Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Kampanyang psywar laban sa BHB, pakana ng CIA

 Read this article in English

Ang kampanyang psywar ng AFP ay naglalayong takpan ang di-mapasusubaliang tagumpay ng Ikalawang Dakilang Kilusang Pagwawasto (IDKP) at ang ibinunga nitong malalaking pagsulong at pagtaas ng prestihiyo ng Partido at rebolusyonaryong kilusan. Iwinaksi ng IDKP ang mga kahibangang pinasimunuan ng mga taksil, at muling pinagtibay ang mga rebolusyonaryong prinsipyo sa pagpapatupad ng rebolusyonaryong hustisya. Kabilang sa mga ito ang pangangailangan sa matapat na pag-alam sa katotohanan, masinop na pagtalima sa mga tuntunin sa ebidensya at paghuhusga batay sa masusing pagsusuri at tiyak na mga ebidensya; pagsunod sa wasto at makatarungang mga proseso sa pag-iimbestiga at paglilitis; pagbibigay sa mga akusado ng pagkakataong maipagtanggol o magtanggol sa sarili; makataong pangangalaga at di pagmamalupit sa mga bihag; at pagrespeto sa buhay at mga karapatang-tao. Gustong palabasin ng kaaway na kabaligtaran ng mga ito ang umiiral.

Isang agresibong kampanyang psywar at paninira laban sa BHB ang kasalukuyang pinagtutuunan ng Special Affairs Group ng AFP sa kumpas ng US Central Intelligence Agency (CIA). Nakatuon ang kampanyang ito sa pagbuhay sa multo ng mga kahibangan ng mga operasyong kontra-paniktik sa loob ng rebolusyonaryong kilusan noong ikalawang hati ng dekada 1980, gayong nasa kanlong ng gubyerno ang mga nagpasimuno nito, kabilang ang mga pangunahing nagpakana ng "Operation Missing Link" (OPML) sa Timog Katagalugan at "Kampanyang Ahos" (Kahos) sa Mindanao. Pangunahing katulong nila sa kampanyang psywar ang mismong mga nagpasimuno ng mga kahibangan, na tumangging magbago at sa halip ay nagtaksil sa reboluyson, mga bayarang ahente nila sa masmidya at mga NGO na pinopondohan ng mga ahensyang US.

Layunin ng kaaway na gibain ang integridad ng Partido at BHB bilang paghahanda sa balak ng US para sa tuwirang agresyon nito laban sa rebolusyonaryong kilusan sa Pilipinas. Pinalalabas nilang isang teroristang grupo ang BHB at sa gayon nararapat na targetin ng kanilang "digmang kontra-terorismo".

Nagluluwal ang naturang kampanya ng kaaway ng mga istoryang kathang-isip at pagbabaluktot sa mga datos. Naglilipat-lipat sila ng mga kalansay ng kung sinu-sinong tao at sa harap ng masmidya ay muling "binubungkal" ang pinagbaunang mga hukay. Pinatalsik na ang mga pasimuno ng kahibangan, subalit patuloy pa ring sinusuhayan ang kasinungalingang nagpapatuloy pa ito sa loob ng rebolusyonaryong kilusan. Maging ang bagong mga pagsasalbeyds at pagbabaon ng mga biktima ng AFP at PNP ay pinalalabas nilang kagagawan ng rebolusyonaryong kilusan.

Nitong unang linggo ng Marso, "nakatagpo" ang Southern Luzon Command ng AFP ng 58 kalansay at 6 na bagong bangkay na ibinaon sa magkakatabing hukay sa Candelaria, Quezon. [Malamang na ang huling anim ay mga biktima ng pagsalbeyds ng AFP kamakailan.] Isinagawa pa ang seremonya ng pagbasbas sa mga kalansay at pagbibigay dito ng "disenteng libing". At upang kumpletuhin ang palabas, pinadalo sa seremonya ang ilang mga nagtaksil sa rebolusyonaryong kilusan at sumuko sa gubyerno, at itinayo ang karatulang "Bantayog ng mga Biktima ng NPA" -- isang malaking kabalintunaan sa harap ng kawalang-respeto at pambababoy na ginagawa ng AFP at PNP sa mga biktima ng kanilang pagsasalbeyds.

Naglubid pa si Lt. Col. Jose Mabanta, tagapagsalita ng Philippine Army, ng pantastikong kwentong sa nakaraang limang taon nakabungkal sila sa paligid ng Bundok Banahaw ng mahigit 200 kalansay ng mga biktima ng pagpatay ng BHB noong dekada 1980. Bukod pa raw ito sa 4,000 mga kasapi ng BHB na pinatay sa nakaraang dekada. Ang pagkawala ng anim na aktibista sa Gitnang Luzon mula noong Pebrero na pinaniniwalaang dinakip ng militar ay malisyosong ibinibintang ng AFP na kagagawan ng rebolusyonaryong kilusan. Bahagi rin ng kampanyang psywar ng CIA ang paglalabas noong huling bahagi ng 2001 ng librong To Suffer Thy Comrades na naglalaman ng mga binaluktot na kwento kaugnay ng OPML. Nagsilbing tagapayo sa paglalabas nito sina Ricardo Reyes at Nathan Quimpo, mga pangunahing responsable sa pagpapatupad ng Kahos sa Mindanao, na tumangging magwasto, tuluyan nang nagtaksil sa kilusan at kasalukuyang kinakanlong ng kaaway. Sangkot din sa proyekto si Joel Rocamora na ahente ng CIA.

 


Previous articleBack to topNext article

Marso 2002
Edisyong Pilipino


Editoryal: Pagkaisahin ang bayan laban sa pagkapapet, kalupitan at korapsyon ng rehimeng Macapagal-Arroyo!
Ilang malaking kaso ng korapsyon sa ilalim ng rehimeng Macapagal-Arroyo
Umiigting at humahantong sa kaguluhan at karahasan ang alitan ng mga reaksyunaryo
Ang panunumbalik: Armadong panghihimasok ng imperyalismong US sa Pilipinas
Kababaihan laban sa Balikatan
Balik-tanaw sa Kasaysayan: Ang digmang agresyon ng US sa Mindanao(1899-1913)
Kampanyang psywar laban sa BHB, pakana ng CIA
Ang propagandang anti-BHB ng AFP
Paninira ng AFP, pinabulaanan ng BHB sa Abra
Mining Act of 1955, epektibong nilalabanan ng mamamayan
Pananalanta ng pasistang estado
Mga pasistang atake laban sa Bayan Muna
Mga salot sa Leyte, pinarusahan ng BHB
Usapang pangkapayapaan, isinaisantabi ng rehimeng Macapagal-Arroyo
Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.