![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Patawid-tawid sila sa mga larangan at sonang gerilya�sukbit ang tungkuling palaganapin at itaguyod ang rebolusyonaryong kultura sa Timog Katagalugan. Pinalalaganap nila ang iba't ibang anyo ng likhang sining at akdang pampanitikan tulad ng musika, pag-arte't pagtatanghal, siningbiswal, tula, dula at iba pa. Sila ang mga kadre at aktibistang pangkulturang bumubuo sa iskwad-pangkultura ng Timog Katagalugan. Binuo ng pamunuan ng Partido sa rehiyon ang iskwad-pangkultura noong 1997 sa pagtugon sa mahigpit na pangangailangang isulong ang rebolusyonaryong gawain sa kultura kasabay ng iba pang mga gawain. Ito rin ay pagtalima sa hamong linangin at hubugin bilang isang hukbong pangkultura ang Pulang hukbo ng mamamayan. Sa loob ng balangkas ng hukbong bayan, tumatayong detatsment ng Artista at Manunulat ng Sambayanan (ARMAS) sa Timog Katagalugan itong iskwad-pangkultura. Mahalaga ang papel ng iskwad-pangkultura sa ibayo pang pagkokonsolida ng mga organisasyong masa at mga yunit ng hukbo sa Timog Katagalugan. Nakasaad sa kanilang mga tungkulin ang pagtulong sa pagbubuo at pagpapasigla ng mga komite sa kultura at balangay ng ARMAS sa loob ng hukbong bayan at ng mga komite sa kultura sa mga kinokonsolidang baryo. Sa kanilang pagikot sa iba't ibang larangan at sonang gerilya kung saan nagsasagawa sila ng gawaing masa, naglulunsad sila ng mga pag-aaral at treyning upang paunlarin ang kakayahan sa sining at panitikan ng mga aktibista sa lokalidad at mga mandirigma ng BHB. Inilalathala rin ng iskwad ang Dagitab, ang panrehiyong magasing pangkultura ng Timog Katagalugan. Masinop nilang kinakalap at iniipon ang mga kontribusyong likha ng masa't mga kasama tulad ng mga tula, sanaysay, kwento, awit at dibuho. Nailathala sa mga isyu ng Dagitab ang mga produkto ng mga pagsasanay sa iba't ibang larangang gerilya. Pinangasiwaan ng iskwad ang paglalabas ng dalawang teyp na kalipunan ng mga rebolusyonaryong awitin; ang "Dakilang Hamon"(1997) at ang "Alab ng Digmang Bayan" (1999). Naging instrumento ang mga teyp na ito sa pagpapalaganap ng mga rebolusyonaryong awitin hindi lamang sa loob ng Timog Katagalugan kundi pati sa iba pang rehiyon. Pinangungunahan din ng iskwad-pangkultura ang mga pagtatanghal sa mga okasyong tulad ng anibersaryo ng Partido at ng BHB at iba pang piling mga okasyon. May pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan ito sa ilang progresibong grupong pangkultura sa kalunsuran. Nakikitang malugod na tinatangkilik ng masa at mga kasama sa rehiyon ang mga pagsisikap na isulong at isabuhay sa araw-araw na pakikibaka ang pambansa, syentipiko at makamasang kultura. Tinatanaw na sa sustenidong paggampan ng mga gawaing pangkultura ay ibayo pang makokonsolida at mabubuo ang pagkakaisa ng malawak na masa ng sambayanan at ng hukbong bayan. ![]()
| ||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|