![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Ang pag-aresto at pagbilanggo ngayon kay Estrada ay mainit na tinatanggap ng rebolus yonaryong kilusan at mamamayang Pilipino. Isa itong tagumpay ng malawak na demokratikong kilusang masa na hindi tumigil sa pagpapatalsik lamang sa rehimeng Estrada. Puspusan nitong ipinagpatuloy ang paggigiit ng pag-aresto, paguusig, paglilitis at pagpaparusa kay Estrada at sa kanyang mga mayor na kasapakat. Nakamit ang tagumpay na ito sa kabila ng pagsisikap ng ilang kampo sa loob ng rehimeng Macapagal-Arroyo na bigyang-akomodasyon si Estrada. Ginagamit ngayon ni Estrada ang lahat ng ligal na taktika upang mabigyan siya ng mga espesyal na pribilehiyo at konsesyon. Kailangang biguin ang mga ito, panatilihing nakapiit si Estrada at pagkaitan siya ng kalayaang makabwelo sa mga pailalim na maniobra. Hindi titigil ang militanteng pagkilos ng mamamayan hanggat hindi natatamo ang lubos na katarungan para sa mga biktima ng kanyang rehimen. Kailangang ilantad ang panlilinlang ng mga lider ng mga grupong pinopondohan ni Estrada. Ginagamit ng mga ito ang demagohikong panlolokong "mahirap laban sa mayaman" upang mang-upat ng kaguluhan sa mga lansangan. Kabigin ang masang biktima ng panlilinlang na ito. Importanteng ipakita ang mga krimen ni Estrada laban sa masang anakpawis, laluna ang ginawa nitong pagpapayaman sa sarili at pagpapatupad ng mga maka-imperyalista, anti-manggagawa at anti-magsasakang mga patakaran sa ekonomya.
Gayundin, kailangang ipagpatuloy ng mamamayan ang militanteng paglaban upang maparusahan pandaram bong at iba pang krimen ng iba pang mayor na kasapakat ni Estrada na kasalukuyang binibigyangakomodasyon ng rehimeng Macapagal-Arroyo. Kailangan ding muling bigyang-pansin ang pakikibaka upang arestuhin, usigin at parusahan ang mga Marcos. Kaugnay nito, mahigpit na susubaybayan at babantayan ng mamamayan ang proseso ng pag-uusig at paglilitis hanggang maparusahan si Estrada at mga kasapakat niya. Tututulan at tutuligsain ng mamamayan ang lahat ng mga gagawing pakikipag kumpromiso at akomodasyon para palusutin ang mga kriminal at lapastanganin ang hustisyang iginigiit ng mamamayan. Kung hindi maipatutupad ng rehimeng Macapagal- Arroyo ang katarungan, kakamtin ito sa ilalim ng demokratikong pamahalaang bayan. ![]()
|
| |||||||||||||||||||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|