Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Matagumpay na opensiba ng BHB:
Armadong pagkikibaka, patuloy na sumusulong

 Read this article in English

Patuloy na umaani ng maniningning na tagumpay ang Bagong Hukbong Bayan (BHB). Ang mga tagumpay na ito ay akmang tugon sa panawagan ng PKP na itaas ang antas ng digmang bayan.

Albay. Matagumpay na tinambangan ng isang platun ng BHB sa ilalim ng Santos Binamera Command ang mga tropa ng Alpha Coy, 22nd IB ng Philippine Army sa Barangay Pinamaniquian, Ligao City noong umaga ng Abril 17. Nasamsam ng mga Pulang mandirigma ang anim na matataas na kalibreng baril. Lima ang nalipol kabilang ang isang Sarhento, dalawang korporal at dalawang karaniwang sundalo. Siyam na sundalo ang sugatan kabilang ang kanilang kumander na si 1Lt. Vladimir Sta. Maria. Walang anumang pinsalang tinamo ang BHB.

Pampanga. Matagumpay na sinalakay ng mga Pulang mandirigmang sakay ng isang trak ang Kababayan Center ng PNP sa Barangay San Antonio, Arayat noong gabi ng Abril 11. Dalawa ang napatay at sugatan ang isang pulis at isang CAFGU. Kinumpiska ang kanilang tatlong ripleng M-14 at isang M-16.

Sa unang bugso ng mga putok tinamaan kaagad ang isang CAFGU at napatay. Tumangkang lumaban ang mga nabiglang kaaway ngunit madali silang nagapi at napasok ang detatsment. Sa kasamaang palad, nahagip ng bala at napatay ang isang sibilyang nakikipanood ng telebisyon sa detatsment.

 


Previous articleBack to topNext article

21 Abril 2003
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Biguin ang pagpataw ng US ng imperyalistang kapangyarihan sa buong daigdig

Mga aral sa 12 taong imperyalistang kampanya ng paglupig sa Iraq
Ang pagpataw ng bagong "Pax Americana"
Denasyunalisasyon, pribatisasyon at pandarambong sa ngalan ng "rekonstruksyon"
Pista ng mga bwitre
Sa ika-30 anibersaryo ng pagkakatatag
NDF: Di magigibang moog ng pakikibaka ng sambayanang Pilipino

Mga Ulat Koresponsal:
Lumalakas ang BHB sa Mindanao

Matagumpay na opensiba ng BHB:
Aktibong depensa sa Bulacan

Matagumpay na opensiba ng BHB:
Armadong pagkikibaka, patuloy na sumusulong
Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.