Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

100,000, nagrali sa Luneta

 Read this article in English

Umabot sa 100,000 katao ang dumalo sa Prayer Assembly for Peace sa Quirino Grandstand, Luneta (Rizal Park) noong Pebrero 28 upang ipahayag ang kanilang mariing pagtutol sa gera kapwa sa Iraq at sa Mindanao. Mula sila sa hanay ng mga maralita, petiburgesya, pambansang minorya at iba�t ibang relihiyon at sekta. Ang rali ang pinakamalaki sa sunud-sunod na mga pagkilos sa Pilipinas mula Enero laban sa mapanalakay na gera ng US sa Iraq.

Bukod sa mga kasapi ng mga militanteng organisasyon tulad ng BAYAN at Bayan Muna, dumalo rin si Vice President Teofisto Guingona at mga lider at kinatawan ng iba pang institusyon tulad ng Catholic Bishops Conference of the Philippines.

Sinabi ni Rafael Mariano ng BAYAN na lubhang nag-iisa na si Macapagal-Arroyo sa kandungan ni Bush at ng mga kasapakat nitong uhaw na uhaw sa gera. Iginiit niya na dapat kagyat iatras ni Macapagal-Arroyo ang lahat ng tropa ng US sa Mindanao upang hindi maulit sa bansa ang trahedyang tulad ng gera sa Vietnam. Binasa rin sa rali ang mensahe ni Jaime Cardinal Sin, na nagbababala laban sa �mga kaaway ng kapayaan�. Binatikos naman ni Guingona ang lumalakas na interbensyon ng US sa bansa.

Naglunsad rin ng iba�t ibang anyo at paraan ng pagpoprotesta sa iba�t ibang dako ng bansa. Sa UP Diliman, Quezon City, nagdaos ng Peace Concert. Noong Pebrero 27, mahigit 500 estudyante ang naglamay sa UP Los Ba�os. Sa Pangil, Laguna, nagsindi ng mga kandila ang mamamayan. Kinabukasan, sa Crossing, Los Ba�os, Laguna, 4,000 myembro ng Justice Not War Coalition-ST ang nagdaos ng prayer rally bago dumiretso sa Maynila. Mga 1,000 katao mula sa pitong prubinsya ng Gitnang Luzon ang nagrali sa Angeles City sa pamumuno ng Bayan. Nagsindi ng mga kandila sa Pe�aranda Park ang mga estudyante at titser ng walong paaralan sa Legazpi City, Albay sa pamumuno ng Promotion of Church People�s Response (Bicol). Mahigit 1,000 ang nagdasal noong gabi ng Pebrero 28 sa St. Ferdinand Cathedral, Lucena City. May mga pagkilos din sa Baguio City ang Innabuyog-Gabriela. Nagtipon din ang mga nagpoprotesta sa Immaculate Conception Cathedral sa Puerto Princesa City, Palawan.

Idineklara ng mga organisador ng rali na masusundan ito ng marami pang mga porum at martsa para sa kapayapaan sa iba�t ibang dako ng bansa.

 


Previous articleBack to topNext article

07 Marso 2003
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Agresyong US, BIGUIN

Mula sa Komite Sentral
AB, dalawang beses bawat buwan

Usapang pangkapayapaan, ibinasura na ng GRP
Gerilyang digma laban sa AFP, inilunsad ng MILF
Ilang tampok na tagumpay sa paglalahathala ng AB
Lumalaking sagka
Pandaigdigang pagtutol sa gera
100,000, nagrali sa Luneta
Galamay ng US
Matatagumpay na opensiba ng BHB:
Sunud-sunod na mga opensiba, inilunsad ngayong Pebrero

Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.