Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Kinukundena ng NDFP ang "teroristang" bansag ng US sa PKP, BHB at kay Jose Ma. Sison

 Read this article in English

Pahayag ng Pambansang Komiteng
Tagapagpaganap ng NDFP
21 Setyembre 2002

Mariing kinukundena ng National Democratic Front of the Philippines ang United States sa pagturing nito sa Partido Komunista ng Pilipinas at Bagong Hukbong Bayan bilang mga "foreign terrorist organization" at kay Kasamang Jose Maria Sison bilang "terorista". Ang hakbanging ito ay bahagi ng plano ng US na palalimin ang panghihimasok militar nito sa bansa sa harap ng pagpapanibagong-lakas ng armadong rebolusyonaryong kilusan para sa tunay na pambansang kalayaan at demokrasya.

Matapos isangkalan ang Abu Sayyaf para direktang lumahok sa mga operasyong pangkombat, itinututok ngayon ng US ang mga baril nito sa mga rebolusyonaryong pwersa tulad ng PKP at BHB pati na sa mga makabayang tulad ni Kasamang Sison dahil sa kanilang mahigpit na pagtutol sa matagal nang paghahari ng US sa bansa.

Pinag-iinitan ng US si Kasamang Sison. Iginiit nito sa gubyernong Dutch na ipitin ang kanyang ari-arian�na agad namang pinaunlakan ng gubyernong Dutch. Binabantaan siya ngayon ng ekstradisyon at ng di makataong pagtratong ginagawa sa mga "teroristang" nakapiit ngayon sa US.

Nararapat ding kundenahin ang papet na presidenteng si Macapagal-Arroyo. Mula nang tumungo ito sa US noong Nobyembre ng nakaraang taon, ganadong-ganadong sumayaw si Macapagal-Arroyo sa saliw ng "gerang kontra-terorismo" ni Bush. Ang deklarasyon niya ng "all-out war" laban sa NPA noong Agosto ay bahagi ng iskrip na inihanda ni US State Secretary na si Gen. Colin Powell, na ilang araw makalipas ay nagdeklara na ang PKP at NPA ay itinuturing na mga "foreign terrorist organization." Tuwang-tuwang nagpalakpakan sina Macapagal-Arroyo at ang kanyang mga maka-US na heneral nang sumunod sa US ang gubyernong Dutch sa pagtrato kay Sison bilang "terorista".

Lubos na nababahala ang NDF sa pakikipagtulungan ng gubyernong Dutch sa US sa pag-usig kay Kasamang Sison. Inipit nito ang kanyang personal na bank account na walang laman kundi pensyong social welfare, na magkakait sa kanya kahit ng kanyang saligang mga pangangailangan. Naiulat na ibinaba na ang kanyang istatus mula sa pagiging political refugee, isang hakbang tungo sa pagturing sa kanya bilang kriminal.

Ang apila ni Kasamang Sison sa European Court on Human Rights na baligtarin ang desisyon ng gubyernong Dutch na pagkaitan siya ng permisong manirahan sa The Netherlands ay nanganganib ngayon bunga ng pagtitibay ng European Union ng sarili nitong mga hakbanging "anti-terorista". Noong Hulyo 15, 2002, pinagtibay ng mga kinatawan ng mga Minister of Foreign Affairs ang isang tangkas ng mga alituntunin sa mga karapatang-tao at paglaban sa terorismo, na katulad ng Patriot Act sa US ay lubhang sumisikil sa mga karapatang sibil.

Hindi terorista si Kasamang Sison. Batid ng publiko ang kanyang buhay bilang isang aktibista mula pa noong siya�y estudyante. Tampok ang ginampanan niyang papel sa mga malawakang protesta laban sa digmang agresyon ng US sa Vietnam. Siya�y matalas na kritiko ng imperyalistang globalisasyon at ng "gerang kontra-terorismo" ng US. Inamin na niyang siya ang tagapagtatag ng PKP. Mula sa pagiging isang bilanggong pulitikal sa ilalim ng pasistang rehimeng Marcos na sinuportahan ng US, siya�y tumungo noong 1987 sa The Netherlands at nanatili doon. Mula 1992 ay itinuring siyang political refugee ng Raad van State, ang pinakamataas nga korteng administratibong Dutch.

Noong 1991, nagsimula siyang magsilbing senior political consultant ng panel ng NDFP sa pakikipagnegosasyong pangkapayapaan sa Gubyerno ng Republika ng Pilipinas, na ang kalakha�y idinaos sa The Netherlands, Belgium at kamakailan, sa Norway. Napakalaki ng tulong niya sa negosasyong pangkapayapaan na nagbunga sa sampung kasunduan, na ang pinakamakabuluha�y ang The Hague Joint Declaration at ang Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law. Mahusay din niyang natulungan ang muling pagbubukas ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gubyerno ni Macapagal-Arroyo at ng NDFP noong maagang bahagi ng nakaraang taon.

Si Kasamang Sison ay isa sa pinakaunang mga kritiko ng bulok at walang kakayahang rehimeng Estrada at isang kinikilalang tinig sa malawak na kilusang masang humantong sa pagpapatalsik kay Estrada. Si Macapagal-Arroyo, na huli nang sumakay sa kilusang iyon, ay sinwerte lamang na maging konstitusyunal na panghalili sa pinatalsik na presidente.

Si Joema, na siyang magiliw na tawag sa kanya, ay isang tunay na makabayan. Marapat siyang suportahan ng mamamayang Pilipino at ng mamamayan ng buong mundo na tunay na nagmamahal sa pambansang kalayaan at demokrasya at marunong kumilala sa mga kasinungalingan at panlilinlang ng "gerang kontra-terorismo" ng US sa pagpapalawak ng dominasyon nito sa mundo.

 


Previous articleBack to topNext article

22 Setyembre 2002
Edisyong Pilipino


Kinukundena ng Partido Komunista ng Pilipinas ang mga pakana ng US upang ikriminalisa at usigin bilang mga "terorista" ang PKP-BHB, si Kasamang Sison at iba pang lehitimong mga rebolusyonaryo at progresibo!
Maikling kronolohiya
Kinukundena ng NDFP ang "teroristang" bansag ng US sa PKP, BHB at kay Jose Ma. Sison
TUTULAN ANG PANGGIGIPIT KAY KA JOEMA SISON!
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.