Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Hindi magdedeklara ng tigil-putukan ang BHB ngayong Kapaskuhan

 Read this article in English

Hindi katulad sa nakaraang mga taon, hindi magdedeklara ng tigil-putukan ang Bagong Hukbong Bayan ngayong Kapaskuhan, alinsunod sa kapasyahan ng pamunuan ng Partido Komunista ng Pilipinas at ng BHB.

Sa halip, inaatasan ang lahat ng yunit ng hukbong bayan na ipagpatuloy at ibayo pang paigtingin ang mga taktikal na opensiba laban sa rehimeng US-Estrada bilang tugon sa malawakang panawagan ng mamamayan na paigtingin ang lahat ng anyo ng pakikibaka upang wakasan ang kinamumuhiang gubyerno. Hindi magdedeklara ng tigil-putukan ang BHB upang pagkaitan si Estrada ng pagkakataong makakuha ng tyempo at ituon ang pwersa ng AFP-PNP sa pagsalakay at pagpinsala sa milyun-milyong mamamayang lumalaban sa patuloy na paghahari ng kanyang bulok na gubyerno.

Alinsunod sa kapasyahan ng pamunuan ng Partido at BHB, inaatasan ang lahat ng yunit ng hukbong bayan na:

  1. ipagpatuloy ang pagpapaigting ng mga regular at espesyal na taktikal na opensiba sa abot ng makakaya;
  2. bigyan ng partikular na pansin ang mga operasyon para papanagutin ang mga pinakamalaki at pinakamasahol na mandarambong, mang-aapi at manghuhuthot sa sambayanan;
  3. pag-ibayuhin ang pagmamatyag laban sa mga panlalansi at pagsalakay ng AFP-PNP-CAFGU at matatag na labanan ang mga ito.

Ang hakbang na ito ay bilang pagtanggi rin ng mga rebolusyonaryong pwersa na magpakasangkapan sa panlilinlang sa mamamayan nina Estrada at Mercado na nagdedeklara sa publiko ng SOMO habang nag-uutos sa kanilang mga tauhan ng pagpapatindi ng pananalakay ng AFP-PNP-CAFGU sa rebolusyonaryong kilusan at mamamayan laluna sa kanayunan, katulad ng nangyari noong 1998 at 1999.

Hindi rin dapat kalimutan na pinirmahan ni Estrada ang CARHRIHL (Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law) noong 1998 para lamang ito�y ibasura kapagdaka upang walang hadlang na isakatuparan ang pasistang Oplan Makabayan at Oplan Pisces.

Sa nakaraang mahigit dalawang taon, walang kaabug-abog ang gubyernong Estrada sa pagyurak sa mga karapatang-tao at mga pandaigdigang alituntunin sa digma. Kabilang dito ang pagsasakatuparan ng walang habas na pambobomba sa mga sentro ng populasyon, pwersahang pagpapalikas ng umaabot na sa isang milyong mamamayan sa Mindanao at Timog Katagalugan, iligal na pang-aaresto, pambibimbin o pagkukulong, pagsalbeyds sa mga di armadong mamamayan, paglabag sa mga karapatan ng mga bihag ng digma katulad ni Kasamang Armando Pitao at pagpaslang sa mga hors de combat. Wala rin itong isinasagawang hakbang upang mahusay na iproseso ang pagpapalaya sa mga tauhan nitong bihag ng digma katulad nina Army Maj. Noel Buan at P/Chief Insp. Abelardo Martin.

Ang kapasyahang hindi magdeklara ng tigil-putukan ngayong Kapaskuhan at patuloy na magdulot ng mga armadong bigwas laban sa pasistang rehimen ay ikinasasaya ng mamamayan sa kanayunan. Binibigyan nito ng dahilan ang mamamayan na magdiwang ngayong Kapaskuhan sa kabila ng pananatili sa poder ng gubyernong Estrada.

 


 Back to top 

04 Disyembre 2000
Edisyong Pilipino


Hindi magdedeklara ng tigil-putukan ang BHB ngayong Kapaskuhan
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.