Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Ilang tampok na tagumpay sa paglalahathala ng AB

 Read this article in English

  • 30 buwang tuluy-tuloy na paglalabas ng buwanang isyu ng AB simula Setyembre 2000, bukod pa sa mga espesyal na isyu.

  • Isa sa mga katangi-tanging pahayagan sa Pilipinas na nailalathala sa anim na pangunahing lenggwahe sa bansa (orihinal na Pilipino at salin sa Ingles, Bisaya, Iloko, Hiligaynon at -� simula Mayo 2002 -- Waray). Tanda ito ng kapasyahan ng Partido na ilapit ang AB sa pinakamaraming mambabasa sa lenggwaheng pinakanaiintindihan nila.

  • Mas mabilis na pagpapalaganap ng AB sa pamamagitan ng puspusang paggamit ng internet. Muling binuhay ang website nito noong 2002 matapos itong isabotahe noong Disyembre 2001 sa harap ng ipinatupad na mga paghihigpit sa US.

  • Pinararami sa iba�t ibang kaparaanan. Sa ilang rehiyon, malaganap ang kolektibong pagsisikap ng buong kilusang masa at tulong din ng alyado sa maramihang reproduksyon sa pamamagitan ng mimeograpiyang dekuryente o v-type; ang papel, tinta at iba pang pangangailangan ay madalas napasusulpot sa tulong din ng masa at mga alyado. Bukod sa pangangalap ng materyal na donasyon, sa marami-raming lokalidad ay nagiging mainam na kalakaran na ang pagbabayad ng mga mambabasa sa kopya ng AB para masustini at mas mapalaki pa ang sirkulasyon ng pahayagan. Sa iba�t ibang rehiyon ay gumagamit din ng mas makabagong paraan tulad ng offset, digital duplicator, photocopier, computer printer at iba pa.

  • Naipamamahagi nang mahigit sa tig-iisa bawat kasapi ng Partido sa pambansang abereyds. Sa ilan, umaabot nang mahigit 10 bawat kasapi. May antas ng paglaganap ng sistema ng distribusyon na dumadaloy at tumatagos hanggang sa mga liblib na sityo sa kanayunan.

 


Previous articleBack to topNext article

07 Marso 2003
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Agresyong US, BIGUIN

Mula sa Komite Sentral
AB, dalawang beses bawat buwan

Usapang pangkapayapaan, ibinasura na ng GRP
Gerilyang digma laban sa AFP, inilunsad ng MILF
Ilang tampok na tagumpay sa paglalahathala ng AB
Lumalaking sagka
Pandaigdigang pagtutol sa gera
100,000, nagrali sa Luneta
Galamay ng US
Matatagumpay na opensiba ng BHB:
Sunud-sunod na mga opensiba, inilunsad ngayong Pebrero

Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.