Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Erap para kay Danding

 Read this article in English

Wala pang isang linggo sa Malakanyang si Estrada, dali-dali at panakaw nang sinakmal ni Eduardo �Danding� Cojuangco, Jr. ang San Miguel Corporation sa tulong ng mga maka- Marcos na upisyal ng Presidential Commission for Good Government (PCGG). At dalawang linggo makalipas, ang mga tauhan ni Cojuangco ay hinirang ni Estrada sa pamunuan ng National Power Corporation.

Determinado at walang pakundangan ang bagong luklok na reaksyunaryong rehimen na lubusang ibalik ang mga kroni ng pasistang diktador na si Marcos sa tuktok ng burukrasya at malaking negosyo.

Ano pa ang saysay ng �Erap para sa mahirap� kung ang una niyang tiniyak ay ang pagbabalik ng bilyun-bilyong pisong halaga ng nakaw na yaman ng pasistang pangkating Marcos? Kung ang numero unong inaasikaso niya ay ang rehabilitasyon sa pulitika at ekonomya ng mga kamaganak at alipures ng yumaong diktador?

Danding Cojuangco: Haligi ng Reaksyon

Wala nang mas malaki pa kay Cojuangco sa mga alipures ni Marcos. Kabilang siya sa �Rolex 12� na nagplano ng pagpapataw ng batas militar noong 1972. Siya ang pangunahing burges komprador at burukratang kapitalistang nagpasasa sa pasistang paghahari. Nakapangamkam siya ng napakalawak na lupain at interes sa industriya ng niyog, asukal, pagpoproseso ng pagkain, pagtotroso, pagbabangko, komunikasyon at transportasyon atbp.

Si Cojuangco ay despotikong panginoong maylupa na tubong Tarlac. Nagmamantine siya ng pusakal na pribadong hukbo na sangkot sa maraming kaso ng pamamaslang at panunupil sa mga militanteng magbubukid sa Gitnang Luzon.

Kasama siya ni Marcos na bumagsak noong 1986. Mula nang siya�y tahimik na makabalik sa bansa, si Cojuangco ang nagsilbing sentro ng rekonsolidasyon ng mga reaksyunaryong maka-Marcos. Agad-agad niyang tinipon ang dating mga kasapakat at nagbalak ng pagbabalik sa kapangyarihan. Isa siya sa mga nasa likod ng tangkang kudeta laban kay Aquino noong 1989. Si Cojuangco ang isa sa mga pangunahing haligi ng mga reaksyunaryong naghaharing uri. Tumatagos ang kanyang kapangyarihan sa malaking negosyo, sa reaksyunaryong pulitikang pambansa at maging sa loob ng AFP at PNP. Itinatag niya ang Grand Alliance for Democracy (GAD) at Nationalist People�s Coalition (NPC) na nagsilbing tuntungan para sa kanyang pagtatangkang makabalik sa estado poder. Bilang numero unong pinansyer, si Cojuangco ang pangunahing nagtagumpay sa pagkapanalo ni Estrada ngayong 1998. Siya ngayon ang pinuno ng naghaharing partidong Laban ng Masang Pilipino (LAMP).

Nasa gulugod ng gubyernong Estrada ang mga piling alipures ni Cojuangco. Si Ronaldo Zamora at Orlando Mercado ang kanyang mga prinsipal na galamay at ahente. Itinalaga sila sa mga susing pusisyon--si Zamora bilang Executive Secretary at si Mercado bilang Kalihim sa Depensa. Si Roberto Lastimoso, ang hinirang na hepe ng PNP at si Fernando �Gerry� Barrican, ang itinalagang tagapagsalita ni Estrada, ay pawang mga bata rin ni Cojuangco. Sa pamamagitan nila, ni Estrada mismo at iba pang hinirang na upisyal sa burukrasyang sibil at militar, hawak ni Cojuangco sa leeg ang kasalukuyang reaksyunaryong rehimen.

Danding, Padrino ni Estrada

Sa katunayan, si Cojuangco ang padrino ni Estrada. Masasabi ngang siya ang tunay na presidente dahil siya ang may tangan ng kapangyarihan. Hindi nakapagtataka kung gayon ang walang pagkabalam na pagbabalik ni Cojuangco sa San Miguel Corporation (SMC) nitong Hulyo 6.

Pagkaupo ni Estrada sa Malakanyang, agad nitong itinalaga si Felix de Guzman bilang tagapangulo ng PCGG alinsunod sa utos ni Cojuangco. Mula 1971 hanggang 1983, si de Guzman ay naging tauhan ni Estelito Mendoza, ang pangunahing abugado ni Cojuangco at dati ring alipures ni Marcos. Napabilang din si de Guzman sa mga sahuran ni Cojuangco nang maitalaga siya sa Regional Trial Court ng Tarlac noong 1983-86.

Upang ipreserba ang sarili, nagbitiw si Andres Soriano III bilang pinuno ng SMC tatlong araw bago pormal na iniluklok si Cojuangco. Limampu�t isang porsyento (51%) ng sapi at boto sa Board of Directors ng SMC ay kontrolado ng PCGG kabilang na ang 20% botong hawak ni Cojuangco sa pamamagitan ng mga tauhan niya sa pangunguna ni Estelito Mendoza. Sa idinaos na halalan ng Board of Directors ng SMC noong Hulyo 6, 1998, lahat ng kinatawan ng PCGG ay bumoto upang iupo si Cojuangco.

Hindi Maibsan ng San Miguel ang Uhaw ni Cojuangco

Ang SMC ay una lamang sa mahabang listahan ng mga korporasyon at ari-ariang babawiin ni Cojuangco, ng mga Marcos at alipures nila. Nitong Hulyo 24, hinirang ni Estrada sina Douglas Luym, Carmelo Santiago at Jesus Pineda *, pawang mga tuta ni Cojuangco, sa Board of Directors ng NAPOCOR. Ang iba pang hinirang ay mga kilalang tauhan ni Geronimo Velasco, dating Ministro sa Enerhiya ni Marcos.

Ikinakasa na ang pagbabalik ng kontrol ni Cojuangco sa 250 korporasyon at mga sapi na sinekwester ng PCGG mula 1986 katulad ng P100 bilyong coco levy fund.

Tiyak na maibabalik na ito sa kanya matapos ianunsyo ni Zamora na ang operasyon ng PCGG ay isasara na sa loob ng isang taon. Nangako siyang �hindi maghahanap ng away sa mga Marcos�. Usap-usapan nga sa loob mismo ng PCGG na �baligtad na ang mundo�.

Nakatuon ngayon ang gubyernong Estrada sa negosasyon upang aregluhin ang mga kaso ng nakaw na yaman ng mga Marcos. �Tuloy ang mga kaso�, ani Estrada. Ngunit sa pangangasiwa ng bagong talagang Kalihim ng Hustisya na si Serafin Cuevas, isang loyalista ni Marcos, moro-moro lamang ang mga magaganap na negosasyon at paglilitis sa mga kasong ito. Tiyak na ng mga Marcos na mababawi nila ang kanilang mga nakaw na yaman. Pagtitibayin ito ng batas.


* Si Luym ang may-ari ng pinakamalaking coconut mill sa Pilipinas; si Carmelo Santiago ang may-ari ng Melo�s restaurant; at si Jesus Pineda ang dating tagapangulo ng UCPB (United Coconut Planters� Bank) [Back to top]

 


Previous articleBack to topNext article

09 Hulyo 1998
Edisyong Pilipino


Editoryal - Kleptokrasya at ang bulok na naghaharing sistema:
Ang Pangit na Mukha ng Burukratang Kapitalismo sa Rehimeng Estrada

Erap para kay Danding
Sino ang tunay na kriminal?
Ang Tiwali at Bulok na AFP at PNP

Visiting Forces Agreement
Magmimistulang base militar ng US ang buong Pilipinas

Pasismo at Kontrarebolusyonaryong Dahas ng Estadong Neokolonyal
Rebolusyonaryong Kilusan sa Metro Manila
Muling Pagbubuo at Ibayong Pagsulong

Hinggil sa Usapin ng Pambansang Minimum na Sahod
Mga Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.