![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Isang rebolusyonaryong aktibidad na mabigat na iniinda ng reaksyunaryong gubyerno ang pagpapataw at pangungulekta ng rebolusyonaryong kilusan ng buwis sa malalaking dayuhan at kumprador kapitalistang interes na may mga operasyon at negosyo sa saklaw ng rebolusyonaryong pagkilos. Pinatutunayan ng rebolusyonaryong pagbubuwis na epektibong napaiiral at napagagana ang demokratikong gubyerno ng bayan sa malalawak na teritoryong saklaw ng rebolusyonaryong kilusan. Sa pagtalima ng mga binubuwisan sa rebolusyonaryong batas, pinatutunayan ang pagkilala ng mga ito sa Pulang kapangyarihang pampulitika. Ang lumalakas na pangungulekta ng rebolusyonaryong buwis ay nagpapakita rin ng kakayahan sa pagsandig-sa-sarili at higit na paglakas ng rebolusyonaryong kilusan. Sa panggagalaiti rito ng reaksyunaryong estado at mga reaksyunaryong naghaharing uri, ang rebolusyonaryong pagbubuwis ay isa sa mga palaging sinesentruhan ng kanilang maruming propaganda at paninira. Hindi ekstorsyon o teroristang gawain ang rebolusyonaryong pagbubuwis, tulad ng palaging idinadakdak ng reaksyunaryong rehimeng US-Macapagal Arroyo. Ito�y isang lehitimong gawain at karapatang pang-estado ng demokratikong gubyernong bayan. Ipinatutupad ito saanman umiiral at maaaring pairalin ang Pulang kapangyarihang pampulitika. Ang rebolusyonaryong buwis na ipinapataw sa mga kaaway sa uri ay makatwirang bayad sa pribilehiyo o kunsesyong ibinibigay sa kanilang pagnenegosyo o operasyon sa saklaw ng gubyernong bayan. Kaakibat ng pagbabayad ng buwis ang pagsunod sa mga batas ng gubyernong bayan at patakaran ng rebolusyonaryong kilusan, na pawang nakatuon sa walang iba kundi sa pangangalaga sa interes ng mamamayan. Ang BHB ang pangunahing rebolusyonaryong organisasyong may responsibilidad sa implementasyon ng pagbubuwis. Bahagi ng responsibilidad nito ang pagpapataw ng karampatang parusa sa mga kaaway sa uring ayaw magbayad ng buwis. Mayroon ding mga makabayang negosyante, mulat na panginoong maylupa at mayamang magsasaka � mga kaibigan ng rebolusyon � na handang magbayad ng rebolusyonaryong buwis sa rebolusyonaryong gubyerno. Ang kanilang pagbabayad ng buwis ay ekspresyon ng suporta sa rebolusyonaryong kilusan at sa pangkahalatang kagalingan ng mamamayan. Kaiba sa kaso ng mga naghaharing uri, hindi gumagamit ng pwersa sa pagpapatupad ng rebolusyonaryong buwis sa mga kaibigan ng rebolusyon. Ang salapi at rekursong natitipon mula sa rebolusyonaryong pagbubuwis ay ipinanunustos sa operasyon ng Partido, BHB, demokratikong pamahalaang bayan at rebolusyonaryong kilusan at sa mga proyekto para sa pangkahalatang kagalingan ng mamamayan. Sa pagpapatupad ng rebolusyonaryong pagbubuwis, di isinasakripisyo ang kapakanan at interes ng sambayanan. Ang mga negosyo at ari-ariang pumipinsala sa mamamayan at kapaligiran ay di pinahihintulutan kahit pa handa sana silang magbayad ng rebolusyonaryong buwis. Ibang-iba ang rebolusyonaryong pagbubuwis sa pagbubuwis na ginagawa ng reaksyunaryong gubyerno. Sa kalakhan, itong huli�y nanggagaling sa mga manggagawa, magsasaka, mabababang antas na empleyado at iba pang karaniwang mamamayan at may napakalaking bahagi (mahigit sangkapat) na napupunta lamang sa katiwalian at luho ng mga upisyal ng gubyerno, bukod pa sa kalakhang bahaging napupunta sa pagbabayad sa panlabas na utang, malaking gastos sa militar at pulisya at panunupil sa mamamayan at pagtataguyod sa iba pang imperyalista at kumprador-burukrata kapitalistang interes. ![]()
| ||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|