Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Pahayag
Itigil ang digmang pananalakay ng U.S. at NATO

 Read this article in English

Mariing tinutuligsa ng Partido Komunista ng Pilipinas at ng Pambansang Demokratikong Prente ng Pilipinas ang digmang pananalakay ng imperyalismong US at ng mga alyado nito sa North Atlantic Treaty Organization (NATO) laban sa malayang mamamayan at bansa ng Yugoslavia. Sagad ang kabuktutan ng US at ng mga kaalyado nitong imperyalista sa pagnanasa nilang magpasok ng mga dayong pwersang panakop sa Yugoslavia upang lalong pagwatakwatakin ang bansang ito at, matapos na tanggihan ng huli na papasukin ang gayong mga pwersang panakop, sa pagsasagawa ng duwag na pambobomba ng Yugoslavia.

Isinasangkalan lamang ang �pagkamakatao� para maipatupad ang imperyalistang pananalakay. Nagpapahiwatig ito sa simula ng huwad na simpatya para sa mamamayang Albanian sa Kosovo ngunit layunin nitong magtulak ng hegemonismo, na itodo-larga ang imperyalistang barbarismo at biktimahin ang mamamayan ng Yugoslavia, kabilang na ang mamamayang Albanian sa Kosovo.

Di hamak na mas marami pang mamamayan ang napupwersang lumikas dulot ng mga airstrike (paghuhulog ng mga missile at bomba) ng United States at ng mga alyado nito sa NATO kumpara sa dami ng napalikas bunga ng dating labanan sa pagitan ng hukbo ng Yugoslavia at ng Kosovo Liberation Army. Kayat lumilikha ng higit na mas malaking kapahamakan sa mamamayan ang mga airstrike kung ihahambing sa nais umanong iwasan ni Clinton at ng kanyang mga kaalyado. Inaamin mismo ng mga upisyal ng US at NATO na imposibleng maiwasan ang tinatawag lamang nilang collateral damage o �kaakibat na pinsala�, na katunaya�y kaswalidad sa mga sibilyan.

Ang huwad na pagkamakatao ay tunay na hegemonismo ng mga imperyalistang mananalakay. Hindi nito layuning tulungan ang sinumang mamamayan, kundi ang sila�y salantain, paglaban-labanin at kubabawan sa pamamagitan ng taktikang manghati-at-maghari.

Pangunahing nakatuon ang imperyalistang �planong pangkapayapaan� ng Rambouillet* sa pagpasok ng mga pwersang panakop sa ngalan ng �pangangalaga sa kapayapaan� sa Kosovo upang lalong pagwatak-watakin ang Yugoslavia sa pamamagitan ng mga pwersang imperyalista at mga papet nito. Layuning itatag ang isang �malayang� Kosovo upang magsilbi itong isa pang base ng imperyalismong US sa estratehikong rehiyon ng mga Balkan. Libu-libo na ngayon ang tropang Amerikano sa Bosnia at ilang libo pa ang nasa Macedonia.

Kasabay nito, patuloy na inuudyok at sinasamantala ng imperyalismong Germany ang mga kaguluhan sa dati at kasalukuyang Yugoslavia upang buhaying muli ang militarismong German, makapwesto sa Peninsula ng Balkan sa pamamagitan ng mga tropang German sa Bosnia at gumamit ng mga eroplanong German upang mambomba. Nanumbalik na ang mga lokal na pwersa ng pasismo sa dating Yugoslavia at sa kabuuan ng rehiyon ng Balkan.

Malaon na nating kinikilala ang karapatan sa pagpapasya-sa-sarili ng mga bansa at dahil dito�y malaon na nating ipinamamalas ang ating simpatya sa mamamayang Albanian sa Kosovo. Ngunit di natin maaaring suportahan ang anumang reaksyunaryong pwersang ginagamit lamang ng imperyalismong US at Europeo at nakasalalay sa suportang imperyalista at kagamitang militar mula sa mga base ng US sa Macedonia at sa reaksyunaryong grupo ni Sali Berisha sa Albania.

Dapat itigil ng mga pwersa ng US at NATO ang kanilang brutal na pambobomba at ibasura ang iskema nilang magtalaga ng mga dayong tropa sa Kosovo at Yugoslavia. Kinakailangang magkaisa ang mamamayan sa Yugoslavia, Kosovo at sa kabuuan ng rehiyon ng Balkan upang ipaglaban ang kanilang pambansang kasarinlan at gapiin ang mga dayong mananalakay tulad ng ginawa nila laban sa mga pasista noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Kinakailangang isulong ng mga rebolusyonaryo ang sariling linyang rebolusyonaryo upang pukawin, organisahin at pakilusin ang mamamayan. Sa gayon, tiyak nilang tatamasain ang malawak at walang-maliw na suporta ng mamamayan ng buong daigdig.

Komite Sentral
Partido Komunista ng Pilipinas

Pambansang Konseho
Pambansang Demokratikong Prente ng Pilipinas


* Ang �planong pangkapayapaan� ng Rambouillet ay binuo nitong Pebrero 1999 sa ilalim ng direksyon ng US. Itinatakda nito ang pag-aalis ng mga tropa ng Yugoslavia mula sa Kosovo at pagbibigay ng awtonomya rito. Itinatakda rin nito ang pagpupwesto ng mga tropa ng US at NATO doon upang tiyakin ang pagsasakatuparan ng kasunduan. [Back]

 


Previous articleBack to topNext article

04 Marso 1999
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Paghandaan at labanan ang mas maigting pang mga opensibang militar at panunupil pagkatapos palayain ang mga bihag sa digmaan

Paninindigan ng NDFP
Paggalang sa Karapatan ng mga Bihag sa Digmaan

Sa okasyon ng ika-30 anibersaryo ng Bagong Hukbong Bayan
"Labanan ang kaaway hanggang sa tagumpay ng bagong demokratikong rebolusyon!"

Sagisag ng Bagong Hukbong Bayan
Mga Ulat Koresponsal
Pananaig sa konserbatismo at pagsusulong ng armadong pakikibaka sa Gitnang Kabisayaan

Mga Ulat Koresponsal
Pagtalikod Sa Reaksyon, Pagsanib Sa Rebolusyon

Panunupil sa Texas Instruments
Pambubusabos sa mga manggagawa

Panunupil sa Texas Instruments
Pang-aapi sa kababaihan

Ang ICMLPO
Tungo sa pandaigdigang proletaryong pagkakaisa at pagtutulungan

Ang ICMLPO
MGA SIPI

Sosyalistang pagkakaisa?
Ang usapin ng pagkakaisa at ang mga Contra

Sa Ibayong Dagat
Imperyalistang pananalakay sa Balkan Peninsula

Pinagtubuan ang digma
Pahayag
Itigil ang digmang pananalakay ng U.S. at NATO
Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.