Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Editoryal:
Labanan ang walang habas na pananalanta sa kagubatan at kapaligiran

 Read this article in English

Higit na nakararami sa mga biktima ng mga biglaang pagbaha at pagguho ng lupa kamakailan ay hindi naaabot ng ayuda ng rehimeng Arroyo. Kakarampot lamang sa daan-daang libong biktima ang naambunan ng kaunting damit, noodles at delata. Gayon na lamang kung ibando ng rehimen ang relief operations nito, ngunit sa katunaya�y barya-barya lamang ang inilalaan nito para sa rehabilitasyon ng mga nasalanta. Pinasasahol pa ito ng iresponsibilidad at pagbabangayan ng mga burukrata ng reaksyunaryong gubyerno.

Ngunit higit sa kabiguan nitong tumugon sa mga pangangailangan ng mga biktima ng kalamidad, ang mas malaking krimen ng rehimeng Arroyo ay ang patuloy nitong pagtataguyod sa walang habas na pananalasa ng mga dambuhalang kumpanya ng troso at pagminang pag-aari ng malalaking burges kumprador, burukrata at dayuhang kapitalista.

Upang pahupain ang masidhing galit ng publiko sa malawakang pagkalbo sa kagubatan, iniutos ni Arroyo noong Disyembre 4 ang suspensyon ng lahat ng pagtotroso. Subalit binawi niya rin ito makalipas ang tatlong araw sa pamamagitan ng isang �kautusang nagpapahintulot sa mga pribadong plantasyon na patuloy na makapagputol ng troso.�

Hinirang niya si Gen. Victor Corpus, dating hepe ng Intelligence Service of the AFP, bilang pinuno ng isang ahensyang mangangasiwa sa reforestation, bukod sa iba pang tungkulin. Ngunit ang pagtatalaga kay Corpus ay mas nakatuon sa �counterinsurgency� kaysa pangangalaga sa kagubatan. Noong maagang bahagi ng dekada 1990, inilunsad ni Corpus ang Task Force Greening Panay na nagsilbi lamang sa mga kontra-rebolusyonaryong operasyong militar at pangangamkam ng lupa.

Walang intensyon ang reaksyunaryong rehimeng Arroyo na seryosong harapin ang pinakamalalaking dahilan ng malawakang pagkaubos ng kagubatan at pagkasira ng kalikasan: ang walang pakundangan at malakihang pagtotroso at pagmimina. Bagkus, buong-sigasig pa nga nitong sinusuportahan ang industriya ng troso at pagmimina sa pamamagitan ng pag-akit sa mga dayuhang kapitalista at malalaking burges na mamumuhunan sa pamamagitan ng liberalisasyon sa operasyon, pagmamay-ari at negosyo ng mga kumpanya ng troso at pagmimina.

Pinahihintulutan ng rehimeng Arroyo ang mga mandarambong na ito na buong-layang gahasain ang kapaligiran ng Pilipinas.

Dagdag dito, itinotodo ng rehimeng Arroyo ang implementasyon ng 1995 Philippine Mining Act.

Ineengganyo ng Mining Act ang ibayo pang pagkaubos ng kagubatan sa pagbibigay-pahintulot sa malalaking kumpanya na maghawan ng malalawak na kagubatan para sa konstruksyon ng mga kalsada at tunnel at iba pa nilang pangangailangan. Ang mga ito'y hindi obligadong sumailalim sa ebalwasyon sa pinsalang maaaring idulot ng kanilang operasyon sa kalikasan. Pinahihintulutan ang mga dayuhan na magmay-ari ng 100% ng mga kumpanya sa pagmimina at mag-uwi ng 100% ng kanilang tubo.

Ni bahagya�y hindi ikinababahala ng mga imperyalista at mga lokal nilang kasabwat ang pagkaubos ng ating kagubatan, pagkasira ng kalikasan, at ang kapahamakan ng ating mamamayan. Ang tangi nilang iniintindi ay kung paano makatatangay ng supertubo mula sa likas na kayamanan ng bansa. Mula 1972 hanggang 1988, tinatayang kumita ng $42.85-52 bilyon ang mga konsesyon sa pagtotroso.

Ginagamit nila ang burukrasya at ang militar sa aktibong pagsusulong ng kanilang interes. Nakikipagkutsaba ang malalaking kumprador-kapitalista, burukrata kapitalista, sindikato sa ismagling at matataas na upisyal militar sa mga imperyalistang Amerikano at Hapones sa walang habas na pagkalbo sa kagubatan. Ginagawa nila ito sa basbas ng gubyerno at nang walang anumang malasakit sa pambansang patrimonya ng sambayanang Pilipino.

Nakapagbubulsa ng limpak-limpak ang mga burukrata kapitalista sa pagtanggap ng suhol mula sa malalaking kumpanya ng troso. Tuwiran naman silang kumikita sa operasyon ng kani-kanyang sariling kumpanya sa pagtotroso. Malaking bahagi ng kayamanan ng mga pulitiko at warlord ay nagmumula sa pagtotroso.

Ang pinakamatataas na upisyal ng AFP at PNP, gayundin ang mga taga-Malaca�ang, ay kumakamal sa pagtotroso, bukod pa sa pagtutulak ng bawal na gamot, iligal na pasugal at iba pang krimen.

Ginagamit din ang militar at pulisya para hawanin ang daan para sa operasyon ng mga kumpanya ng troso at pagmimina. Niyuyurakan nila ang mga pampulitika, pang-ekonomya at pangkulturang karapatan ng mamamayan upang supilin ang paglaban.

Madalas, kasabwat ang mga upisyal ng DENR, kunwa�y kinukumpiska ng militar at pulisya ang mga iligal na troso para bigyan ito ng ligal na prente habang ibinabyahe patungo sa mga bibili nito.

Ang lumulubhang krisis pangkapaligiran ay bahagi ng lumalalim na palagiang krisis ng naghaharing sistemang malakolonyal at malapyudal. Ang pangunahing hinahagupit ng krisis na ito ay ang masang magsasaka, mangingisda at mga pambansang minorya sa kanayunan.

Ang pagkasira ng kapaligiran at likas na kayamanan ng Pilipinas ay lulubha pa habang lumalala ang krisis ng naghaharing sistema. Patuloy na pumapalya ang lokal na produksyong industriyal at agrikultural habang patuloy na umaasa ang reaksyunaryong estado sa dayuhang pamumuhunan para pasikarin ang produksyon. Malawakang nasisira ang mga lokal na produktibong pwersa habang hinahambalos ng krisis ng pandaigdigang sistemang kapitalista ang lokal na ekonomya.

Muling tumatampok ang pagkaatrasado ng malakolonyal at malapyudal na ekonomya habang malawakang winawasak ng mga lokal na nagsasamantalang uri ang mga nalalabing prontera ng pambansang patrimonya ng Pilipinas. Ang desperasyong ito ay humahantong sa todo-todong liberalisasyon ng mga patakaran kaugnay ng operasyon ng mga kumpanya ng troso at pagmimina at ng tahasang pandarambong sa kaunting nalalabing yamang gubat at mineral.

Sa harap ng mga patakaran ng rehimeng Arroyo para pag-ibayuhin ang pagtotroso at pagmimina at ng ganap na kawalang-malasakit nito sa kapaligiran, muling ipinapahayag ng Partido Komunista ng Pilipinas at ng buong rebolusyonaryong kilusan ang kanilang paninindigang labanan ang pandarambong sa pambansang patrimonya ng sambayanang Pilipino.

Ang pinakamahalagang elemento ng pakikibakang ito ay ang kolektibong pakikibaka ng mamamayan at ang kanilang mapagpasyang pagtutol sa pagtotroso at pagmiminang nagsasapanganib sa kanilang kapaligiran, kabuhayan at buhay.

Pagsisikapan ng PKP at mga rebolusyonaryong pwersa na itaas ang pag-unawa ng mamamayan sa kasaysayan ng pandarambong at paggahasa ng malalaking kumpanyang dayuhan at malalaking lokal na kumprador sa kagubatan ng Pilipinas, gayundin sa pananagutan ng rehimeng Arroyo sa pagpapatuloy ng sistematikong pananalasa sa kapaligiran. Pag-iibayuhin ng PKP ang pagsisikap na organisahin ang mamamayan at tulungan sila sa paglaban sa hungkag na reforestation program ng reaksyunaryong rehimen gayundin sa panibagong kampanya para pabweluhin ang pagmimina.

Saan man kakayanin, hahadlangan ng BHB ang pagpasok ng mga kumpanya ng troso o di kaya�y mahigpit silang pasusunurin sa mga batas ng rebolusyonaryong gubyernong bayan upang masiguro ang interes ng masa sa lokalidad at ang makatwirang paggamit sa mga yamang gubat. Kagaya ng dati, sisikapin nitong parusahan ang sinumang yuyurak sa interes ng mamamayan, sisira sa kapaligiran at lalabag sa mga batas ng demokratikong gubyernong bayan.

 


Previous articleBack to topNext article

21 Disyembre 2004
Edisyong Pilipino


Deklarasyon ng tigil-putukan
Doble-karang pakana
Editoryal:
Labanan ang walang habas na pananalanta sa kagubatan at kapaligiran
Ang DENR at ang pagtotroso
Ang kasaysayan ng pagwasak sa kagubatan ng Pilipinas
Mga pakikibaka laban sa pagtotroso
Ang rebolusyonaryong kilusan laban sa pagtotroso
Trahedya sa Aurora
Kilusang masa laban sa pagtotroso sa Aurora
Mining Act of 1995:
Salot sa mamamayang Pilipino

Matatagumpay na opensiba ng BHB
Sunud-sunod na opensiba sa Central Luzon

Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.