|
Mga asasinasyong pulitikal, tatak ng US
Ang mga asasinasyong pulitikal ay tatak ng maruruming operasyon ng imperyalismong US sa mga kontra-rebolusyonaryong digma nito. Nang maglunsad ito ng digma laban sa mamamayan ng Vietnam noong 1964-75, inilunsad rin ng Central Intelligence Agencey (CIA) ang tinaguriang Operation Phoenix, isang malawakang kampanya ng mga pampulitikang asasinasyon.
Nagmantine ang militar ng US ng listahan ng mga target ng pagpaslang, pangunahin na ang mga personaheng may impluwensya o malaking papel sa rebolusyonaryong paglaban ng Partido Komunista ng Vietnam, Hukbong Bayan at National Liberation Front (o Viet Cong). Sa panahong 1968-1971, mahigit 40,000 ang pinatay sa ilalim ng Operation Phoenix.
Ang pagtindi ngayon ng pamamaslang sa mga lider at kasapi ng mga progresibong organisasyon sa Pilipinas ay walang dudang hinalaw ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga doktrinang turo ng CIA, kundi man tuwirang itinuro ng militar ng US sa pamamagitan ng mga lihim na operatiba at "military advisers" nito na nakapwesto sa iba't ibang kampo ng AFP sa buong bansa.
Kamakailan lamang, nalantad na may mahigit 70 upisyal at operatiba ng militar ng US na kumikilos sa Pilipinas.
![](../../angbayan/images/textend3.gif)
|
|
![](../../angbayan/images/ab_banne-2.gif) 21 Marso 2005 Edisyong Pilipino
|
|
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.
AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.
Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here. |
|