa diktadurang Marcos.
Si Ronaldo Puno ay dating kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG) ng gubyernong Estrada. Siya ang naging pangunahing estratehista sa eleksyon, eksperto sa psywar at opereytor sa pandaraya nina Marcos, Ramos at Estrada. Nasangkot siya sa bilyun-bilyong pisong mga anomalya kaugnay ng drug-testing at pagbili ng mga posas, baril at radyo ng PNP. Si Ricardo Puno, nakatatandang kapatid ni Ronaldo, ang naging tagapagsalita ni Estrada. Si Policarpio, estratehista ni Estrada at isa sa pinakamalalapit niyang kaibigan, ay itinalagang presidential legislative liaison officer sa ilalim ng dating rehimen. Sangkot siya sa kasong korapsyon ni Estrada.
Lumipat na rin sa administrasyon nitong ikatlong linggo ng Hulyo si Robert Jaworski, dating basketbolista, at kilalang maka-Estrada. Sa paglipat niya ay nakuhang muli ng kampo ni Macapagal-Arroyo ang mayorya sa Senado.
Ang pagkandili ng rehimen sa mga personaheng ito at ang kanilang pagpapalipat-lipat sa alinmang naghaharing paksyon ay nagpapatampok sa bulok na pulitika ng reaksyunaryong sistema. May espesyal na interes si Macapagal-Arroyo sa kanila, laluna kay Ronaldo Puno, dahil sa inaasahang magagawa nilang salamangka sa eleksyong presidensyal sa 2004.
Dahil sa pakikiapid sa mga personahe ng rehimeng Marcos at Estrada, lalong nahihiwalay sa pulitika si Macapagal-Arroyo. Tinalikdan siya ng Council for Philippine Affairs (COPA) at lumaki ang lamat sa kanyang pakikitungo kahit sa mga oportunistang NGO.
Sa desperasyong salagin ang mga batikos sa kanya, pumuputak ngayon si Macapagal-Arroyo at kaliwa�t kanang nagbabansag sa kanyang mga kritiko. Tinawag niyang �anay� ang COPA na sumisira diumano sa pagkakaisa at katatagan ng kanyang gubyerno. Pinaringgan din niya ang mga progresibong pwersa tulad ng BAYAN at Bayan Muna sa pagsabing �komunista� na lamang ang hindi nasisiyahan sa kanyang pamamalakad.
Si Macapagal-Arroyo na rin ang naglalantad sa sarili at sa kabulukan ng kabuuang reaksyunaryong pulitika sa bansa. Nang hingan siya ng paliwanag kung bakit niya kinuha ang reaksyunaryong oposisyunistang si Ople bilang kalihim ng DFA, sinabi niyang �kailanman ay hindi naman prinsipyo ang umiral na batayan ng pagkakahati ng mga partidong pulitikal� sa bansa.
![](../../angbayan/images/textend3.gif)
|