Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Mga balita sa pakikibaka

 Read this article in English

MUNISIPYO SA NUEVA VIZCAYA, SINALAKAY

Pitong M16, dalawang M14, dalawang 9 mm na pistola, isang .45 at maraming kagamitang pangkomunikasyon ang nasamsam ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa inilunsad nitong reyd sa munisipyo ng Santa Fe, Nueva Vizcaya bandang tanghali nitong Disyembre 23.

Nakapasok sa munisipyo ang isang platun ng mga Pulang mandirigma sa pamamagitan ng panlalansi. Nagkaroon ng ilang minutong labanan sa pagitan ng BHB at limang pulis na tumatao sa hedkwarters ng PNP sa Santa Fe na nagresulta sa pagkamatay ng isang pulis at pagkasugat ng hepeng pulis na si P/Insp. Narciso Paragas.

8 ARMAS NASAMSAM SA REYD SA QUEZON

Anim na M16 at isang pistolang Llama ang nakumpiska nang salakayin ng mga Pulang mandirigma ng BHB ang istasyon ng pulisya at munisipyo ng Agdangan, Quezon nitong Disyembre 5. Nasamsam din mula sa walang-putok na reyd ang isang VHF radio, isang UHF radio at 700 bala na iba�t ibang kalibre.

Samantala, nireyd ng isa pang tim ng BHB ang bahay ng isang retiradong sundalo na malapit sa istasyon ng pulis at kinumpiska ang kanyang .45 na pistola. Ang mga sumalakay na Pulang mandirigma ay lulan ng dalawang dump truck.

DETATSMENT NG PULIS SA PALAWAN, NIREYD

Isang reyd ang inilunsad ng BHB laban sa detatsment ng PNP sa Puerto Princesa, Palawan nitong Disyembre 26 ng umaga. Ang detatsment na binabantayan ng isang pulis ay nasamsaman ng mga Pulang mandirigma ng isang M16, isang 9 mm at mga bala.

SERYE NG PAGPAPARUSA, INILUNSAD Apat na operasyong pagpaparusa ang inilunsad ng BHB sa Laguna, Mindoro at Tarlac ngayong Disyembre.

Sa Laguna, pinarusahan ng mga Pulang mandirigma nitong Disyembre 17 si SPO3 Francisco Garcia, deputy police chief ng Mabitac. Papunta si Garcia sa kanyang taniman nang tambangan ng BHB.

Sa Mindoro Occidental, si SPO1 Ernesto Dacula ay ginawaran ng BHB ng rebolusyonaryong hustisya nitong Disyembre 13. Si Dacula ay isang pusakal na badigard ng despotikong panginoong maylupa na si Ricardo Quintos.

Ayon naman sa ulat koresponsal mula sa Kalatas (pahayagang masa sa Timog Katagalugan), pinarusahan din nitong Disyembre 3 si P/Sr. Insp. Edison Atienza, dating hepe ng pulisya sa Puerto Galera, Oriental Mindoro. Si Atienza ay pinarusahan dahil sa kanyang mga utang na dugo sa rebolusyonaryong kilusan, sa kanyang aktibong paglahok sa mga operasyong militar laban sa BHB at sa pagiging protektor ng mga iligal na gawain. Pinakahuling kaso ni Atienza ang pagpatay sa hors d�combat (nawalan na ng kakayahang lumaban) na si J. Tresvalles (Ka Joker) noong Agosto 3.

Sa Tarlac, ginawaran ng rebolusyonaryong katarungan si Marcelo Guiang sa bayan ng Mayantoc. Si Guiang ay lider ng isang sindikato ng mga manghoholdap na bumibiktima sa mga byaherong dumadaan sa mga bayan ng silangang Tarlac.

PAGLABAG SA SOMO SA CAGAYAN, INILANTAD

Inilantad ng rebolusyonaryong kilusan sa Cagayan Valley ang kahungkagan ng Suspension of Offensive Military Operations o SOMO na idineklara ng rehimeng Estrada na nagsimula umano nitong Disyembre 9. Sa isang pahayag sa midya nitong Disyembre 14, sinabi ni Salvador del Pueblo, tagapagpahayag ng Partido Komunista ng Pilipinas, Bagong Hukbong Bayan at National Democratic Front sa Cagayan Valley, na nagpapatuloy pa rin ang mga operasyong pangkombat ng 5th Infantry Division na sinimulan noon pang Nobyembre 13.

Kasalukuyang naglulunsad ng operasyong pangkombat ang tatlong platun ng 41st IB sa lugar ng West Baggao-Alcala, Cagayan; dalawang platun ng 41st IB sa Zinundungan Valley, Rizal, Cagayan; limang platun ng 54th IB sa mga bayan ng Jones, Echague at San Agustin sa Isabela; isang platun ng 5th ID Reconnaisance Coy sa Jones, Isabela; dalawang platun ng 54th IB sa Maddela, Quirino; dalawang platun ng 54th IB sa Dupax- Aritao, Nueva Vizcaya; at apat na platun ng 45th IB sa San Mariano, Isabela.

Inilantad rin ni del Pueblo na kaakibat ng naturang mga operasyon ang malawakang rekrutment at treyning ng mga CAFGU.

Samantala, kinundena ni del Pueblo ang sapilitang paggamit sa dalawang nabihag na mandirigma ng BHB (Mar �Ka Mar� Rodriguez at JR �Ka CJ� Bulusan) bilang giya sa mga operasyon ng kaaway. Sina Ka Mar at Ka CJ ay nabihag noong Nobyembre 18 sa Madadamian, Echague, Isabela. Sa isang bukas na liham para sa 5th ID nitong Disyembre 11, hinamon ni del Pueblo ang pamunuan ng 5th ID na kilalanin ang dalawa bilang bihag ng digma na inaalagaan at pinuproteksyunan ng mga alituntunin ng digma at ng internasyunal na makataong batas.

KASUNDUAN NG GRP AT RPA-ABB, KINUNDENA

Kinundena ng Partido Komunista ng Pilipinas sa Negros (PKP-Negros) ang �kasunduang pangkapayapaan� sa pagitan ng Gubyerno ng Republika ng Pilipinas at ng Revolutionary Proletarian Army-Alex Boncayao Brigade (RPA-ABB).

Sa isang pahayag, sinabi ng PKP-Negros na ang makikinabang lamang sa kasunduan ay ang angkan ni Eduardo Cojuangco Jr., ang alkalde ng Salvador Benedicto na si Cynthia de la Cruz, ang kanyang asawa na si Nehemias at ang mga lider ng RPA-ABB na sina Arturo Tabara at Nilo de la Cruz. Anito, ang pagpirma sa kasunduan nitong Disyembre 10 sa bayan ng Salvador Benedicto, na sinaksihan nina Cojuangco at Joseph Estrada ay isang �malaking pagtitipon ng mga warlord at gangster�.

Si Cojuangco, na padrino nina Tabara at siyang namagitan sa pagbubuo ng kasunduan, ay pusakal na warlord at despotikong panginoong maylupa sa Negros samantalang sina Tabara at de la Cruz ay sangkot sa mga gawaing gangster tulad ng panghoholdap ng mga bangko.

Bahagi ng kasunduan ang paglalaan diumano ng P500 milyon ng rehimeng Estrada para sa mga proyektong tutukuyin nina Tabara.

WALANG TIGIL-PUTUKAN NGAYONG KAPASKUHAN�PKP

Ipinahayag ni Gregorio �Ka Roger� Rosal, pambansang tagapagsalita ng PKP, na hindi magdedeklara ng tigil-putukan ang PKP at BHB ngayong Kapaskuhan alinsunod sa desisyon ng pamunuan ng dalawang rebolusyonaryong organisasyon.

Ani Ka Roger sa isang pahayag sa midya nitong Disyembre 4, ang lahat ng yunit ng BHB ay inaatasang ipagpatuloy at ibayong paigtingin ang mga taktikal na opensiba laban sa rehimeng US-Estrada bilang tugon sa malawak na panawagan ng mamamayan na paigtingin ang lahat ng uri ng pakikibaka para tapusin ang kinamumuhiang pamahalaan. Inatasan din ang mga Pulang mandirigma na bigyan ng espesyal na pansin ang pagpaparusa sa pinakamalalaki at pinakamasasahol na mandarambong, mang-aapi at manghuhuthot sa sambayanan.

 


Previous articleBack to topNext article

Disyembre 2000
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Iluwal sa pagpasok ng 2001 ang makapangyarihang unos na magwawakas sa rehimeng US-Estrada

Mga sipi:
Pakilusin ang malawak na masa ng sambayanan upang igawad ang pamatay na dagok sa rehimeng Estrada �Armando Liwanag

Rehimeng Estrada: nasa bingit ng kamatayan:
Mabilis na pagsadsad ng krisis ng ekonomya

Rehimeng Estrada sa bingit ng kamatayan:
Papet, bulok, pasista

PANANALANTA NG PASISTANG ESTADO
Kaguluhan sa mga malakolonya
Liga ng mga pakikibaka ng mamamayan ng daigdig, pinaghahandaan
Mga balita sa pakikibaka
Karagdagang balita mula sa Kabikulan
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.