Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Tumitinding panunupil:
Humahabang listahan ng mga biktima

 Read this article in English

Si Benjaline Hernandez ang namumuno sa tsapter ng College Editors Guild of the Philippines sa Timog Mindanao nang patayin siya ng mga elemento ng 12th Special Forces ng Philippine Army noong Abril 2002 sa North Cotabato. Nananaliksik siya noon hinggil sa mga pang-aabusong militar. Pinawalang-sala na ng gubyerno ang mga responsable sa kanyang pagkamatay. Si Edgar Damalerio ay komentarista sa radyo at editor ng lingguhang Zamboanga Scribe nang barilin siya noong Mayo 2002 ng isang upisyal ng pulis. Nananatiling malaya ang upisyal mula nang makatakas ito. Binaril naman noong Agosto 2002 si Sonny Alcantara pagkatapos nitong batikusin ang isang lokal na upisyal sa San Pablo, Laguna. Wala pang kinahihinatnan ang kanyang kaso.

Nitong 2003 ay apat na beses na nanawagan ang International Federation of Journalists (IFJ) kay Arroyo na bigyan ng katarungan ang pagpatay sa mga mamamahayag sa bansa subalit nagbingi-bingihan lamang si Arroyo. Tinukoy ng IFJ ang pagpatay nitong Agosto 20 kay Rico Ramirez, reporter, cameraman at spinner ng DXSF, isang istasyon ng radyo sa San Francisco, Agusan del Sur. Kilala si Ramirez sa kanyang matitinding batikos laban sa krimen at mga sindikato ng droga sa kanilang lugar. Natagpuan siyang nakahandusay at nag-aagaw-buhay ilandaang metro lamang mula sa pinagtatrabahuan niyang istasyon. Dalawang araw bago ito, pinatay naman si Noel Villarante, isang komentarista sa radyo sa Laguna na kilala rin sa kanyang maririing pagbatikos sa mga anomalya. Noong Hulyo 8, kasabay ng inagurasyon ng Garden of Heaven Memorial Park sa La Paz, Tarlac, pinatay si Bonifacio Gregorio, kolumnista ng Dyaryo Banat ng Tarlac. Kabilang sa matindi niyang binatikos sa pahayagan ang korapsyon sa gubyerno, negosyo sa droga at iligal na kumbersyon ng mga bukirin ng mga magsasaka para gawing komersyal na memorial park. Pag-aari ng meyor ng La Paz ang naturang memorial park. Noong Abril 28, pinatay sa Camalig, Albay ang progresibo at matapang na brodkaster na si Johnny Villanueva Jr.

 


Previous articleBack to topNext article

21 Setyembre 2003
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Palakasin ang kilusang protesta laban sa korapsyon at rehimeng US-Arroyo

Ang mga haharapin ni Macapagal-Arroyo bago ang eleksyong 2004
GMA: Desperadong kumakapit sa poder
Tumitindi ang panunupil sa pamamahayag
Tumitinding panunupil:
Humahabang listahan ng mga biktima
Paikut-ikot
Ka Amado V. Hernandez:
Komunista, lider manggagawa, makata, nobelista at peryodista

Sa Ibayong Dagat:
Pulong ng WTO sa Cancun, bagsak

Sa Ibayong Dagat:
Mga protesta laban sa adyenda sa Cancun, tagumpay

Matatagumpay na opensiba ng BHB:
Tampok na mga opensiba

Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.