![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Mariing binatikos ng Efren Martires Command ng Bagong Hukbong Bayan sa Eastern Visayas ang paggamit ng Philipppine National Police (PNP) sa mga sibilyan bilang pananggalang sa isang labanang naganap noong Marso 26 sa Barangay Lake Danao, Ormoc City, Leyte. Sa isang pahayag nitong Abril 1, kinundena ni Jose Sumoroy, tagapagsalita ng kumand, ang sadyang pagsasabay ng PNP sa tatlong empleyado ng Philippine National Oil Corp. (PNOC) kahit alam nilang makakasagupa nila ang BHB. Batid ng PNP at ng reaksyunaryong militar na hindi nandadamay ng sibilyan ang BHB sa kondukta nito ng armadong pakikibaka. Mahigpit na tumatalima ang BHB sa internasyunal na makataong batas at mga pandaigdigang alituntunin sa digma bukod pa sa mga patakaran nito, ng Partido at ng National Democratic Front of the Philippines laban sa pananakit sa mga sibilyan. Inaasahan ng pulis na kapag nakita ng BHB na may kasama silang tatlong sibilyan, mag-aatubili itong ambusin ang kanilang mga tropa. Hindi alam ng mga Pulang mandirigma ng Mount Amandewin Command ang mga sibilyang nasa komboy ng mga tropang ipinadala ng PNP sa PNOC. Dahil dito, nadamay at napatay sina Aldrine Alcober, Jerry Flores at Jaime Celeste, pawang mga empleyado ng PNOC. Ipinahayag ng Efren Martires Command ang kanilang masidhing pagkalungkot sa walang pakundangang pagsasapanganib ng PNP sa naturang mga sibilyan. Ipinaabot din nito ang sinserong pakikidalamhati at kahandaang tumulong sa mga pamilyang naulila. Nanawagan din ang kumand sa AFP at PNP na igalang ang karapatan ng mga inosenteng sibilyan at tumalima sa Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law. Binatikos nito ang pwersahang paggamit ng militar at pulisya sa mga sibilyan bilang mga giya sa operasyon o pag-utos sa kanilang pumwesto sa unahan ng kanilang mga tropa. Bukod pa ito sa pambobomba sa mga komunidad, pananalbeyds, pagdukot, pagtortyur at iba pang mga paglabag sa karapatang-tao at pandaigdigang makataong batas. ![]()
| ||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|