Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Kababaihan laban sa Balikatan

 Read this article in English

Isa sa pinakamakulay, militante at masiglang mga paggunita ng Pandaigdigang Araw ng Kababaihan ang rali sa Mendiola nitong Marso 8. Pinakamarami sa humigit-kumulang 4,000 dumalo ay kababaihang manggagawa, maralitang-lunsod at maliliit na empleyado ng gubyerno. Lumahok din ang mga kababaihang mag-aaral, migranteng manggagawa at mga mula sa sektor ng guro, kalusugan, simbahan at iba pa. Sumuporta at lumahok din sa martsa ang kalalakihan.

Kinundena ng kababaihan si Gloria Macapagal-Arroyo sa kanyang sagad-sagarang pagtataksil sa bayan. Ipinanawagan nila ang pagpapatalsik sa kanya sa poder. Nananawagan din ang kababaihan para sa pagpapalayas sa mga tropang Amerikano sa bansa.

Sinunog ng mga nagrali ang isang effigy ni Macapagal-Arroyo na naglarawan ng kanyang maka-US at militaristang postura at pagwawalang-bahala sa mga suliranin ng masa ng sambayanan.

Sa Mindanao, pinangunahan ng All Women Coalition Against US Troops ang walong magkakasunod na araw na "silent protest" (walang imik na protesta) laban sa Balikatan na nagtapos sa isang rali nitong Marso 8 sa Davao City, Ozamiz at General Santos City.

Suot ang puti o itim na damit, inilunsad ang "silent protest" sa mga komunidad, eskwelahan at mall. Umabot sa 300 kababaihan mula sa iba't ibang sektor ang nagtipon sa Freedom Park sa Davao City dala ang mga plakard at istrimer na nanawagang palayasin ang mga tropang Amerikano sa bansa.

Sa isang pahayag para sa Marso 8, tinuligsa ng Makabayang Kilusan ng Bagong Kababaihan (Makibaka) si Gloria Macapagal-Arroyo sa kanyang pagpapasok ng mga tropang Amerikano sa bansa. Anang pahayag, "Bagamat isa siyang babae, si Gloria Macapagal-Arroyo ay kaaway ng kababaihang Pilipino.isa (siyang) papet at militaristang lider na walang tunay na suporta sa hanay ng kababaihan, lalo na sa hanay ng masang anakpawis."

Ayon din sa Makibaka, "...dumating sila (ang mga tropang Amerikano) upang protektahan ang malawak na interes pang-ekonomya ng US sa bansa, laluna sa mayamang isla ng Mindanao...Hindi lamang sila nagiging sanhi ng sistematikong paglaganap ng prostitusyon at mga paglabag sa karapatang pantao, winawasak din nila ang mga ekonomya, pulitika't kultura ng bansa, at pinapailalim ito sa kanilang kontrol."

Sa isa pang pahayag na may pamagat na "Isang panawagan sa mabubuting anak ng bayan", nanawagan ang Makibaka sa kababaihan na makipamuhay at tuluyan nang sumapi sa BHB lalo na sa panahong ito ng papatinding interbensyon ng imperyalismong US sa bansa.

 


Previous articleBack to topNext article

Marso 2002
Edisyong Pilipino


Editoryal: Pagkaisahin ang bayan laban sa pagkapapet, kalupitan at korapsyon ng rehimeng Macapagal-Arroyo!
Ilang malaking kaso ng korapsyon sa ilalim ng rehimeng Macapagal-Arroyo
Umiigting at humahantong sa kaguluhan at karahasan ang alitan ng mga reaksyunaryo
Ang panunumbalik: Armadong panghihimasok ng imperyalismong US sa Pilipinas
Kababaihan laban sa Balikatan
Balik-tanaw sa Kasaysayan: Ang digmang agresyon ng US sa Mindanao(1899-1913)
Kampanyang psywar laban sa BHB, pakana ng CIA
Ang propagandang anti-BHB ng AFP
Paninira ng AFP, pinabulaanan ng BHB sa Abra
Mining Act of 1955, epektibong nilalabanan ng mamamayan
Pananalanta ng pasistang estado
Mga pasistang atake laban sa Bayan Muna
Mga salot sa Leyte, pinarusahan ng BHB
Usapang pangkapayapaan, isinaisantabi ng rehimeng Macapagal-Arroyo
Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.