![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Pinaiimbestigahan ngayon ng Amnesty International (AI) sa gubyernong Macapagal-Arroyo ang pagpatay sa tatlong mamamahayag na Pilipino. Anang AI, nababahala ito sa paglabag sa karapatang-tao ng mga peryodista sa Pilipinas. Gusto ng AI na buksan ang mga kaso ng pamamaslang kina Benjaline Hernandez, Edgar Damalerio at Sonny Alcantara. Hiniling din ng AI na mabigyang-proteksyon at huwag gipitin ang mga pamilya, kaibigan at mga taong may kinalaman sa mga kaso. Si Hernandez ang namumuno sa lokal na sangay ng College Editors Guild of the Philippines (CEGP) sa Mindanao nang patayin ito ng mga elemento ng Philippine Army noong Abril 2002. Nananaliksik noon si Hernandez hinggil sa mga pang-aabuso ng militar. Komentarista sa radyo at editor ng lokal na pahayagan sa Zamboanga si Damalerio nang barilin siya noong Mayo ng isang upisyal ng pulis. Ayon sa imbestigasyon, nagalit ang nasabing pulis sa isinulat niya tungkol sa korapsyon. Binaril naman noong Agosto si Alcantara pagkatapos nitong batikusin ang isang lokal na upisyal sa San Pablo, Laguna. ![]()
| ||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|