|
Inosente ang karamihan
Sa mahigit 400 bilanggo sa Camp Bagong Diwa, 129 ang suspetsadong kasapi ng Abu Sayyaf. Pitumpu't tatlo (73) sa 129 ay inosente at iligal na inaresto sa Basilan noong 2001 nang ideklara ni Pres. Gloria Arroyo ang "state of lawlessness" sa lugar.
Noong Hulyo 26, 2001, naglabas ng memorandum ang Commission on Human Rights na nagsasabing pawang mga sibilyan ang 73 at iligal ang pang-aaresto sa kanila. Idineklara ring iligal ang pang-aaresto sa imbestigasyong isinagawa ng Kongreso at Senado. Subalit hanggang sa kasalukuyan ay nakapiit pa rin ang Basilan 73.
Katawa-tawa ang dahilan ng militar sa pagdakip sa Basilan 73. Isang halimbawa ang halos pagkakapareho ng kanilang pangalan sa mga kilalang kasapi ng Abu Sayyaf. Halimbawa, hinuli ang inosenteng si Abdulla Yusuf dahil ayon sa militar siya raw si Abdula Mulong na myembro umano ng Abu Sayyaf.
Maraming iba pang inosenteng nadagdag sa 73. Kabilang sa kanila ang ilang menor-de-edad. Isa sa kanila ang nawala sa tamang pag-iisip bunga ng tortyur na naranasan sa kamay ng militar.
![](../../angbayan/images/textend3.gif)
|
|
![](../../angbayan/images/ab_banne-2.gif) 07 Abril 2005 Edisyong Pilipino
|
|
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.
AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.
Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here. |
|