|
Philhealth, instrumento para sa pagkakamal ng tubo
Habang tuluy-tuloy na binabawasan ng rehimen ang badyet sa kalusugan, ipinangangalandakan nitong sa pamamagitan ng National Health Insurance Program (NHIP, dating Medicare) o Philhealth ay nagagarantiyahan ng serbisyong pangkalusugan ang taumbayan. Sa pamamagitan diumano ng Philhealth, matutugunan ang batayang gastusin para sa serbisyong medikal ng dumaraming Pilipino.
Ngunit sa katunayan, ang tanging habol ng Philhealth ay makapagkamal ng tubo mula sa kakarampot na kita ng ordinaryong mga manggagawa at kawani. Ang mga kawani ng gubyerno, na awtomatikong saklaw nito, ay obligadong magbayad rito sa pamamagitan ng direktang pagkaltas sa sahod. Ineengganyo nito ang mga manggagawa ng mga pribadong kumpanya na maglaan ng bahagi ng kanilang mga sahod buwan-buwan (katulad ng SSS). Subalit sa bawat pisong �kontribusyon�, P0.22 lamang ang napupunta sa gastos pangkalusugan ng mga myembro at benepisyaryo. Ang natitira�y dumidiretso sa tubo.
Kinakasabwat ng Philhealth ang mga health maintainance organization (HMO). Karamihan sa mga ito ay mga dayuhang pribadong kumpanya gaya ng Phil. American Gen. Insurance Co. (Amerikano) at Sun Life Assurance Company of Canada, na nagpapabayad para sa tuluy-tuloy na serbisyong medikal sa loob ng isang takdang panahon. Hindi nababawi ng mga myembro ang halagang ipinapasok nila kahit hindi magamit ang serbisyo. Sa maraming kaso, sinasalungat ng mga HMO ang payong medikal ng mga doktor at binabarat ang mga serbisyong ibinibigay sa mga pasyente para lamang makatipid at matiyak ang malaking tubo ng kumpanya.
Isa sa mga probisyon ng HSRA ang pagpapalawak sa saklaw ng Philhealth, dahil sinusuhayan nito ang ganap na pagtalikod ng gubyerno sa responsibilidad na magbigay ng serbisyong pangkalusugan sa mamamayan. Tinutugunan din nito ang patakaran ng IMF-WB na bawasan ng gubyerno ang gastos sa mga serbisyo sosyal.
![](../../angbayan/images/textend3.gif)
|
|
![](../../angbayan/images/ab_banne-2.gif) Agosto 2002 Edisyong Pilipino
|
|
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.
AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.
Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here. |
|