![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Isang malaking bigwas sa ekonomya ng imperyalismong US ang sunud-sunod na pagkabangkrap ng malalaking korporasyon mula pa noong nakaraang taon. Tinatayang $37 bilyon-$42 bilyon ang mawawala sa US ngayong taon bunga ng mga ito. Kamakailan, nagdeklara ng pagkabangkrap ang World Com., ang pinakamalaking kumpanyang nalugi sa kasaysayan ng US. Ibayo nitong inilantad ang artipisyal na paglago ng ekonomya ng US na nakaangkla sa pinalobong halaga ng mga sapi sa stock market (pamilihan ng mga sapi) at ang likas na kasibaan at kabulukan ng sistemang kapitalista sa kalahatan. (Tingnan ang kaugnay na artikulo sa AB Hulyo 2002.) Bukod rito, pinatingkad rin ng naturang mga kaso ang malaon nang bulok, parasitiko at konspiratoryal na mga kalakaran ng monopolyo kapitalismo at ang pagkakasangkot at pagkunsinti ng matataas na upisyal ng gubyernong US rito. Kabilang sa pinakamatitingkad na kaso ang insider trading ni Bush noong 1990, nang dali-dali niyang ibinenta ang mga sapi niyang nagkakahalaga ng halos $339,424 sa Harken Energy Corp. � walong araw bago magulat ang kumpanya na nalugi ito nang $24 milyon. Ipinagbabawal ng batas ang insider trading o ang pagbebenta at pamimili ng mga sapi para sa sariling kapakinabangan batay sa panloob na impormasyong nakalingid sa publiko. Matingkad rin ang kaso ni Bise Pres. Richard Cheney sa Halliburton, isang kumpanya ng langis na pinamunuan niya mula 1995 hanggang 2000. Siya ang naging pinakaresponsable sa pagpapalobo ng tubo ng Halliburton nang mahigit $400 milyon para artipisyal na palakihin ang halaga ng mga sapi sa kumpanya.
Upang pahupain ang ligalig sa sistema na dala ng mga iskandalo, salagin ang mga batikos sa kanyang administrasyon at pagtakpan ang sariling anomalya, naitulak si Bush na ipokritong umasta laban sa mga katiwalian ng malalaking negosyo. Subalit ang kaya lamang niyang gawin ay pabalat-bungang kastiguhin ang �masasamang iilan� at palawigin nang hanggang 10 taon ang pagkabilanggo ng sinumang mapatutunayang nagkasala. Habang isinasagawa ang mga imbestigasyon at pagsasampa ng kaso sa ilang sangkot sa mga anomalya, ang ilan namang malapit kay Bush ay patuloy na nakikinabang sa kanyang proteksyon. Kabilang dito si Thomas White na sangkot sa kaso ng Enron ngunit pinananatili sa gabineteng Bush bilang kalihim ng Department of the Army. Bilang isang upisyal noon ng Enron, dinoktor ni White ang mga libro ng pinamumunuan niyang departamento upang palabasing kumita ito ng $500 milyon. Ibinenta niya ang kanyang mga saping nagkakahalaga ng $12 milyon bago lumitaw ang katotohanan at lumubog ang kumpanya. Dulot ng pagkabangkrap ng mga kumpanya at mga iskandalong ibinunsod nito, ilang buwan nang nagbabagsakan ang halaga ng mga sapi ng halos lahat ng mga kumpanya sa stock market ng US at maraming mamumuhunan ang umiiwas ngayong tumaya rito. Pinangangambahan ng maraming kumpanya ang pagsingaw ng iba pang anomalya, lalupa�t naobliga ang Arthur Andersen (kumpanya sa pagkukwenta na nasangkot sa pinakamalalaki sa mga anomalyang ito) na isumite para sa imbestigasyon ang mga kwenta ng halos 1,000 kumpanyang inaawdit nito. Nagkukumahog din ang maraming korporasyon na isaayos ang kanilang mga rekord sa pinansya at maglabas ng panibagong deklarasyon ng kita sa nakaraang limang taon. Kasabay nito�y lumalakas ang panawagan ng mamamayang Amerikano na parusahan ang mga nagkasalang upisyal at magbigay ng karampatang kumpensasyon sa mga nabiktima. ![]()
| |||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|